Kapapasok pa lamang ni North ng bahay ay rinig na niya ang boses ng pamangkin. Nakakunotnoong tinungo niya ang kusina. Naroon nga si East at ang bagong-bago nitong babysitter. "East, kumain ka na," Hawak ng babae ang kutsara, at isusubo sa bibig ng bata. "I don't want to eat," seryosong sagot nito habang pilit na umiiwas sa kutsara. "Sir." Lumapit sa binata si Manang Garing habang nag-aalala ang hitsura. "Manang, kanina pa ba siya ganiyan?" mahinang usisa ni North sa katabi. "Opo. No'ng ipinakilala ko po si Lea kanina para malaman niyang iyon na ang magiging babysitter niya." "Wala pong naging reaksyon si East," mahabang pagsasaad ni Garing. Tumikhim siya, at napahinga nang malalim. Sa magandang agency pa naman niya kinuha ito. At mabusising inalam ang back ground para lamang mak

