Acutus' POV "Talaga bang kilala ni Iudex ang sinasabi nilang taong maaaring makatulong sa atin sa pagpunta sa bayan ng Occultatum?" paniniguro ko habang kausap si Ginoong Lux. Kasalukuyan naman noong natutulog si Nitidus habang binabantayan naman ni Immitis. "Oo. Ayon kay Vis, ang lalakeng nagngangalang Locus ang siyang makakatulong sa atin upang makarating sa bayan ng Occultatum. Sabi pa niya ay rector daw ito ni Iudex kung kaya madali lang nating makikilala ang taong iyon lalo pa at may impormasyong hawak si Iudex kung saan ito eksaktong naglalagi sa burol ng Aevum," pagkukwento ni Ginoong Lux. Dahil sa mga nabanggit nito kahit paano ay nabuhayan ako ng loob sa kung saan namin maaaring matatagpuan ang korona ng Malacia. Iyon nga lang alam ko rin na hindi kami dapat pakasiguro dahil p

