"WHAT DID YOU f*****g DO PA?!"
Alas-otso na ng gabi nang sandali kong makausap si Papa sa cellphone. After naming magmall ni Adman ay agad din kaming umuwi. Sabi ko nga kay Adman na dumaan muna sa isang restaurant pero ayaw niya dahil daw dapat sa bahay ako palagi nakain. Screw Everything!
Naghapunan na kami at lahat ngayon lang sinagot ni Papa ang tawag ko.
And it's confirmed. Pinutol din ni Papa yung nagiisang credit card ko "PA! YOU f*****g KNEW THAT WALA AKONG PERA DITO! HOW COULD YOU?!"
"Watch your mouth Alex! Ginagawa namin ito para sa iyo"
"Para sa akin Pa?! Really?! Wow! Kailan pa kayo nagkaroon ng concern sa akin?!" Big word na para sa akin ang ginagawa nila. Well.. hindi ako naniniwala dahil sa tanang buhay nila dito, wala silang ibang inintindi kung hindi yung business nila ni Mama, nakalimutan na nga siguro nila na may anak sila. "You have stolen everything from me! My gadgets, my happiness, my things... Wala na nga kayong itinira sa akin!"
"Don't you know? We threw you there para magtanda ka!"
"Kahit saan niyo ako dalhin pa ganito na ako! Kahit sa impyerno at langit pa iyan, ganito na ako and you cannot change the fact that you created a monster! Kahit saan ako magpunta, hahabulin ako ng gulo!"
"af̱tí̱ i̱ syzí̱ti̱si̱ eínai áchri̱sti̱! (This debate is useless!) Listen... Papadalhan ka na lang namin ng mama mo ng pera diyan, weekly allowance----" hindi ko na pinatapos pa si Papa at agad ko nang pinatay ang tawag.
Dahil sa frustration na nararamdaman ko ay wala na lang akong nagawa kung hindi ang sumigaw. "gamó̱to!!! (Damn!!!)"
"Hija..."
Napatingin ako sa nagsalita at si manang iyon na sobrang nagaalala sa akin. "Gusto mo ba ng gatas?"
Tumango ako at sinundan si Manang papunta sa kusina. "Nagkausap na ba kayo ng Papa mo?" Tanong ni Manang habang inihahanda ang gatas ko.
Umupo ako sa isang bar stool. "Opo. And just like the others, nagaway na naman kami."
Nakinig ko ang kanyang buntong hininga. "Alam mo anak, hindi ko pwedeng pangunahan ang Papa mo dahil hindi ko naman alam ang plano niya para sa iyo kaya hindi ko masasabi kung ito ba ay makakabuti o makakasama sa iyo pero may isang bagay akong sigurado. Lahat ng bagay na ginagawa niya ay para sa iyo. Hindi mo man nakikita o nararamdaman pero palagi mo dapat tatandaan na iyon ay dahil lahat sa iyo." Sabi nito sabay lapag ng gatas sa harapan ko.
"Masama ba akong anak manang? Walang magulang na nagabay sa akin. Yung best friend ko kinuha na ng mga magulang niya sa Canada. Ako, naiwan dito, kayo na lang ang meron ako."
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Anak hindi... Nalilito ka lang, hindi mo na kasi alam kung alin yung tama o mali pero kung dati hindi ako mangingielam pero ngayon may ipapakiusap sana si Manang sa iyo."
"Ano po iyon Manang?"
"Kahit anong mangyari, iiwas ka sa gulo ha? Mangako ka sa akin."
Pilit kong ngumiti sa kanya. "Susubukan ko po Manang para sa inyo at kay Manong Cardo. Iyan din po ang hiling niya sa akin. I will try my best to get out of trouble and I will promise to always do my best."
Lumapit sa akin si Manang at niyapos ako ng mahigpit. "Salamat anak..."
Humarap siya sa akin at pinunasan ang pisngi ko. Naiyak na pala ako, hindi ko alam. "Ay siya bilisan mo na diyan at matulog ka na. Maaga ka pa bukas. Si Manong Cardo sobrang excited na ihatid ka bukas kaya ayun tulog na para sigurado daw na maaga ang gising niya bukas." Tatawa-tawang sabi ni Manang.
Si Manong talaga...
***
Ito na ang araw...
Fuck this day! Mas excited pa si Manang Letty at Manong Cardo kaysa sa akin. Sila na mismo ang naghanda ng gagamitin ko for the next 5 days. Dun kasi dapat ako matutulog sa dorm ng 5 days at uuwi lang ako tuwing sabado at linggo. Well, okay naman yun eh dahil walang Adman for 5 days.
"Nako anakk! Nakahanda na yung damit mo ha? Tapos yung mga personal mong gamit nandito na din. Wala ka nang iintindihin kaya kumain ka na ng kumain." Masayang sabi ni Manang habang nagaayos ng gamit ko.
Ako naman ay parang isang zombie na walang kagana-gana sa mga bagay bagay. Nilalaro ko lang ang pagkain ko. Jusko parang sina Manang at Manong ang papasok eh.
"Anak, ngumiti ka na. Uuwi ka naman matapos ang dalawang araw eh." Sabi ni manang sa akin habang pinipilit ang mukha ko na ngumiti.
"Wag na lang kaya akong pumasok..."
"Anak naman! Diba sinabi ko sa iyoo...."
This will be the worst day of my life. Transferring to a new school with a short school uniform, long necktie and socks. What am I a f*****g Japanese? "Ang ganda mo nga diyan sa suot mo eh, bagay na bagay sa iyo."
Nahawakan ko yung leeg ko, s**t! May nakalimutan ako! Kaya pala ang gaan ng leeg ko kaya muli akomg umakyat sa kwarto ko at kinuha ko yung necklace na ibinigay nung lalaking nakilala ko dati. Palagi ko kasi itong sinusuot eversince ibinigay siya sa akin. It made me feel safe and secured tsaka palagi ko ding naalala ang mga sinasabi niya sa akin. It's like being with him during the night because of his teddy bear and reminding that he is with me during the broad daylight.
Pagkababa ko ay bigla kong narinig si Manong Cardo sa labas ng mansyon. "Letty! Yung anak natin malelate na! Nandito na lahat ng gamit niya kaya papuntahin mo na dito."
Hayssss... Mukhang hindi ko na talaga mapiligilan ito.
"Rinig mo yun anak? Sige na..." Lumapit ako kay Manang at tamad kong kinuha ang backpack ko sa lamesa. "Sige na anak, ngiti na."
As much as I wanted to screw up this day, I can't. Hiya ko na lang kina Manang Letty na mas excited pa sa akin. Kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti na lang. "Iyann! Ang ganda talaga ng anak ko! Sige na, inaantay ka ni Tatay mo dun."
"Will you be okay? Si Adman po, pakielam niyo na lang siya ha?"
"Wag kang magalala, aalagaan namin si Adman dito habang wala ka."
Humalik ako kay Manang Letty at muling nagpaalam sa kanya. Nang sandaling lumabas ako ng mansyon ay nakita ko dun si Adman, nagaabang sa pinto ng sasakyan. "kaléste mou an symvaínei káti kakó. (Call me if something bad happens)" sabi niyo sa akin.
"Yeah--yea and uhm... Manang tha sas frontísei edó̱. (Manang will take care of you here.)" I said to him.
"éf̱chomai na katalávo̱ ó ti léne. (I just wish I could understand everything they say.)" Sabi nito sa akin
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "ypóschomai, tha máthete apó af̱toús. (I promise, you will learn from them.)"
Almost half of Adman's life, he chose to serve our family when it must've been serving his family of his own but he doesn't have one. At least in here, I am pretty much sure that manang will gave him a warmth that a family does have.
Tinanguan niya lang ako. "tha epistrépso̱ metá apó i̱méres. (I will be back after 5 days.)" Sabi ko sa kanya at tsaka sumakay na ng sasakyan. Siya na rin mismo ang nagsarado ng pinto para sa akin. "Ready ka na ba anak?" Tanong naman sa akin ni Manong Cardo.
"Yes." And with that, he drove the car out of the mansion.
1 oras lang ang byahe papuntang Artemis' Forest. Ni hindi ko nga alam na merong ganito pala sa Pilipinas tapos yung Greek Government ang may-ari nito. And from there, kailangan kong bumaba ng sasakyan dahil yung bus na ng school ang maghahatid sa amin papunta sa loob.
They are not allowing private cars to enter the school premises kaya hanggang sa labas lang sila ng Forest.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa b****a ng forest at bumungad sa amin ang sandamakmak na estudyante ng Pierce-Hellenic Colleges. Ang ilan ay nagchecheer-lead tapos yung iba naman ay kasama ang kanilang mga kaibigan at magulang. To think of it, this must've been a good place but not for me.
