Hirap na hirap si North na pagkasyahin ang sarili sa pagsilip ng bintana. Rinig niya mula sa loob ng bahay ang ugong ng sasakyan. Naniningkit ang mga mata niya para tanawin ang naglalakad na tagapag-alaga ng pamangkin. "Ano'ng oras na?" irita niyang usal habang umuusok ang ilong. Marahan ang ginawang pagbukas ni Selena ng front door. Halos ginabi na sila, matapos masiraan ang kotse ni Greg. Gusto na nga niyang mauna nang dalhin ng pulis sa talyer ang sasakyan nito. Kaso hindi pumayag na mag-isa siyang uuwi. Kaya't wala siyang choice, kung 'di samahan ito- "What time is it?" Naputol ang mga iniisip niya, at dumikit ang swelas ng suot na sandals sa sahig. Nang tingnan niya kung sino ang nasa sala, at tila naghihintay ay napalunok siya. "Where have you been?" Isang lunok muli ang ginaw

