Halos mabaliw si Aleyah sa takot at galit na nararamdaman. Nagsimulang manginig ang kanyang mga balikat hanggang sa tuluyan nang bumigay ang luha. “Uno!!!” malakas niyang sigaw habang humahagolhol, halos mabasag ang boses. Sunod-sunod na hikbi ang kumawala, at hindi na niya alintana kung marinig man siya ni Dos. “Uno… sunduin mo ako… kinidnap ako ni Dos!” Nag-echo sa loob ng sasakyan ang kanyang malakas na iyak. Nanginginig ang kamay niya habang pilit binubuksan ang pinto kahit naka-child lock ito. “Puta!” mariing mura ni Dos habang madiing sinuntok ang manibela. Halos umalingawngaw ang busina nang aksidenteng napindot niya ito. “Aleyah, tumigil ka nga! Hindi mo alam kung anong pinapasok mo!” Pero hindi siya nagpatinag. Humahagolhol pa rin siya, sinisinok na, nanginginig ang buong

