Kabanata 86: Day off

1364 Words

Mainit ang usok na lumalabas sa butas ng ilong ni North nang pababa ng hagdan. Saktong alas-siyete na, wala siyang ginawa sa kaniyang kwarto kung hindi titigan ang pag-ikot ng kamay ng orasan na nakasabit sa kaniyang silid. Simula nang umalis si Selena ay sa loob na siya nagtambay. Pakiramdam niya kasi ay parang sinisilaban siya dahil sa galit. Dire-diretso ang binata pababa ng hagdan. Makulimlim ang anyo habang tuwid na tuwid ang mga mata palabas ng bahay. Kahit saang lupalop ngayon ang dalaga, at ang kaibigan ay hahanapin niya ang mga ito. Nasa sala na si North nang may marinig na tunog mula sa kusina. Napako ang mga paa niya, at tumitig sa kawalan. Natigilan si Selena nang umikot mula sa harap ng ref, dala-dala niya ang lalagyan ng yelo na inutos ni Kiray. Naroon ang kaniyang amo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD