Bilog na bilog ang mga mata ni Selena nang lumingon sa malakas na boses na iyon. Tinakpan ni North ang sariling mga mata. "M-mr. Castellana?" gulat na sambit ng dalaga. "Holy Christ! Can you go back to your room and fix yourself?!" utos nito. Hindi na niya hinagod ng tingin ang sarili. Bumalik na agad siya kung saan siya pumasok. Sumandal siya sa pinto, at nawiwindang pa rin. Bukod sa parang nakipagsabunutan siya dahil sa gulo-gulong buhok. Suot niya rin ay manipis na manipis na telang kamison. Sanay na siyang ganoon ang suotin nang maging mag-isa sa unit. Mainit kasi, at mas komportable siya sa ganoong damit. Maaliwalas, at labas-pumasok ang kahit konting hangin sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ni North habang inaabot ang tasa ng kape. Kahit wala nasa harapan ang dalaga ay naka

