Tryp's POV
Nagsosoundtrip lang ako ngayon sa bahay because i'm bored. Nilakasan ko para mas ramdam na ramdam pati bass. Kung kelan papaupo na ko nakarinig ako ng kalabog sa baba, may kumakatok pala.
Pagkabukas ko natamaan mukha ko kaya napaaray ako dahil sa kagagawan ng babaeng classmate ko. Si orabelle pala toh.
"Ouch! The hell!" sigaw ko nung natamaan ako kaya napatingin siya sakin.
"Are you following me?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya nagsalita nang makita ako.
"Bat naman kita susundan?" ang taray niya talaga. Di ko yata kakayanin ugali nitong babaeng 'toh.
"Then why are you here? Unless stalker kita?" nakapagtataka naman kasing alam niya bahay ko.
"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo noh? Gusto ko lang sabihin na pakihinaan naman ng music mo dahil nakakagambala ka ng tao"
Ah baka siya kapitbahay ko. Small world bruh, napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa kanya ulit.
"Why? You don't like my music?" nacurious ako kasi syempre gusto kong genre pinapakinggan ko ngayon.
"Ang pangit" ayun lang sinabi niya at nagwalk-out. Tinignan ko muna yung bahay na pinasukan niya, so we really are neighbors. Sinarado ko na yung pinto at umakyat na ulit, pinatay ko nalang yung pinapatugtog ko nawalan na ko ng gana eh.
Orabelle's POV
Pagkapasok ko ng bahay nadatnan ko si kuya nakaupo sa may hagdan at nakakunot ang noo habang nakatingin sakin.
"Ano bang pagmumukha yan kuya?" nakakatakot naman kasing tumingin eh.
"Where did you go?" My god, his serious.
"Sa kapitbahay lang, pinahinaan ko yung music dahil nga sobrang ingay at baka magising ka. Sobrang lakas kaya ng tugtog kanina"
"Oh i thought umalis ka ng hindi ako kasama" he sighed in relief.
"Matutulog ka ba ulit?"
"Nah, let's eat outside. Tinatamad akong magluto" umakyat siya ulit.
"Okay! I want jollibee or mcdo!" sigaw ko para marinig niya. Syempre favorite food eh, aarte ka pa ba?
Umupo nalang ako sa living room para hintayin siya doon. Ilang minutes lang bumaba na siya bitbit ang susi ng kotse kaya sumunod na ko sa kanya palabas.
So ang napili naming kainan is sa Mcdo kaya tuwang tuwa naman ako. Maliban nga lang nung omorder kami, ang tagal nung cashier nung kami na next in line, pano ba naman halos tunawin na si kuya ng tingin. Si kuya naman walang kaalam-alam sa paligid niya.
After namin kumain umuwi din naman kaagad kasi ang boring sa mall wala rin naman akong bibilhin dun. Pagkarating namin ng bahay may nakatayong lalaki dun sa labas ng gate namin kaya pagbaba ng kotse bigla ko agad sinila yung likod para di makalaban. Ng humandusay na siya sa sahig dinaganan ko ng tuhod ang likod niya para di makatayo.
"Jesus christ! Ang sakit!" napatingin ako sa lalaki dahil pamilyar sakin ang boses nito.
"Who are you? Are you a spy?" tanong ni kuya habang nakatutok sa ulo niya yung baby suppressor niya. Trip ko talaga yang b***l niya kaso ayaw niya kong bilhan ng ganyan, nakakainggit.
"Easy guys! It's me Tryp" sagot nung lalaki samin.
"Tryp? Who's tryp?" tanong ni kuya. Kaya napatingin ako sa kanya.
"I don't know, wala akong kilalang tryp" napailing nalang ako kasi hindi naman talaga familiar sakin. We're not good in names ni kuya, madali kaming makalimot kapag di naman importanteng bagay.
An: Any comments naman diyan mga ka-reader! Hahaha ang lonely kapag walang nagcocomment eh