Chapter 12

569 Words
Tryp's POV Hindi ako masyado nakatulog ng maayos dahil sa nga sa nangyari kagabi, patakbo akong umuwi ng bahay. Hindi ko akalain na ganun kabrutal yung dalawang yun dahil wala naman sa itsura nila na kaya nilang manakit. Actually masakit pa din likod ko ngayon kaya hindi ako makakilos ng maayos. Kaya tinawagan ko nalang muna si Bowie, ilang ring lang sinagot niya na. "Yow?" mukhang kakagising lang nito. "Sunduin niyo ko ni Cree" "Nasan ka ba?" "Stupid. Sa bahay syempre, sunduin niyo ko dito bago pumasok" binaba ko na agad phone ko para makapaggayak na rin. Buti hindi nagtagal at dumating na din sila. Dahan-dahan akong lumapit sa kotse ni Bowie, pagkapasok ng kotse dahan-dahan rin akong umupo dahil masakit likod ko. "Pre tumatanda ka yata" mapang-asar na sabi ni Cree. "Urusai!" (Shut-up) Nanahimik nalang siya pagkatapos kong sabihin yun. Tumingin muna ko sa bahay ng magkapatid, narealize ko na hindi na ko lalapit sa kanila kung gusto ko pang mabuhay ng matagal. "Dude anong nangyari sa likod mo?" tanong ni Bowie. "Long story" tumingin nalang ako sa tanawin na dinadaanan namin. "Then make it short" bulong ni Cree. "I heard you dumbass" sinipa ko yung shotgun sit dahil dun nakaupo si Cree. Bigla naman kaming sinaway ni Bowie dahil nga sinipa ko nga daw baby niya. Baby niya kotse niya. Bumuntong hininga muna ko bago ako nagkwento sa kanila sa nangyari sakin kagabi. Pati sila hindi makapaniwala sa ginawa ng magkapatid sakin. "Grabe pre baka naihi ako sa pants ko nun" sabi ni Cree habang nakanganga at nakatingin sakin. Oa talaga. Tahimik lang si Bowie pagkatapos ng kwento ko. Hanggang sa umabot na kami sa school tahimik pa din siya habang naglalakad na kami papuntang classroom. Pagdating ng room bigla akong kinabahan nung nakita ko yung magkapatid, hindi naman sila lumingon sa gawi ko pero yung presensya palang nila matatakot ka na. Kung hindi lang nangyari sakin yun kagabi, okay pa sana ako ngayon. Nagsisi talaga ko kung bakit pa ko pumunta dun, pero nagkamali ata ako ng hula ngayon dahil lumingon sa gawi ko si Orabelle. Orabelle's POV Pagkarating namin ng room ni kuya wala pa masyadong tao kaya pagkapasok luminga-linga muna ko para hanapin yung lalaking pumunta sa bahay namin kagabi, natakot siguro kaya wala dito. Pagkaupo namin syempre soundtrip muna wala pa naman magtuturo eh. Hindi ko namalayan na marami na palang tao sa room, napadako ang tingin ko sa pintuan at gotcha! May lakas ng loob pa pala 'tong pumasok pagkatapos nung nangyari sa kanya kagabi. "Hoy! Sino ba tinitignan mo dyan?" siniko ako ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. "Yung asungot na nasa gate natin kagabi, pumasok siya ngayon. Malakas pa din loob kuya" bulong ko sa kanya. "Yaan mo na, kapag may ginawa na naman yang kalokohan diretsong libingan na. Wag mo na titigan, masasapok kita" nairap nalang ako. Napakaseloso kasing kapatid. "Seloso naman nitong kapatid ko, ikaw lang pinakagwapo sa lahat wag ka na mag-inarte diyan para kang babae" natatawa talaga ko sa kanya. "Tigilan mo ko orabingot" luh? Orabingot na tawag sakin, ibig sabihin asar na yan. "Diba bella tawag mo sakin ngayon naman orabingot, parang di ka kapamilya" umismid ako sa kanya kasi hindi naman ako bingot. "Kapuso ako" seryoso pa niyang sinabi yan. "Nakakatawa yun? Ang corny mo" pero palihim akong tumawa. Bakit ba mababaw kaligayahan ko eh. A/n: Anong comment niyo guys? Baka naman hahahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD