It's already 9 pm at pagulong-gulong pa rin ako sa kwarto ko. Paano ba naman... I am mistaken! Napagkamalan ko yung dalawa na sila yung dalawa. Ha?! Medyo nalito din ako sa naisip ko
Teka... Bakit dalawa ang Raven dun?!
Raven with the good personality, mouthed me 'Kuya ko!' and I looked his 'Kuya' and he was glaring at me, parang may nagawa akong mali habang yung isa naman ngiting-ngiti. Hindi niya ba alam? I could die right now and he was just there, smiling the hell out of his face.
Umiwas na lang ako ng tingin at nung humupa na yung mga tao ay agad na akong bumalik sa dorm ko.
Which is nandito na nga ako at pagulong-gulong sa kama dahil hindi makatulog. Magsosorry ba dapat ako kay Raven the sorrow? Kasi natarayan ko siya? f**k no! Mataray din kaya siya! Para nga siyang mas babae kaysa sa akin!
Serves him right! Kasi kung sinabi niya sa akin na siya pala ang kapatid ni Raven the Joy, edi sana hindi ganito. Pero... Bakit ako nakokonsenya? Dahil ba tinarayan ko siya? Eh bakit eh sinaktan niya nga ako sa mall eh.
Tumihaya ako sa kama at tumitig sa kisame. I frustratedly pulled my hair "Hayaan mo na nga!"
Nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan, simula kasi nung pumasok ako sa kwarto ko ay pinili ko na----na hindi lumabas kasi baka na naman makita ko yung si Raven The Joy and Raven The Sorrow Montellago. I wonder kung sino talaga sa kanila si Raven but nonetheless, I am hungry and that's the issue here.
Tumayo ako at kinuha ang small map ng eskwelahan sa brown envelope na binigay sa akin ni Manong Cardo. Hindi ko pa kasi saulo ang mga pasikot-sikot ditl sa school kaya siguro iniwanan ako ng map dito.
Naghanap ako na kainan sa school na bukas la ngayong oras. Nakalagay kasi dito na sarado na ang canteen ng 7pm. At dahil swerte ang lola niya, may nakita akong isang convenient store na magsasarado na ng 10pm. s**t! Kailangan kong magmadali. Dapat kasi 10pm wala na daw pagala-gala sa school premises.
Kinuha ko yung cardigan ko at isinuot iyon sa akin. Buti na lang naka-pajama na ako para hindi na ako magpalit pa. Kinuha ko din ang wallet, cellphone at flashlight.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napakadilim na ng hallway. Mukhang tulog na lahat ng tao dito.
Pumunta ako ng elevator at dun ay sumakay. Nang makarating ako ng 1st floor ay lakad takbo akong pumunta sa cafeteria at doon nga, bukas pa yung Convenient Store.
Sa pagbukas ko ng pinto ay tumunog ang small bell kaya nalaman nung cashier na may tao sa store. Ngumiti ito sa akin, "Good Evening Mam! Buti po nakaabot pa kayo pero bilisan niyo po, alam niyo naman na may curfew dito." Paalaala niya sa akin
"Okay. sas ef̱charistó̱ (Thank you.)" Agad akong nagpunta sa beverage area at kumuha ng dalawang softdrinks at tubig. Sa kabilang banda ay kumuha din ako ng noodles at ready to eat meal. Kumuha na rin ako ng chichirya at tinapay para next time, hindi na ako lalabas. Baka maabutan ako ng curfew mahirap na. Mukhang mabubusog na ako sa mga hawak ko ngayon this supplies can last for two days. I knew myself, para lang kasi akong ibon kung kumain.
Nang makarating ako sa counter ay napatingin ako sa digital clock sa itaas. s**t 9:42 na! Ang bilis naman ng oras! Nagsimula nang ipunch ng cashier ang pinamili ko. Makakaabot pa naman ako siguro before 10. Mabilis naman kumilos itong lalaking ito eh.
Nang maisupot ng Cashier ang mga pinamili ko ay may bigla na namang sumulpot na black card sa unahan ko. "Kuya, pasama na rin po nito." Sabi nito
Tiningnan ko siya ng masama. "Sinusundan mo ba ako?!" Tanong ko sa kanya. Kasi obviously na everytime na lang palagi niya akong naabutan na nabili at siya ang nagbabayad nun.
"Ano?! Hindi ah! I felt hungry so I went down to grab some foods." Simpleng sabi niya sa akin sabay namulsa.
Kapag minamalas ka naman talaga oh! Si Raven the Joy lang naman ang naencounter ko ngayon. Kung alam ko lang na ngayong oras pa pala siya bababa edi sana hindi na ako nagpagulong-gulong sa kama kakaisip kung bababa ba ako o hindi nang dahil sa kanya or perhaps sa kanilang dalawa
Muli akong bumaling sa cashier, "kuya wag niyo nang isama yung kanya, magbabayad ako ng cash---"
Napakamot ito sa kanyang ulo "Pero mam naipunch ko na po."
Napatingin ako kay Raven the Joy at binigyan niya ako ng wala-ka-nang-magagawa-look. Ngumisi pa ito. "Paki-seperate na lang po ng supot." Sabi ko sa cashier at ginawa naman niya iyon. Ibinigay niya sa akin ang supot ko at kay Raven the Joy naman ang kanya.
Matapos nun ay dire-diretso akong lumabas sa store. Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya pati ang kapatid niya. "Sandali!" sigaw niya sabay hinigit niya ako sa braso para mapaharap sa kanya. "Madalas na tayong magkikita ngayon, hindi mo pa rin ba sasabihin ang pangalan mo?" Nakangiti pa ring tanong niya sa akin. "tsaka dalawang beses na rin kitang inilibre."
