Acutus' POV "ACUTUS!" Titig na titig ako sa taong nasa aking harapan. "I-Immitis..." "Buhay pa siya, Ginoong Lux!" sabi niya at dali-dali namang lumapit si Ginoong Lux sa amin. "Acutus, mabuti na lang talaga at nautusan kami ni Vis na sundan ka rito kung hindi, baka hindi ka na namin naabutang buhay," sabi naman ni Ginoong Lux. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang kasalukuyang iyon. Magkakahalong lungkot, saya at pag-asa ang siyang nag-uumapaw sa aking puso. Dumating sila sa panahong kailangang-kailangan ko ng kanilang tulong. "Acutus, anong nangyari kay Nitidus?" Doon lang ako tila bumalik sa reyalidad. Tama, si Nitidus, kailangan niya ng tulong. Kaagad akong bumangon at muli siyang hinarap. "Nitidus, magiging ayos na ang lahat." Humarap ako kay Ginoong Lux at tila

