Kabanata 6

1043 Words
Pinagdaupan ni Selena ang mga nanlalamig at nanginginig na palad. Isang mabigat na hininga rin ang pinakawalan niya bago binasa ang ibabang bahagi ng labi. "Alas- diyes ng gabi nang mga oras na iyon." Walang emosyon namang nakatunghay si North sa kaharap na dalaga. Kung siya lang ang masusunod ay mas mamatamisin niya na dalhin na siya nito sa pamangkin. Hindi siya makatikis na kaharap niya ang isa sa mga suspek mismo sa pagkamatay ng kapatid, at asawa nito. "Nakatulog, at nagising ako sa tabi ni East. Sanay naman ako na, na ganoong mga oras ay wala pa, at hindi pa nakauuwi sina Miss Alanna at si Sir West." "Lagi silang late na nakauuwi ng bahay, kaya hindi ako nakadama ng kahit anong pag-aalala." "Hanggang sa, may narinig akong ingay mula sa ibaba. Lumabas ako ng kwarto ni East." Huminto sa pagsasalita si Selena, at marahang inangat ang mukha. Nakita niya ang mukha ng pulis na matiyagang nakikinig sa kaniyang mga salaysay. At nang ibaling ang tingin sa katabi nitong binata ay makulimlim pa rin ang mukha nito at nakalukot ang noo. "Anong sunod mong ginawa, Miss Ortega?" pormal na tanong ni Greg. "Iilang hakbang pa lang ako palayo sa pinto ng silid ni East. Mula roon ay matatanaw ang sala sa ibaba." "We're wasting our time here," naiinis na humagod sa batok si North, at umayos nang pagkakaupo sa sofa. Tiningnan siya ni Greg bago muling bumaling sa kaharap nilang babae. Bahagya itong yumukod para titigan si Selena diretso sa mga mata. "Sabihin mo lang ang nakita mo," utos ng pulis sa dalaga. Tensyonadong napalunok ng sariling laway si Selena. Kahit nakatitig sa mga mata ng isa sa mga alagad ng batas ay natatakot pa rin siyang alalahanin ang gabing iyon. Magagawa ba niyang balikan ang gabing, araw-araw niyang gustong kalimutan? "Greg, she's lying." "I mean, look at her!" "This woman, didn't know what to say," matigas na reklamo ni North habang nakaharap sa kaibigan. "Nakaluhod si Alanna sa mga armadong lalake habang nakatutok sa kaniya ang isang baril." Tila nabingi ang binata mula sa narinig. Natigilan ito, at napakurap ang mga mata. Kahit hindi siya naniniwala sa babaeng ito noong una pa lang, mabigat na sa pakiramdam ang mga naririnig niya mula rito ngayon. "Pagkatapos, si West naman ang itinulak papasok sa bahay ng iba pang mga lalake," dagdag ni Selena habang natulo ang mga luha. At nang tapunan siya ng hindi kumukurap na mga mata ng kapatid ni West ay matapang niya iyong sinalubong. "Nagmakaawa si Alanna na huwag silang saktan. Ilang beses niyang inalok ang mga ito na kunin na lamang ang lahat sa loob ng bahay pero hindi nakinig ang mga lalakeng iyon," patuloy niya habang rumaragasa pa ang masasaganang mga luha. Napatingin sina Greg, at North sa mga nangangatog na binti ng dalaga at sa mga nanginginig nitong magkahawak na kamay. "Pero hindi sila nakinig. Sinubukan ni West na agawin ang baril, pero binaril lang siya ng isa." Agad na nag-igtingan ang mga panga ng binata, at yumukom ang mga kamao. May umahong matinding galit sa kaniyang puso. "Bumagsak si West, at awtomatiko naman siyang nilapitan ni Alanna." "Damn it.Just tell me, what happened next?" mariing bigkas ni North habang matigas ang anyong nakatitig sa dalaga. "No-noong binaril si West, nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ay wala na siyang malay dahil sa pagkakabaril sa kaniya." Nakangiti ng mapait ang kapatid nito, at tumingala sa kisame. Halo sa pagkadismaya, at lubos na galit ang mababasa sa mukha nito. "Matapos no'n ay hinanap ng lalake si East." Mabilis na ibinaba ni North ang mukha para pakinggan ng mas mabuti ang sasabihin nito tungkol sa pamangkin. "Pero agad na hinarang ni Alanna ang lalake. Nagmakaawa siya na, huwag ng idamay ang bata pero hindi sila nakinig," humihikbi si Selena sa bawat paghinto sa kaniyang pagsasalaysay. Muling rumerehsitro sa memorya niya ang imahe ng kaibigan, at dahil doon ay nadudurog ang kaniyang puso. Kung paano ito umiyak, at nagmakaawa para sa sariling buhay, sa buhay ng asawa at sa pinakamamahal na anak. Nahigit ni Selena ang hininga, hindi niya kayang ibulalas ang sumunod pang nasaksihan. Hindi niya kaya. Hindi kaya ng puso niya. Yumuko ang dalaga, tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay at humagulgol nang husto. Matulin na bumagsak ang isang luha mula sa mata ni North. Iniwas niya ang atensyon sa babae, at lumipad ang tingin sa ibang dako. Tila may nakapatong na kung anong mabigat na bagay sa dibdib niya. Hindi niya kayang marinig ang mga sinasabi ng tauhan ng kapatid. "Miss Ortega, heto ang tubig," mahinahong saad ni Greg, inilapit sa lamesa, sa tapat ng dalaga ang isang bote ng tubig. Napabuntong-hininga rin ito, at tila naapektuhan na rin sa pag-iyak ng kaharap. "Naiintindihan namin na, hindi madali para sa iyo 'to. Pero kailangan mong ituloy, at sabihin ang lahat ng nakita mo nang gabing iyon." "Iyon lamang ang tanging paraan para malinis mo ang pangalan mo, at luminaw ang imbestigasyon," mahabang payo nito. Abot-abot man ang pag-alon ng dibdib ni Selena ay pinilit niya ang sariling kumalma. Mula sa pagkakatakip ng mukha ay marahan niya iyong inalis, at pinunasan ang mga luha. Ilang beses siyang nagsiksik ng hangin sa dibdib bago banayad na inangat ang mukha. Tumango nang maliit sa kaniya ang pulis. "Ka- katulad ni West, binaril din siya ng mga lalake." Napapikit nang mariin ang mga mata ni North. Gigil ang mga kamao niyang nangangalit ang mga ugat. Paano ganoong kasama ang kinahinatnan ng kapatid, at asawa nito noong gabing iyon? "Nang bumagsak siya mula sa sahig ay nakita niya ako sa itaas. Inutusan ako ni Alanna kahit na mayroon na siyang tama ng baril. Inutusan niya-" "Enough!" Napaigtad si Selena sa lakas ng boses ni North. Kinakabahan niyang pinukol ito ng tingin. "Enough your games," suklam na suklam itong tumindig mula sa kinatatayuan,at lumapit sa kaniya. "Stop it." "Don't you dare open your f*****g mouth again." "Pero, pero, kailangan ninyong malaman ang lahat ng nangyari nang gabing iyon-" Napangiwi siya sa sakit nang marahas nitong hinablot ang braso niya, at itinayo. Nang magkaharap ang mga mukha nila ay kitang-kita sa mga naglalagablab na mga mata nito sa malapitan at ang matinding poot. "You didn't even helped them!" "You just watched them die!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD