Nang makalapit ng lamesa si North ay lihim hinanap ng mga mata niya ang dalaga. Halos tanghali na siya nagising, buti na nga lamang ay wala siyang trabaho sa araw na ito. Napuyat kasi siya kagabi, hindi siya nakatulog nang maayos matapos ang lahat ng sinabi sa babysitter ng pamangkin. Sa galit niya ay naging insensitive siya. At mali ang mga naging pahayag niya rito. Kinakain kasi ang kalooban niya ng labis na inis dahil magkasama ito, at ang kaibigan nang ganoong oras at ganoong katagal. Kung anu-ano tuloy ang nasabi niya. "Sir, umupo na po kayo." Kung hindi pa lapitan ni Manang Garing ang binata ay hindi ito magigising sa malalim na iniisip. Binasa niya muna ang ibabang bahagi ng labi bago nag-usod ng silya. "Good morning, Sir!" masiglang bati ni Kiray nang lagyan siya ng maghain

