An: Hi musta kayo? Leave comments naman diyan hahahaha s*******n toh! Chosss
Tryp POV
After ko tanungin si Orabelle, sinusulyapan ako nung kapatid niyang abno at pinapatay ako sa tinginan niya. Bading ata toh tingin ng tingin eh. *smirk*
Napailing nalang ako sa kalokohan na naisip ko.
"Dude anong iniiling iling mo dyan?" chismoso talaga 'tong si bowie. Kanina pa pala nakatingin sakin yung dalawa.
"Oo nga pre, ngiting aso pa nga"
"Wala! Bat ba nangingialam kayo?"
"Sungit" bulong pa ning dalawa. Di ko nalang pinansin.
Napatingin ako sa harapan ko, actually palusot ko lang yung sa fries. Ang bango kasi ng buhok nitong babaeng 'toh na nasa harap ko. Napangiti nalang ako sa isip ko. Mahirap na may katabi akong dalawang chismoso.
Osiris POV
Nababadtrip pa din ako dun sa lalaking kumausap kanina kay bella. Hindi naman sa pimagdadamot ko si bella pero parang ganun na nga.
"May we call the presence of Mr. Xin? Please come on stage"
Parang narinig ko pangalan ko pero hindi ko nalang pinansin dahil nakakaburyo 'tong ginagawa sa audi, nakaupo lang naman.
Muntik na kong matumba dahil may tumulak sakin, eh sino pa ba?
"Kuya ano ka ba naman! Tinatawag ka sa stage! Nakakahiya 'toh" aba nagtataray pa itong kapatid ko, nakakalimutan niya atamg mas matanda ako sa kanya. Mamaya sakin 'toh.
Tinignan ko muna yung mga nasa likod ni bella at sinamaan ng tingin bago umalis sa upuan ko. Habang papuntang stage di naman nakalagpas sa pandinig ko yung bulungan sa paligid at tilian. Tsk tsk! Girls -_-
"Ang pogi niya talaga"
"Kyaaaaaahhhhhh"
"May girlfriend na kaya siya?"
"Ako lang pwedi niyang maging girlfriend"
Asa! Kala mo naman mapapansin ka niyan"
"Crush na crush ko talaga siya"
Napabuntong-hininga nalang ako nung narinig ko yung ibang sinasabi ng iba. Hindi ko nalang pinansin kaya binilisan ko na agad lakad ko hanggang sa makarating ng stage. Pagkaakyat sinalubong naman ako ng Dean at kinamayan.
Orabelle POV
Naiinip na ko sa pagkakaupo ko kaya buti nalang tinawag ng Dean si kuya sa stage. Narinig ko yung bulungan ng mga babae kay kuya, buti nalang napigilan kong matawa dahil ayaw na ayaw ni kuya na napupunta sa kanya ang atensyon. Pagdating niya ng stage nakabusangot pa, di man lang ngumiti.
"Orabelle, bat pinatawag sa harap kuya mo?" tanong sakin nung kaibigan nung nagtanong kanina. Ewan ko ba kung ano pangalan nitong mga 'toh.
"I don't know" kibit balikat ko nalang. Wala rin naman kasi akong alam. Kakausapin niya pa sana ako kaso nagsalita na si Dean.
"Nagtataka siguro kayo kung bakit ko pinatawag si Mr. Xin sa harap, as you can see siya ang owner nitong school"
Nagsimula na naman magbulungan yung mga nasa paligid kaya may kumalabit na naman sakin.
"Wow orabelle, ang yaman niyo pala" syempre sino pa ba kumakausap sa kanya. Yung makulit na nagtanong kanina.
"No we're not"
Hindi ko na narinig pa ibang sinabi ng Dean, kasi si kuya na nagsasalita sa harap.
"I hope hindi mag-iba yung trato niyo saming magkapatid. Students din kami sa academy pero I don't want to see bullies here and wag niyong liligawan kapatid ko! That's all" sabay alis.
Napaface-palm nalang ako sa huling sinabi ni kuya, baliw -_- Narinig ko naman yung bulungan ng iba about sa sinabi ni kuya.
"Bawal daw ligawan ang kapatid"
"May balak pa naman ako"
"Bato na naging tinapay pa"
"Bobo baliktad, tinapay na naging bato pa yun!"
Ughhhhh. Lumabas nalang ako ng audi kesa mag-stay pa dun. Hihintayin ko nalang si kuya sa parking lot.
An: Leave comments naman diyan hahhhaa see you on next update :D