Kabanata 5

1028 Words
"Sir, tama na 'yan," Kinuha ni Nicolas ang braso ni North para makalayo sa dalaga. Lumaki, at lumiit ang butas ng ilong ng binata habang mabigat ang bawat paghakbang palayo rito. Kung hindi lamang siya nagpipigil ay baka makatikim ito sa kaniya ng suntok. Nakahinga naman nang bahagya si Selena, at marahang bumabangon. Hinahabol pa rin niya ang hininga nang makaupo, at tiningnan ang binatang poot na poot pa rin ang imahe. "I can kill you!" mataas na boses nito, at itinaas pa ang daliri para duruin siya. Nababasa niya ang matinding pagkasuklam ng kaharap sa kaniya. Namumula ang maputing mukha nito, ganoon na rin ang leeg na namimintog ang mga ugat. Ang mga panga nito ay nagbabanggaan. "Miss Selena Ortega." Lumapit kay Selena ang isang matangkad na lalakeng suot ay uniporme ng pulis. Dahan-dahang siyang bumaba, at nagtatakang sinalubong ang tingin nito. "Miss Selena Ortega. Inaanyayahan namin kayo sa police station-" "Police station? Para saan?" Napangiti sa inis si North, at tumanaw sa 'di kalayuan. Ang galing umarte ng babaeng ito, akala mo kung sinong inosente. "May ilan kaming katanungan tungkol sa pagkamatay nila Alanna at West Castellana," pormal na paliwang ng pulis. "A-ano?" "Just take that damn woman! Sa police station ninyo na siya kausapin," singit ni North. "Huwag mo akong murahin!" sagot agad ni Selena, at saglit na binato nang masamang tingin ang lalake sa likuran ng pulis. "Ano ba?!" "Bitawan ninyo nga ako!" Ibinato si Selena ng dalawang lalake sa sofa. Masamang-masama ang mukha niya nang tingnan ang mga kasama sa kwarto. "Sa police station natin siya dapat dinala, North," bulong ni Greg, ang kaibigang pulis nito. "No. We should have thrown her straight into jail," siguradong sagot ni North habang nakahalulipkip, at titig na titig sa dalagang nakaupo sa sofa. Naiinis na tumayo si Selena, at aakmang lalakad ngunit matuling humarang ang binata. Agad naman niyang itinulak ito sa mga balikat ngunit hindi niya inaasahan ang ginanti nito. "North!" Lumapit sa kanila ang pulis, at pinigilan ang lalakeng nang itulak siya nang malakas pabalik sa sofa. "Ano ba'ng problema mo?!' asik niya habang nagkasalubong ang mga kilay na nakatingala rito. "Kumalma ka," pilit na inilayo ni Greg ang kaibigan sa dalaga. "Admit it! Just f*****g admit it!" Mas lalo lamang naguluhan si Selena habang nabibingi sa lakas ng boses ng lalake na pumupuno sa loob. Hindi niya mailarawan ang labis na galit nito sa kaniya. "Anong aaminin ko?" mahinahon niyang balik-tanong habang namumuo ang mga luha. Balewala ang pagharang ni Greg kay North, at nagtungo muli sa dalaga. Napapikit ito nang hablutin niya sa parteng leeg ng blouse, at pwersahang itinayo. "Tell us how you killed my brother and my sister-in-law." Napamulat si Selena, at nagtama ang mga mata nila ng lalake. Mula roon ay naalala niya ang huling agahan na magkakasbay sila ni Alanna at West. Tama! May nabanggit ang mga ito na kapatid ng among lalake. North! Si North na nasa America! "How did you ruthlessly shoot and burned my brother and his wife?" Ibinukas niya ang bibig habang tuluyang kumawala ang mga luha. Malikot ang mga mata niya habang hindi alam ang isasagot sa kapatid ng among si West. "Paano?!" sigaw ng binata sa mukha niya para muli siyang mapapikit sa takot. "North, tama na 'yan." "Ang maganda niyan ay dalhin natin siya sa station," Tinapik ni Greg ang balikat ng kaibigan para bitawan na ang suspek sa pagkamatay ng kapatid, at sister-in-law nito. Sa pangalawang pagkakataon, ay inihagis ni North si Selena. Bumagsak ito sa sofa at dire-diretso sa sahig. Lumunok ang binata habang titig na titig pa rin sa dalagang nakaupo, at nakayuko sa baba. Gusto na niyang patayin ito, rito mismo! Ngunit, kailangan niyang malaman kung nasaan ang pamangkin. "Where's my nephew?" malamig niyang tanong habang pilit na kinakalma ang sarili. Isang nakabibinging katahimikan ang nakiraan habang nakatingin lamang ang bawat lalakeng nasa loob kay Selena. "Where's East?" Kahit nawawalan ng lakas ay marahang tumindig ang dalaga mula sa pagkakalugmok sa sahig. Hinawi niya ang gulong buhok, at ang ilang hiblang nakasaboy sa mukha dahil sa pagbalibag sa kaniya ng binata. Pinunasan ni Selena ang nagsabog na mga luha sa pisngi, at buong tapang na itinaas ang mukha. "Kasama ko si East." "Then, take me where is he," maawtoridad na utos nito sa kaniya, at agad siyang tinalikuran. "Greg, after I get my nephew. Take that woman in jail-" "Wala akong kasalanan!" sa wakas ay na ipagtanggol na ni Selena ang sarili. Natigilan naman si North, at maingat na pinakinggan ang susunod pa na sasabihin ng babae. "Hindi ko sila binaril, at sinunog." "Hindi ko sila pinatay," umiiyak na dagdag ni Selena. "Such is all the defense of all criminals!" "And did you think, I will believe you?" Umikot ang binata, at muling hinarap si Selena. Itinaas niya ang sulok ng labi, at tinitigan ng husto ito sa mga mata. "Hindi ko iyon magagawa kay Alanna at West." "Hindi ko sila kayang saktan." "Damn it! You already killed them!" hiyaw ni North, at nilapitan siyang muli. "Hindi ako ang pumatay sa kanila!" palaban niyang hiyaw din dito. Pumagitna si Greg sa dalawa na handa nang mag-away. Itinaas nito ang magkabilang kamay, at itinapat sa kanila. "Huminahon kayo." "Walang mangyayari kung magsisigawan kayo." "Miss Ortega," Humarap sa dalaga ang pulis. "Kailangan ka naming makausap." "Kung hindi ikaw ang salarin ay kailangan pa rin makipag-ugnayan ka sa amin." Pinutol ni Selena ang pakikipagtitigan sa binatang makulimlim pa rin ang mukha. At kung hindi humarang ang pulis ay baka sinakal na siya nito. "Handa akong sabihin lahat, lahat ng mga nangyari ng gabing iyon, Sir." "Greg, just take that woman in jail, please!" Kay North naman humarap ang pulis, at tinitigan ito ng masinsinan sa mukha. "Wala tayong sapat na ebidensiya para ikulong si Miss Ortega." "Ang mahalaga ngayon ay iyong mga detalye ng sasabihin niya. At paano iyon makatutulong sa imbestigasyon." "We need to listen," pormal na paliwang ng kaibigan, hinawakan siya sa balikat at pinisil. Habang nakaupo si Selena kaharap si North, ang dalawang pulis ay isa-isa niya itong tinitingnan sa mukha. Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nagsimulang magkwento sa naganap na pagkamatay ng mag-asawang Castellana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD