Chapter 32.1 5 YEARS LATER… “Bless, magbihis ka na. Malapit na dumating ang Papa Gelo mo,” marahang turan ko sa anak ko na nakaupo pa rin sa kama habang ang mga mata ay titig na titig sa pinapanuod. It’s been 5 years simula nang ipanganak ko siya. Ang dami kong natutunan habang mag-isa siyang pinapalaki habang nag-aaral at nagtatrabaho… at sa limang taon na ‘yon, ang dami ring sinubok sa ’kin bilang isang ina. “Opo, Ma,” bibo niyang sabi bago tumalon pababa ng kama. Lumapit ako sa kanya, hawak ang damit na pinadala pa ni Kuya Dan dito. Kailangan naming bisitahin si Nanay. Ito na ang ikaunang taon na wala na siya sa tabi ko. Halos lahat kami ay lugmok at hindi alam ang gagawin nang mga panahong iyon. Kahit matanda na si Nanay ay hindi naman gano’n kalala ang mga sakit niya kaya nam

