“Marami pong salamat sa inyong tulong. Habang buhay naming tatanawin na utang na loob ang lahat sa inyo. Kung hindi kayo dumating panigurado ay habang buhay nang lugmok sa kadiliman ang aming bayan dahil sa mga malum exspiravit,” sabi ng dalaga kung saan sila nanuluyan. “Nako wala ‘yon. Masaya naman kaming nakatulong,” nakangiting saad ni Immitis. Lumapit si Acutus sa kanilang magkatipan at hinawakan ang kamay nilang dalawa. “Malugod kaming natulungan namin kayo. Masaya rin kaming aalis dahil sa paglisan namin ay alam naming magiging normal na muli ang inyong pamumuhay lalo pa ngayong magkakaanak na pala kayo,” sabi niya at napalingon na lang siya sa kaniyang tabi nang lumapit sa kaniya si Vis at hinawakan ang kaniyang kamay. “Acutus, tara na,” sabi nito. Kung kaya nama