Ipinarada ni Manong ang sasakyan sa tabihan at tsaka nito ibinigay sa akin ang isang folder. "Ano po ito?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng folder.
"Iyan daw nakalagay ang registration form, I.D., Bus number, susi ng dorm mo at schedule mo sa eskwelahang papasukan mo.
Binuksan ko iyon at nandun nga lahat ng sinabi ni Manong. "Yung gamit mo, ako na ang magbibigay sa school assitants kasi sila na mismo ang maglalagay daw ng mga maleta niyo sa dorm."
"Salamat."
"Ingat ka dun ha?"
Nagpaalam ako kay Manong bago ako tuluyang lumabas ng kotse. Kinuha ko yung id sa folder at isinuot iyon sa leeg ko. Bus number 13 yung nakalagay sa papel kaya agad kong hinanap ang bus number 13.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang yellow bus na may plakang 13. Agad akong nagpunta dun at pumila kasunod ang mga estudyante. Ako lang yata ang walang kachismisan dito eh. But who cares?
Kinuha ko yung phone ko at piniling makinig na lang sa mga music habang nagaantay. Unti-unti ring umusad ang pila matapos ang ilang minuto.
Isang lalaking nakagreen na uniform ang sumalubong sa akin. "Welcome to PH Colleges, please scan your I.D. here" nakangiting sabi niya sa akin nang sandaling makapasok ako ng bus. Itinuro niya sa akin yung scanner at tsaka ko naman iniscan ang ID ko. Lumabas yung mukha ko dun a maliit na monitor sa bus malapit sa driver.
Naglakad na ako papasok at napiling umupo malapit sa likuran sa kanan. Mas gusto ko pang may isang katabi kaysa namang lima na pagkaingay-ingay.
Napuno na paunti-unti ang bus. At tulad ng inaasahan, wala man lang isa na natabi sa akin.
"Late na naman si Montellago." Narinig kong sabi nung driver's assistant "Pasusunurin na lang ba natin? It's already 8am, we will be late for the assembly."
"Anong bago ba sa lalaking iyon?"
"He had been late always. So what we will do?"
"entáxei. peíte stous foiti̱tés óti tha se leptá. (Okay. Tell the students that we will depart in 5 minutes.)" Sabi na lang nung driver sabay balik sa driver's seat.
Tulad ng inutos nung driver ay nagpunta siya sa unahan tsaka kinuha ang mic para magsalita. "agapi̱toí foiti̱tés tha fýgoume se leptá. (Dear Students, we will leave in 5 minutes)" then he smiled.
I looked outside the window and I saw a bus near ours. Inilibot ko ang mga mata ko, same old student-like stuffs but my world stopped when my eyes were locked in his.
Tangina siya yun! Kumulo agad ang dugo ko. That damn man! Papautangin niya ako tapos ihahagis sa akin yung pera ko nang babayaran ko siya. May split personality nga siguro itong hayop na ito! Kumpara sa kauna-unahang beses ko siyang nagkita, he was smiling and now the way I look at him? It was very cold. Parang nakakamatay yung nga titig niya.
Those shivery eyes makes me want to tangle his neck tight. Papatayin ko ito kapag nakita ko ito!
Pero mas lalo akong nainis sa kanya dahil inirapan niya ako tapos bigla na lang umalis yung bus nila. Tangina naunahan ako, mas naunahan pa ako na mangirap sa kanya! Tangina parang babae eh! Patay talaga sa akin yung hayop na yun!
"syngnó̱mi̱ eímai argá. (Sorry, I'm late.)"
Mukhang nakarating na rin sa wakas yung Montellago-ng iyon! Dahil sa kanya, nakita ko yung hayop na argggghh!!! Hindi ko pa rin maalis-alis yung tingin ko sa bus na umalis kung saan nakasakay yung hambog na iyon.
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya ako nakapatingin sa kanya.
"IKAW?!!"
Parehas naming nasabi ang salitang iyon dahil sa sobrang gulat. Natanggal ko tuloy yung earphones ko. Napatingin din sa amin halos lahat ng estudyante sa loob ng bus. Ramdam ko na rin ang pagandar nito.
A-akala ko ba nandun siya sa isang bus? Paano naman siya kaagad-agad lumioat dito? At bakit parang nahimasmasan na siya ngayon dahil hindi na siya nakasimangot. In fact, halos mapunit na ulit yung mukha niya dahil sa kakangiti nito sa akin. "What the f**k are you doing here?!" Galit na sabi ko sa kanya.
