Kabanata 87: Fun night

1169 Words

"Girl, wala roon 'yong bag mo." Nag-arko ang mga kilay ni Selena, at tiningnan ang dalagita. Galing ito sa kaniyang silid para kunin ang bag niya matapos manghingi ng ambag para sa inuman. "Talaga?" Napa-isip siya sandali. Hanggang sa nasapo niya ang sariling noo. "Naku, Kiray, mukhang naiwan ko sa sasakyan ni Greg," sagot niya nang mapagtantong umibis siya ng kotse ni Greg na hindi bitbit ang bag. "Tawagan mo, para naman madagdagan pa itong iniiinum natin," saad ni Kiray nang bumalik sa kinauupuan. "Kaso lang naroon ang cellphone ko sa bag," alangan niyang sambit. "Heto. Gamitin mo 'yong akin." Dumukwang ang dalagita para iabot sa nakaharap na Selena ang sariling cellphone. "Sige, salamat." Saglit na tumagilid siya sa pool para kontakin ang kaibigang pulis. "Hello?" "Greg?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD