Acutus' POV "Narito na ang mga kailangan mo." Kaagad kong inabot sa panday ang sungay ng dragon at ang luha ng buwan upang magawa niya na ang pakay naming sandata. Ilang sandali niya itong kinilatis bago nagpasyang magasalita. "Maaari ninyo itong balikan bukas pagsikat ng araw." "Teka, Ginoo, hindi ba namin maaaring makuha iyan ngayong araw din mismo?" Hindi na nakatiis si Immitis at kaagad na itinanong iyon. Tama naman ito. Hindi kami maaaring magpatumpik-tumpik at magsayang ng oras. Maraming umaasa sa aming maililigtas ang bayang nababalot sa kadiliman. Samantalang batid ko rin naman na may mas importante pa kaming dapat na harapin pagkatapos ng misyong iyon. Pakiramdam ko ay nauubusan na kami ng oras sa paglalakbay na walang patutunguhan. "Makapaghihintay ba kayo hanggang mamayang

