Chapter 65

1335 Words

Nitidus' POV "Iudex!" Kaagad na lumapit si Vis sa kaniya at mababakasan ng pag-aalala ang kaniyang mukha. "Pasensya na sa naging asal ko kanina. Masyado lang siguro akong nadala ng pagod sa mga nangyayari," sabi ni Iudex. Sinong mag-aakalang ganito kagaling magpanggap si Iudex? Sinong mag-aakalang kayang kaya ko siyang paikutin sa mga kamay ko? "Ayos lang. Lahat naman tayo ay pagod na sa mga nangyayari. Pare-pareho lang tayo na gusto nang matapos ang problemang ito kaya naman naiintindihan namin ang nararamdaman mo." Si Acutus, mula noon hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-iisang lalake sa buhay ko ngunit hindi ako makakapayag na hindi mapunta sa akin ang lahat ng yamang mayroon ang kanilang angkan at sa oras na mapasakamay ko na ito, saka ko babawiin kay Vis ang lalakeng unang naging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD