Chapter 11

1729 Words
Chapter 11: Met his eyes Fiona's Pov Nandito ako sa upuan ko at iniisip nanaman ang napanaginip ko at ang mga sinabi ni mama sa best friend ko, ewan ko ba bakit lagi siya nasa isip ko kapag nagkakaroon naman ako ng panaginip naalis agad sa isip ko pero itong panaginip ko hindi pa rin maalis. Ang mga kaklase ko ay nandito na pati si kaisha kanina niya pako tinatanong kong ok lang ako dahil kanina pa daw ako nakatulala, ang iba kong kaklase ay nag ce-cellphone at ang iba ginagawa ang mga homework ako dito naka tingin sa labas at iniisip ang lalaking yon. Mga ilang minutes pa ay nasa tapat nanamin si sir rey, at nag a-attendance siya habang tinatawag niya ang mga kaklase ko nakatingin parin ako sa labas walang tao sa labas dahil oras na ng klase, sino kaya siya? Sino ang lalaking nasa panaginip ko? Bakit ba ako na cucurious sa lalaking yon, wala naman akong intensyo sa mga lalaki. I can't wait too see you, baby... I can't wait- "Hoy, Fiona tawag ka ni sir!" Bulong ni kaisha sakin. Kanina pa pala ako tinatawag ni sir. "Present po, sir" I said, at tumingin ulit sa labas. "Ok ka lang ba talaga, fiona?" I nod and look at her but she breathe, malalim siyang huminga. "Alam kong nag sisinungaling ka" She added then look at me directly in my eyes. I look at her... "May napanaginip lang ako" I said then she looked at me confused. "Anong panaginip?" She said. "A Stalker, someone stalking on me? Pero feel ko lang at panaginip lang yon, pero na fefeel ko talaga meron" I said. her face get nervous. "W-wala naman s-siguro" She said nervously and not looking at my eye. i shrugged "Chaka sabi ni mama may best friend pala ako noong bata ako, tapos napaginip ko din na may dalawang bata hindi ko alam ko ako bayon. Ang sabi ni papa may amnesia ako kaya hindi ko ma alala ang ibang ditalye ng buhay ko noon" I said and look at her What's up with her? She look like nervous and sad... + Nasa Cafeteria kami ni kaisha, siya ang nag order ng pagkain namin. Ang sabi niya wag na daw mag bayad dahil libre lang kaya nag hintay nalang ako kanina dito, kanina din niya ako kinukuhan ng picture ewan lagi na niya nako ng picture. Ang weird pero ok lang Best friend ko naman siya, sa totoo lang siya lang ang ka close ko sa room, alam kong naunang nagpakilala si jasper pero ang weird niyang kaibigan minsan may kasama siyang ibat ibang babae. Minsan may kasama din siyang mga lalaking naka tattoo meron din siya pero hindi siya pinag babawalan, mukha siyang gangster or mafia ba yon? Hindi ko nga alam kong nag eexist yon. "Ang dami naman ng kinuha mo, kaisha" sabi ko, siya naman ang lakas kumain ako nag aalala sakanya dahil andaming nasa loob ng bibig niya. "Ang sabi kasi ni israe- ay! Kumain kanang marami para naman mabusog yang tiyan mo noong isang araw hindi ka kumain ng lunch! Sinasabi ko sayo fiona isusumbong kita kay... Ano basta!" Sabi niya. Ewan ko anong hindi niya natutuloy na words, pero oo nga hindi ako kumain ng lunch noon. Habang kumakain kami ni kaisha may pumasok ng sasakyang. luxury na sasakyan dahil lamborghini ba itong sasakyan? Nakatingin din ang ibang tao pati na din si kaisha, si kaisha ang laking laki ang mata n'ya habang tinitignan ang sasakyan, sino kaya ang nasa loob? Baka ang may ari ng school. "Ok ka lang, kaisha?" Sabi ko, tinignan niya ako at tumatango pero malaki padin ang mata niya at nakabukas ang bibig... "s**t ka israel!" May sinasabi siya, hindi ko lang marinig. Biglang nagtilian ang mga babae tapos yung mga lalaki nagpipicturan dahil sa sasakyan na mamahalin, tinignan ko ang lumalabas ng lalaki, pero nakatalikod ito. 'omygosh, ang pogi n'ya!' 'Sino kaya siya?' 'Tol ang ganda ng sasakyan oh!' 'Please, be mine!' Ang daming mga estudyanteng sumisigaw, kaya tinignan ko yung lalaki na pinagkaka guluhan nila. Nakasuot siya ng suit tapos may leather shoes tapos- wait... Tinignan kong mahigi ang mukha niya, nakatingin siya sakin. Parang nakita ko na siya! Sino nga kasi i'yon! Yung lalaki! Yung lalaking nag pakilala sakin noon na bobba? Bubba. oo, tapos akala niya ako si nina ba yon? Oh, Nona! Kailan ko nga ba siya nakita? 2 years ago! Grade 10 pa ako noon! 2 years ago... Kasama ko ang mga kaibigan ko, naghahanda kasi ang mga estudyante ngayon dahil intrams, may gaganapin ngayon na cheerdance at pageant sa school kaya ang iba naghahanda na dahil ngayong umaga gaganapin ang cheerdance at mamayang hapon ang pageant. Kasama ang kaibigan ko si alie, maganda kasi siya at maraming nagkakagusto sakanya kaya sinali siya kasama ang boyfriend niya best couple din sila sa school dahil maganda at pogi ang dalawang 'to. Nag hahanda na ang mga cheerdance, naglalabanan ang mga grade, hangga grade 7-10 ang mga nag lalaban, hindi ako sumali dahil hindi naman ako magaling sa sayaw magaling lang ako mag basa ng libro, maraming supporters ang bawat grades. Ang mga ka grade ko naman may tambol pa para daw mas maganda ang pag cheer namin. "Go Grade 10!" Sabi ng mga grade 10 at kasama nako doon. Nagsimula ng mag laban laban, bumunot mona ng grade ang mc kung sino ang dalawang grades ang mag lalaban nauna maglaban ang grade 7 at 9 nag simula ang grade 7 sa cheerdance, buti nalang at hindi ako sumali dito dahil ang iba ay hinahatya sa taas, magaling ang performance ng grade 7 pati nadin ang grade 9, meron lang ibang hindi nakakasabay. Nagsimula ng sumayaw ang grade 8, magaling sila at sabay meron pa silang ibang mga sayaw at hindi familiar pero hindi tatalo ang grade 10 dahil sabay sabay silang sumayaw at pag atya ng mga babae sa taas, medjo kinakabahan ako dahil baka magkamali at mahulog ang isa pero sa awa ng panginoon ay wala namang nasaktan. Pagkatapos non ay umalis nako at pumunta sa canteen para kumain, hindi ko kasama si alie dahil nag hahanda sila pero nakita ko sila bigla sa room at pinag-uusapan ang mga kailangan gawin, kumatok ako at tumingin sila. Tumingin naman si alie at niyakap ako, kanina din siya kinakabahan dahil ngayon lang siya sumali kasama ang boyfriend niya, bagay na bagay sila. "Goodluck sainyong dalawa! Galingan ninyo ha?!" Sabi ko sakanila nag smile naman silang dalawa. "Syempre naman best friend! Ikaw pa, tiwala ka samin mananalo kami ng love ko, diba love?" Sabi alie. Napaka PDA nila kahit kailan lagi kasi silang sweet kahit nasa ibang lugar sila kahit sa mall or public. "Of course, my love" sabi naman ng boyfriend niya, nandiri naman ako. "Mamaya na kayo mag landian magbihis na kayo!" Sabi ko at tumawa naman sila. hinihintay ko nalang sila dahil nag-aayos na sila, ako ang nag design ng