Kabanata 35

2148 Words

Dos’ POV. Malamig ang simoy ng hangin, parang mga daliring dumadampi sa balat ko habang patuloy kong pinapaspas ang kabayo. Ang hininga ng hayop ay lumalabas bilang puting usok sa bawat paghinga nito, tanda ng lamig ng bukang-liwayway. Hawak ko nang mahigpit ang renda, pero mas mahigpit ang pagkakayakap ni Aleyah sa aking likod—ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, hindi ko alam kung dahil sa ginaw o dahil sa takot. Pinili kong dalhin siya rito, sa lugar na ni minsan ay hindi kayang marating ng kahit anong sasakyan—isang lumang daang tinahak ko noong bata pa ako, pasuot sa kagubatan na tinatakpan ng ulap at hamog. Mabato ang daan, matarik, at puno ng mga ugat ng puno na waring kumakapit sa lupa para pigilan kaming makalayo. Habang sumisilip ang unang sinag ng araw sa pagitan ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD