"Mi-Miss Bettina, ano po ang puwede kong maitulong sa inyo?" alangang tanong ni Selena sa kaibigan ng amo matapos abutan ito sa kusina. "Here, Selena." "Can you do this for me?" Ngumiti ito, at itinuro ang isang aluminum bowl, sa gilid ay ilang piraso ng itlog. "Sige po." Excited siyang lumapit sa lamesa. "Anyway, Selena. May iba pa akong kasama rito. Nasa likod lang sila, you can ask them kung may kailangan ka, at gustong gawin, alright?" "Sige po." Nakangiting sinimulan ni Selena ang gagawin. Hanggang sa mapalinga siya, naroon, at pinagmamasdan siya ni Bettina. Marahan siyang naasiwa, pero nanatili siyang nakangiti rito. "Bakit po?" hindi na siya nakatikis na magtanong. "Oh, sorry. Ayokong mailang ka," dispensa nito, at napailing. Inalis na ni Bettina ang pokus sa kaniya, at h

