Chapter 4

605 Words
An: Sorry po kung hindi ako magaling magsulat, pero subaybayan niyo pa rin toh hahaha New character unlocked...... Tryp Vander POV Hi, Tryp Vander here! Yun lang. Wala ng intro-intro. Papunta na kong school ngayon, sa totoo lang wala naman akong ganang pumasok. Pagkarating sa parking area, wala pa din yung dalawang dugyot. Maya-maya lang buti dumating na, baka masapak ko na 'tong mga toh. Tinignan ko lang sila ng masama hanggang sa makababa sila sa kani-kanilang sasakyan. "Pre sensya na traffic" si cree yan. "Same here dude" si bowie naman yan. "Let's go, ayokong malate ng dahil sa inyo" As usual cliche na 'toh pero anong magagawa namin kung pogi kami, pinagtitinginan na naman kasi kami ng mga babae ngayon. Yung dalawa naman feel na feel pa. Napailing nalang ako. Ng makarating ng room sa likod agad kami umupo kasi dun naman talaga pwesto naming magtotropa. Habang nagdidiscuss yung teacher namin bigla namang may kumatok kaya ayun natigil yung pakikinig ko. Panira -_- "Class may bago kayong classmate" sabay tingin niya samin. Tapos kinausap niya sa labas yung bago saka pinapasok. Bigla naman nagsi-ingayan, kaya pinalo ko yung mesa para manahimik. Nanahimik naman, then good. Sabay tumingin na ko sa mga bagong salta. "Please introduce yourselves para makilala kayo ng classmates niyo" biglang salita ni ma'am sa harap. "Hi, I'm Osiris Xin. 15" saka nagbow. Ano yun, yun lang? Napatingin naman ako sa babaeng katabi nito. "Hi, I'm Orabelle Xin, 14" nagbow din. "Wait, are you siblings or not?" tanong ni ma'am. "We're siblings" tipid na sagot nung lalaki. "Ow okay, pwedi na kayong maupo sa last row" Napatingin ako sa dalawang magkapatid, weirdos. Napatingin ako sa kanan ko dahil may istorbo, sino pa ba? "Pre ang ganda kaso mukhang bantay sarado ng kuya" umandar na maman pagkachickboy nito. "Oo nga dude, tropahin nga natin yung kuya malay mo payagan tayong manligaw sa kapatid niya" mga abno. "Quiet. Wag niyo nga pagtuunan ng pansin yung ganyan" nanahimik naman yung dalawa. After ng discussion nagstay lang kami sa room, ayokong pumupunta ng canteen masyado kasing maingay. Itong dalawa ko namang katabi nagtutulakan para malapitan yung magkapatid. "Tara na nga dude, bading ka ba? May hiya ka pang nalalaman. Eh kung makapunta ka nga sa bahay ni Tryp para kang naggrocery, nagdadala ka pa ng pagkain pauwi sa inyo" asar ni bowie kay cree. Napatingin tuloy ako kay Cree, hindi ko alam na nag-uuwi pala siya ng pagkain mula samin. "Pre, maawa ka naman sa nangangailangan" "Nangangailangan ka ba sa lagay na yan? Ang yaman mo naman" binatukan tuloy ni bowie. "Ingay niyong dalawa, tatadyakan ko yang mga pagmumukha niyo. Ang iingay niyo para kayong mga babae" natitililing tenga ko sa dalawang toh eh. Napatingin naman ako sa pwesto ng magkapatid, tahimik lang din naman silang dalawa. Natutulog naman yung isa, yung isa naman nakatingin sa labas. Lumapit naman na yung dalawang kumag sa pwesto nila. Nakinig nalang ako sa pinag-uusapan nila. "Hi, ako nga pala si Cree eto naman si bowie" inabot naman ni cree yung kamay niya kaso hindi tinanggap nung lalaki tumango lang kina Cree. "Ah may kailangan ba kayo?" tumingin ulit sa labas yung kausap nila Cree. "Ah wala naman, gusto lang namin makipagkaibigan baka gusto niyo ng guide sa campus" sabi ni bowie. "No need, we can manage" Umalis nalang yung dalawa sa sobra atang awkward ng usapan. Napansin ko naman na hinawakan nung kapatid lalaki yung buhok ng kapatid niya, ginigising siguro. Naupo nalang ulit yung dalawa sa harap ko. At nagkwentuhan nalang kami ulit. An: Ang lame ata ng chapter na toh, pero itutuloy ko pa din toh wahahahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD