Acutus’ POV Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang kausapin si Vis tungkol sa lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa. Gustuhin ko man siyang kausapin ay hindi ko naman alam kung anong dapat kong sabihin lalo pa at parang bigla ko na lang siyang iniwan sa ere. “Acutus, tingin ko ay sasamahan ka na lang namin ni Immitis para bumalik sa bundok para hanapin ang panday na gagawa ng natatanging sandatang makatatalo sa mga malum exspiravit. Ang tanong ay madali lang kaya nating mapapagawa ang sandata sa kaniya? Ang ibig kong sabihin ay wala kaya siyang hihingin na kapalit?” tanong ni Ginoong Lux. “Hindi ko rin alam. Tiyak ko namang hindi nito basta-basta ipapanday ang isang sandata lalo na kung walang kapalit. Hindi pa nga lang tayo sigurado kung anong kapalit ang hihinginin