Mas lalo akong naiinis sa pagmumukha niya dahil kung kanina para siyang sinakluban ng langit tapos ngayon parang nilamon niya lahat ng kasiyahan sa mundo. Tangina may split personality nga!
"Eyyy! I told you, magkikita ulit tayo. I am very sure about that." Ngising sabi nito sa akin.
Naikuyom ko yung kamao ko. Pigilan mo ang sarili mo Alessandra, nangaka ka kina manang. Kahit anong mangyari, iiwas ka sa gulo at hindi gagawa ng gulo. "Nice meeting you. Again." Sabi nito sabay lahad ng kanang kamay niya para makipagkamay.
Pero sa halip na tanggapin ko iyom ay nagiwas ako ng tingin. "What's the matter, baby doll?"
Fuck! Baby Doll?!
"Masungit pa rin tulad ng una nating pagkikita. Ang cute mo." Sabi nito sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Bahala siyang maubusan ng laway diyan.
"Nga pala, suot ko yung shirt na binili ko sa boutique nung nakita kita." Patuloy pa nito sabay pilit na pinapakita ang kanyang damit sa akin.
Nagpakawala ako ng buntong hininga para kumalma kasi kapag talaga hindi ako nakapagtigil, susuntukin ko ang bunganga nito para tumahimik. "Pwede ba? Nanahimik ako dito. Humanap ka ng pwede mong magulo." Sabi ko sabay balik ng earphones ko sa mga tenga ko.
I shut my eyes and lean on the chair fully. Siguro naman sa itsura ko ngayon, hindi na niya ako papansinin.
I'll be your shelter, I'll be your storm---
Napatigil ang kanta sa kanang bahagi ng tenga ko dahil kinuha niya pala yung isang earplug at isinuot sa tenga niya. Amuse na amuse siya dahil sa kanyang narinig. "You like this kind of music? Wow! We have the same taste! Alam mo ba na kasama ako sa isang banda at kanyang mga genre ang pinapatugtog---"
Hinigit ko sa tenga niya yung earplug. "I don't f*****g care!" Sabi ko sabay ibinalik yung earplug sa tenga ko. Aa kailan kaya ako tatantanan ng lalaking ito?
Hindi nagtagal ay tumigil na yung bus kaya pinatay ko na yung phone ko. "kalo̱sórises sto Pierce-Hellenic Colleges. (Welcome to Pierce-Hellenic Colleges.) We are advising you to rest for 30 mins at your dorm and go back to the kolossaío (coliseum) afterwards for an assembly. We are hoping that you may have a prosperous and fruitful year in Pierce-Hellenic Colleges. oi theoí mas ev̱logoún óloi (May the Gods bless us all.)"
Matapos nun ay bumaba na siya sa bus. Tumingin ako muli sa envelope ko at tiningnan ang susi ng dorm ko. "Artemis 032"
"Artemis Dorm ka?! Malapit lang ako dun. Sa kabilang hall ako."
Hindi ko siya pinansin at pinilit ko ang sarili ko na maunang lumabas sa kanya. "periménete! (Wait!)" Rinig kong sabi niya pero pinapanalangin ko na sana natabunan na siya ng estudyante. Nagbababaan na rin kasi ang ibang mga estudyante sa kani-kanilang mga bus kaya for sure crowded na sa entrance.
Agad akong sumingit sa mga tao doon kaya agad akong nakapasok sa entrance ng eskwelahan. At pagkapasok na pagkapasok ko dun ay bumungad sa akin ang malaking istatwa ng araw sa may fountain. At nang sandaling pumasok ka sa isang malawak na hall ay bubungad sa iyo ang isang malaking coliseum. Ang ganda!
As in! May part na damuhan lang, may part din na puro semento. Ito ay isang open-space na may bench sa buong istraktura. Mukhang gawa pa ito sa lumang semento. Kung hindi ako nagkakamali, kayang magaccomodate ng mga bench ng nasa more or less 50,000 na estudyante ng paaralan dahil sa sobrang laki nito.
May hall din sa kanan at kaliwa para sa mga passageway ng iyong pupuntahan. Sa kanan ang mga dorm, training center, garden at sa kaliwa ang mga offices, labs, and classrooms. This school is dope! Kung ikukumpara sa mga school ko dati, di hamak na ms maganda ito.