damit nila mahilig kasi ako mag drawing ng mga dress, kaso gusto ko parin maging lawyer or doctor ewan gusto ko lang maging ganon kapag lawyer nako naitatangol ko na ang mga kasalanan ng pamilya ko tapos kapag nag doctor naman ako kapag may sakit ang pamilya ko edi ako na gagamot, para mabilis lang ganon. "Ang ganda ng dress ko! Ang galing mo talaga besh!" Sabi ni alie, napangiti naman ako. "Syempre para sayo!" Sabi ko. Maraming magagandang mga damit at dress, medyo kinakabahan ako dahil baka hindi maganda ang ginawa ko ang ibang mga kasama sa pageant ang mga designer nila ay designer din ng mga ibang celebrity. "Go alie! I love you!!" Sabi ko dahil rumarampa na ang aking magandang best friend omygosh! Ang ganda ng damit na ginawa ko! Ang galing rumampa ng kaibigan ko pati ang boyfriend niya. --- Kinakabahan kaming mga grade 10 dahil nasa top 5 sila alie, sana masali sila sa top 3 lang ok, nagdadasal pa ako kanina pa habang nakatingin ako sa stage. "The top 3 constant are!" Sila alie please, lord.. "The Grade 10, Grade 12, and Grade 8 Candidates!" Omygosh!! My bestie 'ohhhhhhhh' 'omg!' 'DESERVE MGA BHIE' Nagsigawan kami pati ako natapos na ang pageant at nag top 2 sila dahil may first pa pala at syempre maganda naman si alie at pogi niyang boyfriend ay naging top 2 sila ang top 1 ay ang Grade 8, ok na yon at least nanalo sila. Habang naglalakad ako sa hallway ng school dahil kaunti nalang ang tao, kinakabahan ako na excited? Eh, ewan basta palabas nako ng school. Maglalakad nalang ako dahil malapit lang ang bahay namin chaka magandang mag lakad ngayon dahil mahangin. Habang naglalakad ako biglang may humila sakin sa corner, naka suot siya ng uniform pero hindi ganon sa uniform namin. Pang university ang uniform niya, sino siya? "Sino ka?! Bat moko hinila, Ha!" Sabi ko at tinignan ko ang mukha niya, ang ganda ng mata niya kulay hazel, ang kapal din ng kilay niya tapos ang kulay ng buhok niya ay parang abo. "Nona, It's me bubba" sabi niya at biglang sumakit ang ulo ko pero hindi ko ito pinakaelaman dahil nakatingin ako sakanya, sino ba siya? Sinong Nona? At si bubba?! Sino ba yon! Bat parang Familiar ang mga pangalan! "Bubba? Nona? Sino yon?! Hindi ko kilala yon, at sino kaba Ha!" Sigaw ko sakanya pero kita sakanya ang lungkot... Bigla siyang Nalungkot. "Ah... Oh! I-i Thought you are m-my Classmate I'm sorry!" Sabi niya habang naka smile pero may lungkot sa ngiti niya, Sino ba siya? At sino ang sinasabi niyang Nona at bubba? He is him! But who is bubba and nona, Nakatingin kami sa mata alam na alam mo ang mata niya dahil hazel ito at may pagka chinito ang mata niya. Kanina pa kami nakatingin sa isa't isa at kanina pa siya nakatayo sa tabi ng kotse niya. Bigla niyang inalis ang mata niya sakin dahil tinawag siya ni kyle, oo si kyle kaibigan ni kyle ang may ari ng school? Siya din ba ang nag transfer sakin din dito? Baka hindi siguro. Hindi kaya.... Siya ang childhood Best friend ko noon? Hindi maari.. kapag sinasabi ko iyon! Sumasakit ang ulo ko at yung dalawang pangalan... Bubba at Nona, Ahhh! Ang sakit ng ulo ko. "Ok ka lang Elna?!" Sabi ni Sha-Sha(Kaisha). I nod immediately. _________________________________________________________________________ <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD