Chapter 5

430 Words
An: Hi samahan niyo pa din ako ha? Selemet. Orabelle POV Nagising ako sa pagkakatulog ko sa desk dahil naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Paglingon ko si kuya pala, mananapak na sana ko kung di ko kilala tapos hahawakan buhok ko. "Why kuya?" "Gising na, di ka ba nagugutom? Pwedi na tayo umuwi bella" patuloy pa rin siya sa paghimas sa buhok ko, inaantok ulit ako. "Bad influence" irap ko sa kanya. "Really? Am i?" "Truetoo, baka isipin ng dean porket satin yung school masyado na tayong chill" umupo na ko ng maayos sa upuan ko at napalingon lingon. Lima nalang pala kami nandito sa room. "C'mon kain tayo, I'm starving bella" "K, fine" tumayo na ko para hindi na mag-inarte 'tong kasama ko. Bago lumabas ng room kanina ko pa nararamdaman na may tumitingin samin ni kuya, tama nga ko siya nga yung kanina pa titig ng titig. Kaya tinitigan ko din siya at tinaasan ng kilay. "What?" tanong nung nasa gitna, kaya pati mga kasama niya tumingin din sakin. "Ako dapat nagtatanong niyan, kanina ka pa tumitingin. Anong meron?" Inakbayan naman ako ni kuya. Baliw talaga 'toh di man lang ako inaawat, nakikipag-away na nga ko. Supportive brother! Hahhahaa "Weirdo" simpleng sagot niya lang sakin. Aba matapang. "Kuya pigilan mo ko, masasapak ko toh sa bagang" bulong ko kay kuya. Tumawa lang naman 'tong katabi ko. "Weirdo huh? Then you're an asshole" sabay hila kay kuya. Nakaramdam na din ako ng gutom may epal kasi. "Weirdo huh? Then you're an asshole" panggagaya ni kuya sa boses ko. Kaya napaharap nalang ako sa kanya. "Gutom na ko, libre mo ko" "You have your money bella, bat pa kita ililibre?" napakakuripot talaga. "Please? Ganito nalang, my treat tomorrow. So G?" tinaas-baba ko pa kilay ko para maconvince lang siya. "Deal!" Pagkarating ng canteen, hindi na naman matigil yung mga tumitingin sa amin. Hindi ko nalang pinansin at kumain nalang, marami kasing inorder si kuya. Di na ko lugi sa libreng toh hahahaha After kumain bumalik na kami sa room pero syempre may bitbit pa din akong pagkain, bawal akong magutom nananapak ako. Pagkarating ng room buti nalang di ko na nararamdaman na may tumitingin samin, kumain nalang ako ulit pero may kumuha naman ng pagkain sa desk ko. "Wag mong susubukan na kunin yan kuya, magkakamatayan talaga tayo dito ngayon" banta ko sa kanya kaya ayun binalik yung kinuha niya. Buti nalang dumating na yung prof, after ng klase umuwi na rin kami. Nakakapagod umupo buong araw at nakakapagod pala mag-aral. An: See you on next update ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD