Muli siyang kumurap, at baka nagkakamali lamang siya ng nakikita ngayon. Mula sa sinag ng ilaw sa likod ay nakahulma ang katawan ng kaniyang binatang amo. "Mr. Castellana," aniya ni Selena. Huminto ito sa tapat niya dahilan para tingalain niya si North. Hindi niya mapigura kung anong emosyon ang mayroon sa mukha nito. "A-an-ano ho'ng ginagawa-" Hindi na naituloy ni Selena ang pagtatanong nang hawakan siya nito sa braso, bahagyang hinila at niyakap. Tumigas yata ang mga mata niya sa pagtitig kung saan. Itinaas niya ang baba, ganoon na rin ang mga sakong. "You're crazy," Nakangiting anito ni North habang nakasalikop ang mga braso sa likod ng dalagang yapos-yapos. Gulong-gulo naman ang puso ni Selena. Tumitibok 'yon na parang may hinahabol na kung ano. Lalo na't paghigpit nang pahigpit