Agad akong naglakad sa hall sa kanan upang hanapin ang dorm ko. Sa hindi kalayuan ay bumungad sa akin ang malaking hamba na may nakalagay na A- God Dorms. Mukhang dito ang mga dorm ng mga estudyanteng nasa letter A ang pangalan ng greek god or goddess sa kwarto nila. Agad akong pumasok sa building at dun sa mini guide nakalagay na nasa 4th Floor ang Artemis hall.
Nagelevator na ako kasabay ang ilang mga estudyante hanggang sa makarating kami ng 4th floor. Hinanap ko ang room number 32 at nakita ko ito sa may bandang dulo malapit sa isang malaking bintana.
May malaking buwan na nakaguhit sa pinto. "Hi!"
Napaigtad ako nang biglang may nagsalita sa likod ko kaya napatingin ako sa kanya. "Sorry if nagulat kita." Isang babae na may blonde na buhok ang kumakausap sa akin. Mas matangkad nga lang siya ng kaunti at mas sexy. "eímai o (I am) Sandra Buin. I am the President of the student council here in our school. You are?" Iniabot niya sakin ang kamay niya para makipagkamay at tinanggap ko. "Alex Furrer."
"Alex... What a nice name... By the way, ako rin ang in-charge para sa Artemis Dorms and if may kailangan ka or may itatanong perhaps, sa akim ka kang lumapit." Nagyayabang ba siya or ganan lang talag siya magsalita?
"You can take a rest now." Pagpapatuloy pa nito. "Pero mamaya kailangan mo din bumaba for the assembly. Alis na ako mukhang istorbo na ako hehez." Oo nga eh masyado nang istorbo.
"Nice meeting you again, Alex... tha se do̱ argótera. (I will see you later.)" Sabi nito sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko. Jusko! Akala ko di na siya aalis eh, napakadaldal niya.
Binuksan ko na yung kwarto gamit at susi at wow~~~ Ang ganda sa loob. Kulay blue ang interior dahil siguro para na rin marelate kay Artemis yung room. May kumikislap din na mga ilaw sa itaas. At may bow and arrow na nakadisplay sa itaas ng headboard ng isang maliit na kama.
May study table din at bintana. I can't believe this room would be as cozy as it is. Hindi ko ineexpect na ganito yung room. Mukhang tiba-tiba ang binayad ng mga magulang ko para makapasok lang ako dito.
Nakalagay na rin yung maleta ko dito, aayusin ko na lang mamaya pagkabalik muna sa assembly.
Inayos ko muna yung study table ko at naglabas ng kaunting gamit mula sa maleta para kaunti na lang ang aayusin ko mamaya. Hindi nagtagal ay biglang may tumawag sa phone ko at sinagot ko naman iyon. "Hello?"
"Anakk!!! Kamusta diyan?" Si manang, halos mapundi na yung tenga ko dahil sa sigaw niya.
"Ayos lang naman ako dito."
"Nakoo, kauuwi lang ni Tatay Cardo mo kaya agad kitang tinawagan. Eh nakapasok ka na ba diyan sa dorm mo?"
"Opo. Actually maganda nga siya eh." Sabi ko tsaka muling ipinalibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto
"Mabuti naman! Ay siya tatawagan na kang ulit kita mamaya ha? Baka maubos itong pinaload ko."
"Sige po." Sabi ko sabay patay na yung tawag. Buti pa yung hindi ko mga magulang, nakuhanh tumawag sa akin pero yung mga magulang ko na naging dahilan ng pagpasok ko dito ay hindi man lang ako nagawang kamustahin.
After 20 mins. I decided to go down for the assembly at tulad nga ng inaasahan ko ay napakadaming estudyante ang nagtipon sa coliseum. Hinanap ko agad ang mga 4th year at dun at pumwesto.
Malapit kami sa main stage kaya rinig na rinig namin kung ano man ang sasabihin sa unahan. "Welcome to Pierce-Hellenic Colleges." Nagsimula na ang pagsasalita ng lalaking mas makintab pa sa sahig namin ang noo. He is...bald.
"I am your Principal for the year 2019-2020. Mr. Kin Scott." He said then he bowed to us. "I am here to officially welcome you to the school. As I've noticed, some of you have already toured themselves in the school which is very very appreciated. Malaki ang eskwelahan natin, which I can say that I cannot promise you can get to see them all because you know, some will be busy."
