Oras pa yata ang itinagal ng pamamalagi ko sa kaniyang bisig. Natutulog siya samantalang ako ay naging abala sa pagtitig, paghaplos, at pagdama sa kaniyang kahubaran. Para akong nasa panaginip habang ginagawa ito. Parang hindi ko magawang paniwalaan. Sinong mag-aakala na sa ganitong tagpo ko makikita ang sarili ko matapos ang mga araw ng panlalamig niya bilang amo? Bago ako bumangon ay hinalikan ko muna ang pisngi niya. Hinayaan ko siyang natutulog para makabawi ng lakas. Dahil iyan sa pagiging agresibo namin kagabi. At sa sobrang agresibo, halos `di namin namalayan kung anong oras kami nakatulog. Pagkabihis ko, tumungo ako sa kusina at itinuloy ang mga gawaing hindi natapos. Hinugasan ko ang tambak na pinagkainan saka pinulido ang kalat sa sala. May mga natitira pang pagkain kaya sa hal

