Nang makababa ng kotse ay napatingala siya sa may kataasang establishment. May ilang baitang na sementadong hagdan bago makapasok doon. Nasa linya rin ito ng mga ilang kilalang restaurant, at business. In short, pang-mayaman. "Let's go," Sinulyapan siya ni North nang magsuot ito ng sunglasses. Dahil hindi pa ito kumikilos, at parang hinhintay siyang mauna ay naglakad na siya. "Good morning, Ma'am, Sir." Ngumiti siya sa guard na nagbukas ng pinto para sa kanila. Sa bungad pa lang ay ramdam na niya na ang mataas na lamig ng aircon. May iilang lamesa sa loob, at naroon ang isang counter. "She probably in her office." Naramdaman ni Selena ang kamay ng amo sa bewang niya, parang iginigiya pa siyang maglakad. "North!" Maaliwalas, at magandang mukha ang inuluwa ng isang pinto. Maputi,