"Here, in PH Colleges, we are molding, the students in the better version of themselves whether the way was mild or abusive. We grabe every chances to make our students standout among all. We have great facilities, competent teachers and staffs, and accomodating dorms because as you all have knew, you are not allowed to go out the school premises, except for Saturday and Sunday. Security and Safety of the students and the school are voided."
"I am glad that your parents entrust us with your future, discipline and security." The students clapped their hands kaya nakigaya na rin ako, bama sabihin wala kong pakisama kahit wala naman talagang kwenta yung sinabi ni Kin.
"Now, let me introduce to you the student council for this school year. Ms. Xylene D. Saft, our Secretary." Umakyat ang isang babaeng mas putok pa ang lipstick kaysa sa teacher na nasa tabi niya. Ngumiti siya sa unahan and the boys went screaming. Paano ba naman, she have big boobs and well, her waistline.
"Mr. Henry Lau. The student council's treasurer." Umakyat din ang isang lalaking estudyante na nakaround-glasses.
"Mr. Brixian Mendoza, the student council's public relation officer." Nagulat ako nang biglang nagtilian ang mga babad nang sandaling pumasok ang isang lalaking nakabukas lahat ng butones niya sa uniform. Pagkatapos ay tumigil sa gitna para lang magpelvic dance kaya lalo pang humiyaw ang mga babae dito sa coliseum. Sino ba namamg matinong student council ang gagawa nun and to think 'Public Relation Officer' siya.
There and then akala ko tapos na ang hiyawan ng mga babae pero hindi pa pala. Mas lalo pa itong lumakas nang makita niya... SIYA?! "Mr. Raven Tyler Montellago, the student council's Vice President."
Umakyat siya ng walang kareareaksyon sa mukha. Iyan na naman siya sa kanyang split personality. Para na namang papatay siya sa mga titig niya eh! Pagkatapos niya akong guluhin sa bus kanina agrrhh! Mas lalong nadami ang kasalanan niya sa akin eh.
Umurong siya at dun titig na titig sa kanya si Xylene, magjowa ba sila? Buti natiis niya yung ugali ng jowa niya. Inakbayan naman siya ni Brixian na lalo niya pang ikinairita.
"Lastly, Ms. Sandra Buin. The student council's President and she have an announcement for all."
Ibinigay ni Mr. Kin kay Sandra ang mic. "In behalf of the Student Council, we are very honored to serve you this school year. And for some reminders, position for another public relations officer is still open. Since we have a big population in the school, Mr. Brixian Mendoza will have a hard time accommodating us all." Sabi nito at todo tango naman si Brixian dahil sa sinabi niya. "That's why we are opening the position for all. Application will be held at the Student Council's Main Office. thank you!"
Ibinalik ni Sandra ang mic kay Kin at muli itong nagsalita. "Now, kindly go back to your dorms to fix your things. The official start of classes will be tomorrow, 8am. Have a great day ahead."
Muling nagkagulo ang mga estudyante dahil nagbabalikan sila sa kani-kanilang mga dorm kaya napili kong maghintay muna sa pwesto ko para baka sakaling kapag humupa na ay malaya akong makakabalik sa kwarto ko.
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong nakaway sa akin. Teka si Raven ba yun? Jusko ayan na naman siya sa split personality niya. Nung umakyat siya ng stage para siyang tinabunan ng lahat ng problema sa mundo pero ngayon naman, para na naman siyang baliw dahil sobra siyang makakaway sa akin. Parang ang tagal na nung huli naming nagkita ah.
Instead of waving back at him, I wave my middle finger. Serves him right. Masyado siyang weirdo.
Nung nakita naman niya iyon ay napahawak siya sa kanyang puso at umaktong nasasaktan siya. Arte niya eh.
May lumapit sa kanyang isang lalaki at kasing tangkad niya lang iyon. Ngumiti siya sa lalaki at tinapik ang likod nito. Nang napansin niya na pinapanood ko sila ay pinaharap niya yung lalaki sa gawi ko para makita ko kung sino yung kausap niya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. B-bakit dalawa ang Raven dun?!
Kinusot ko yung mata ko, nagbabakasakaling namamalik-mata lang ako pero hindi, nandun pa rin sila. Yung isa ay Raven na masiyahin at yung isa naman ay Raven na pinagbagsakan ng lahat ng problema sa mundo.
I felt like seeing the Joy and the Sorrow dressed as a human. Tangina hindi ako makapaniwala.
And that explain everything, to the mall, here in the bus and as of this f*****g moment
I am doomed, for real.