Orabelle's POV
Nakadapa pa rin hanggang ngayon yung lalaki, hindi pa rin siya makakilos dahil inupuan ko na rin likod niya. Isn't it cool? Hahaha
"I said, who are you?" ulit-ulit naman si kuya nagpakilala na nga eh. Siya nga daw si Tryp.
"Aghhhhhh----" nagpabigat kasi ako kaya hindi siya makapagsalita ng maayos.
"Kuya baka naman spy 'toh, patingin-tingin sa loob ng bahay kanina eh"
"Spy ka ba!? Hindi ka na makakauwi ng buhay!" napatango ako sa sinabi ni kuya.
Mas okay ng sigurado kesa mapahamak pa kami. Iniwan na nga kami nila mama't papa kaya dapat lang ingatan namin mga sarili namin sa mga taong nagtatangka sa buhay naming dalawa.
"Guys my name is Tryp, i'm your classmate okay?" napatingin ako ulit sa lalaki kaya umalis na ko sa likod niya. Pinakatitigan ko mukha niya, ah siya pala yung kapitbahay namin. Sinuri ni kuya buong itsura ni Tryp bago binaba ang b***l.
"Then why are you here? Bat mo tinitignan bahay namin?" nakinig nalang ako sa usapan nila. Si kuya ng bahala sa kanya.
"Jeez! Pweding huminga muna? Papatayin niyo ba kong dalawa?" kinakabahan niyang tanong samin.
"Of course, kapag pinagtangkaan mo buhay namin" taas-kilay kong sabi sa kanya. Ang arte kasi kalalaking tao.
"Okay, i'm sorry. Pumunta ako dito kasi ano, kasi----" hindi siya mapakali kaya pinutol na ni kuya sasabihin niya.
"Kasi what?" bored na tanong ni kuya.
"Pwedi bang ilayo mo muna sakin b***l mo, natatakot ako sayo pre" lumalayo siya ng konti samin. So bale sinisiksik niya na sarili niya sa gate kahit wala naman na siyang maaatrasan.
"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa inyo" i rolled my eyes nung marinig ko sinabi niya. Sasagot na sana ako kaso naunahan na ko ni kuya.
"We don't need friends, pwedi ka ng umalis" sabi niya kay Tryp bago bumaling sakin.
"Bella pumasok ka na" saka na siya pumasok ng bahay. Sumunod nalang ako sa kanya at hindi na nilingon si Tryp na nakatulala lang sa labas ng gate namin.
Pagkapasok ng bahay sumalampak nalang ako sa sofa at tumingin kay kuya na nanonood ng tv. Ayos ah parang wala lang yung nangyari sa labas.
"Kuya hindi mo pa ba nalolocate yung nagtatangka sa buhay natin?"
"Hindi pa, masyadong magaling magtago target natin bella kaya nahihirapan pa din ako"
"Maybe i can help?" presenta ko para mapadali ang plano.
"No, ayokong mapahamak ka. Don't involve yourself" hindi na ko nagsalita kaya umakyat na ko ng kwarto. Masyadong magulo utak ko kapag ganun na pinag-uusapan naming magkapatid.
Pagkabukas ko ng kwarto humiga na ko sa kama at tumingin sa kisame. Napapaisip ako kung bakit nangyayari samin 'toh, wala namang kwenta kung mag-aaway pa tungkol sa pera, halos mayaman family friends namin.
Bago matulog, pumunta muna ko sa gym namin dito sa bahay para magyoga. Kaya naglatag ako ng yoga mat at pumuwesto para naman marelax isip ko. After ng yoga kinuha ko ang boxing gloves ko at sinuntok suntok ko yung punching bag naming sira, kawawa punching bag samin ni kuya dahil gutay-gutay na. At ng mapagod ko na sarili ko, pumunta na ulit ako ng kwarto para makapagpahinga na dahil may pasok pa bukas.
An: Leave comments mga mare ? Sank yuuuuu