"Come, I'll brought you your favorite food here." Hawak ni North ang kamay ni East, at nagtungo sa kusina. Maliksing inihanda iyon ni Manang Garing kaya umupo na silang mag-tiyuhin. Hindi naman alam ni Selena kung ano'ng gagawin. Nag-aalangan siyang sumunod sa mag-tiyuhin. Tumayo siya sa gilid ng lamesa ng mga ito. "Why are they two take outs?" tanong ni East habang nakaupo, at hinihintay si North na matapos ang paghahanda ng pagkain. Nilinga siya ng binata. Napaangat ang magkabilang kilay niya. Bakit, sa kaniya ba 'yong isa? Pero napakurap siya nang bawiin agad iyon ni North, at kaswal na bumalik sa ginagawa. "Wala lang, gusto ko lang ng reserba." "I thought it's for Aunt Selena," sagot ng bata habang nag-uumpisang kumain. "Naku, East baby. Bakit mo naman siya agad ang naisip mo?

