Nitidus' POV Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Acutus ngunit kailangan niyang kalimutan ang lahat ng lungkot kung nais niyang matupad ang lahat ng tungkulin niya. Nahigit ko ang aking hininga nang makaramdam ng paninikip sa aking dibdib ngunit pinilit kong itago iyon at mabilis na nagtungo sa palikuran. Napaluhod ako sa sahig sa patuloy na pananakit ng aking dibdib at pagkaraan ay dugo ang siyang lumabas sa aking bibig. Pinilit kong ikalma ang aking sarili lalo pa at alam kong tanging ako lamang ang siyang makatutulong sa aking sarili. Unti-unti namang bumalik sa normal ang aking paghinga gayundin ang kirot sa aking dibdib ay dahan-dahang naglaho. Naghilamos ako ng malamig na tubig mula sa umaagos na tubig mula butas sa dingding na animo’y talon. Inayos ko ang aking sarili sa tapat n

