"Uncle Hawk!" "Sit down, li'l buddy!" Maluwag ang ngiti sa labi ni North nang ituro sa pamangkin ang silya. Kasalukuyan silang nasa lanai para mag-almusal. Linggo ngayon at walang pasok. Naisipan niyang igugol ang oras sa pamangkin at sa babysitter nito. Ang dami niyang nagawang plano sa gagawin nila ngayong araw. Pero sana, maimbitahan niya nang maayos ang dalaga. Pakiramdam niya kasi nang nangyari ang sagutan nilang dalawa noong nakaraang gabi ay lumayo na naman ang loob nito sa kaniya. Feeling niya, may utang siya na kailangan bayaran. Sana nga lang ay pagbayarin siya. "Its sunday today! What do you want us to do?" masiglang tanong ni North kay East. "Are you sure, Uncle?" Namimilog ang mga mata ng bata pero may hindi naniniwalang ngiti sa labi. Inabot niya ang ulo nito, at

