Kabanata 4

1027 Words
Malakas na bumalikwas sa pagkakahiga si Selena. Abot-abot ang pagtahip ng dibdib ng dalaga. Mabilis niyang nilinga ang batang katabi. Nakahinga siya nang maluwag nang nandoon pa rin ito. Hinagod niya ang mahabang buhok, at tumayo. Lumabas siya sa maliit na kwarto, at nagtungo sa kusina. Ibinaba ng dalaga ang baso matapos uminom, pakiramdam niya ay bahagyang nalinis ang lalamunan niya. Isang buwan na ang nakalilipas pero malinaw pa rin sa panaginip niya ang gabing iyon. Ang gabing hindi niya makalilimutan kailanman, hanggang siya ay nabubuhay. Ang pangyayaring iyon ay bumago sa buhay niya, at ganoon na rin sa kaibigan. Kusa nang tumulo ang luha ni Selena. Sariwang-sariwa pa rin ang sakit sa puso niya. "Aunt Selena," kinukusot pa ni East ang mga mata nang lumapit sa kaniya. "East, gising ka na pala?" "Anong gusto mong breakfast?" tanong niya rito. Mag-isa nang sumampa sa silya ang bata. Kinuha na rin nito ang kutsara't tinidor. Wala sa loob na pinagmamasdan niya ang alaga. Simula rin ng gabing iyon ay mas naging tahimik si East. Hindi rin ito nagtatanong tungkol sa magulang. Hindi niya alam kung baka dahil sanay na ito. O, matalino ito para isiping wala na talaga siyang magulang, buhat sa nasaksihang pagsasakripisyo ng ina. "Anong gusto mo?" pinigilan ni Selena na maluha, at lumapit dito. "I want hotcakes," seryosong tugon nito. "Hotcakes?" "Fortune teller ka ba, at alam mong iyon talaga ang iniluto ko?" pilit niyang pinasigla ang boses, at umupo sa silyang kaharap nito. Mayabang na nagkibit-balikat ang bata na ikinatawa ng dalaga. Nag-umpisa na rin itong kumain mag-isa. Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi niya, araw-araw siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil kasama niya pa ang batang ito. "Ate Mercy, paki-tingnan po muna si East ha?" "Mag-go-grocery lang po ako," Inabot ni Selena ang kamay ng bata sa matandang babaeng kapitbahay. Nakangiti namang tinangap ito ng ginang. Bago tumaas ang tingin, nginitian niya ito. Nang gabing iyon ay nagdesisyon si Selena na lumayo sa lugar kung saan naganap ang krimen. Tumira sila sa isang mumurahing apartment. Buti na lamang ay may naipon siyang sariling pera, at nagagastos niya iyon sa kanilang dalawa. "Ako ng bahala, narito rin naman si Terrence. Siguradong maglalaro sila," wika ni Mercy nang mapansin ang pananahimik niya. "Salamat po, Tita Mercy. Saglit lang po ako." Isinuot ni Selena ang sumbrerong itim, at lumabas ng apartment building. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid, sinisigurong walang makakilala sa kaniya. Mas naging maingat siya ngayon. Pakiramdam niya kasi simula nang araw na iyon ay may banta na sa buhay ng alaga. Hindi rin niya alam kung anong kinahinatnan ni Alanna, at West. Tinungo ng dalaga ang scooter motor, at sumakay. Natuto na siyang mabuhay na sila lamang dalawa. Lalabas lang ng bahay kung kailangang mamili ng pagkain, pagkatapos no'n ay nag-lo-lock na sila sa apartment. At sana nga ay gumana ang lahat ng ginagawa niyang pag-iingat para manatili silang magkasama ni East. Iniyukom ni North ang mga kamao habang nasa loob ng kotse. Tanaw niya mula roon ang pagpasok ng isang babaeng naka-sumbrerong itim. "Sir, siya si Selena Ortega," pagbibigay alam ng katabi niya si Mr. Nicolas, ang kaniyang secretary. Mas lalo lamang naging mariin ang pagkakabilog ng kamao ng binata habang nakatitig ng matalim sa babaeng dumukot sa pamangkin. Matapos mamatay ang kapatid, at ang asawa nito sa hindi malamang dahilan ay agad siyang bumalik sa Pilipinas. Nanlumo siya nang wala nang pag-asang makita ang Kuya at sister-in-law dahil sunog na ang mga katawan nito. Natigilan sa paghawak si Selena sa isang fresh milk. Habang nakayuko ay pailalalim na tiningnan ng dalaga ang gilid. Nararamdaman niya ang pasilip-silip ng isang lalake sa kaniya mula sa iilang metrong layo. Kahit nagsisimulang kabahan ang dalaga ay matulin niyang inilagay sa basket ang kahon ng gatas, at lumakad. Agad namang sinundan siya ng estranghero. At sa pagkakataon ito ay malalaki ang ginawang hakbang ni Selena habang pilit na gumagalaw ng kaswal. Napahinto lamang siya dahil sa mga sapatos na itim sa kaniyang tapat. Itinaas niya ang mukha, at nagtama ang mga mata nila ng lalakeng madilim na madilim ang anyo. "Miss Selena Ortega." Mabilis pa sa kidlat na kinuha niya ang gatas, binuksan at isinaboy sa mukha nito bago tumakbo. "What the?!" bulalas ni North habang tinitingan ang sariling naliligo ng gatas. "Sir!" tensyonadong lumapit ang kaniyang secretary, ganoon na rin ang ilang tauhan. "Follow that damn woman!" Halos magkandarapa si Selena, basta na lamang niya binitawan ang basket, at umalis ng grocery store. Ngunit may marahas na humablot sa braso niya, at nang mapaharap ang mukha na naman ng lalake ang nagisnan niya. Nagpumiglas ang dalaga ngunit mahigpit, at gigil na gigil si North. Halos bumaon ang mga daliri niya sa manipis na braso ng babae. Napaigik si Selena, at napatingin sa maugat na kamay ng lalake bago muling binalikan ito ng tingin. "You can't just run, Miss Ortega." "You have to pay for what you did to my family," matalim nitong litanya habang nag-aapoy ang magagandang mga mata. Nagdugtong naman ang mga kilay niya. Ano bang tinutukoy nito? At sino ang lalakeng ito na lubos siyang pinanggigigilan? Binalya ni North ang babae sa unahang ng kotse dahilan para mapahiga ito roon. Maliksi niya itong nilapitan, ilang beses itong napakurap, inilalayo at iniiiwas ang mukha. "I can't believe it." "That angelic face can commit such a heartless crime?" buong sarkasmo nitong wika habang titig na titig sa mga natatakot na mga mata ni Selena. "Bitawan mo ako, sino ka ba?" naguguluhang tanong ng dalaga habang hindi alam kung saan ibabaling ang mukha para lamang hindi masalubong ang mukha nila ng estranghero dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya. Dama niya rin ang katawan nitong wala ng espasyo sa kaniya. Ang kalahati niyang katawan ay nakahiga sa ibabaw ng kotse habang walang alinlangan nakadukwang naman ito sa kaniya. At dahil sa ganoong pwesto, ay may gumapang na kung libo-libong boltahe sa katawan ng dalaga, na unang beses niyang maramdaman. Napakunotnoo naman si North habang pilit na hinahabol ang bawat paggalaw ng bilog na bilog na mga mata nito. Bakit sa kabila ng lahat nangyari ay may takot sa mga mata ng dalagang si Selena Ortega?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD