Sa buong araw na kasama ni North ang pamangkin ay nag-enjoy naman siya. Nagpunta sila sa mall, naglaro sa arcade at nanood ng sine. Ewan niya, bakit parang sinunod niya ang narinig sa babysitter nito? Speaking of East's babysitter, kanina pa rin ito gumugulo sa isip niya. Oo, nag-e-enjoy siya. Pero hindi siya ma-relax ng one hundred percent. Magiging todo-todo lang ang relaxation niya kung nakasama nila ang dalaga. Halos madilim na nang makauwi sila. Dahil tulog na ang pamangkin ay karga-karga iyon ni North papasok ng kwarto nito. Nang maingat na maihiga sa kama ay agad niyang kinumutan ang pamangkin. Sandaling pinanood ang pagtulog nito. Sa isang araw niyang nakasama ang pamangkin ay marami na agad siyang napansin. Iyong sabik nito sa pakikipaglaro sa mga kapwa bata. Ang pakikis