"Sinong may sabi sa iyo na magkikita pa tayo ulit?" inis na tanong ko sa kanya. "Tsaka sino bang maysabi sa iyo na bayaran mo yung mga pinamili ko? For your f*****g information, this will be the last time you dimwit!" Kumuha ako ng 500 pesos sa wallet ko at inihagis iyon sa kanya tulad ng ginawa ng hayop niyang kuya. "Iyan! Iyo na yan! Tutal ganyan din naman ang ginawa ng kuya mo sa akin!"
"What?" Mukha talagang hindi niya alam ang ginawa ng kuya niya. Which means yung pangalawang beses na nakita ko siya sa mall ay hindi na siya yun dahil, iyong kuya na pala niya ang nakaraharap ko and maybe same goes with the bus thing. Yung nakita kong una sa kabilang bus ay yung kuya niya ay yung nakatabi ko sa bus ay siya na mismo.
Nung sa stage naman sure ako na kuya niya yun, para na naman kasi ulit na pinagsakluban ng langit at lupa eh.
Tumalikod ako at muling naglakad papalayo sa kanya pero pilit niya lang akong hinahabol. Sa pangalawang pagkakataon, hinawakan niya muli ang braso ko. "What are you talking about?!" Tanong niyang muli sa akin "Hindi pa nga tayo nagkikita para bayaran mo yung utang mo---"
"Your brother is a monster! Get that?! Inihagis niya sa akin yung pera ko na dapat sana ay ibabayad ko sa iyo. Akala ko ikaw yun pero siya pala! Pwede naman niyang ibigay ng ayos sa akin yun ah! But damn him! Hinawakan niya pa ako ng pagkahigpit-higpit----"
"I didn't know that---" pabulong niyang sabi.
"Pwes ngayon, alam mo na. Now will you please, leave me alone? Nangako ako kay Manang na hindi ako maiinvolve sa gulo! And you're pissing me!" Malas naman niya at siya pa ang nakatikim ng katarayan ko sa halip na yung kuya niya pero how I wish na yung kuya niya ang tinatarayan ko ngayon.
Aalis na muli sana ako pero hinigit niya ulit yung braso ko. Sumusobra na ito ah!
Magsasalita pa sana siya nang bigla kaming nakarinig ng yabag ng mga taong nagmamartsa. Napatigil kami sa pagsasalita, kahit ang paghinga namin ay hindi rin namin pinalampas. "A-ano yun?" I felt nervous for an unknown reason.
May luminga na flashlight sa aming gawi kaya naalarma siya bigla "s**t!" Napamura si Raven the Joy dahil sa narinig na "Naabutan na tayo ng curfew."
Tumingin ako sa phone ko. s**t 10pm na nga! "Turn off your f*****g phone, mahuhuli tayo nan!" bulong niya sa akin. "Tara!" Hinigit niya ako papunta sa isang tagong lugar.
My heart was pounding like crazy. Parang kanina lang nasa Convenient Store pa kaming dalawa, ngayon, para na kaming mga ex-convict na hinahanap na ng batas.
Baguhan pa lang ako dito pero makakagawa agad ako ng offense. I never knew this would happen. Nagtago kami sa isang malaking pader. "We will be not safe here after 30 mins. For sure they will roam around." Sabi niya sa akin nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Kasalanan ito ng kuya mo eh---"
"Shhhh! Mahuhuli tayo sa ginagawa mo!" Impit na bulong niya sa akin. Sasabog na talaga ang puso ko, namamawis na yung mga kamay ko.
"T-teka, sino ba sila?!"
"Stratos. Sila ang nagbabantay sa bawat building ng eskwelahang ito. They roam around for safety purposes of the students. Halos lahat kasi ng nagaaral dito ay nagmula sa isang mayaman o prestihiyosong pamilya. That's why great security must be uplift."
"Bakit sobra nilang higpit? Anong kayang gawin nila sa atin?"
"Suspension or worse Expulsion."
"What?!" Puta bakit ganun na lang ang nangyayari dito?! I can't be kicked out again!
"They are giving emphasis on the security here kaya sabi nila kung hindi natin kayang sumunod, better yet, umalis na lang tayo dito." s**t! Aa s**t talaga!
"Hanggang anong oras ang tapos ng curfew?"
"5am. Pero kailangan na nating umalis dito as soon as possible. Baka maabutan tayo dito. Nagpupunta din sila dito sa pwestong ito para magcheck." Sumilip siya muli sa may pader. "s**t! Peram ako ng phone."
Nandun pa rin yung mga lalaking may hawak na flashlight. Mukhang napansin nila na may tao sa pwesto namin kanina kaya hindi sila naalis dun.
Nanginginig ako ng ibinigay ko yung phone ko. "Anong gagawin mo?"
"Tatawagan ko yung kaibigan ko para magawan tayo ng paraan dito." ani niya habang nagdidial ng number "Wag kang magalala, makakaalis tayo dito." Sabi niya kaya napatango na lang ako kahit alam kong wala naman talagang kasiguraduhan ang paglabas namin dito. Sa dami ba namang lalaki sa labas? Aa hindi na ako sure!
Jusko! Ano ba naman itong napasok ko?!
"Hello? Skye? This is Ross. I need your help." panimulamh sabi nito
I am f*****g nervous lalo pa at palinga-linga yung ilaw nila sa pwesto namin. This is going crazier "We are trapped! Naabutan kami ng curfew... Yes, may kasama ako. We need your help. Kailangan lang namin na makabalik sa dorm... What?! Bakit?!----s**t!.... Sige sigee dun na lang kami. Please call kuya. Thanks!" matapos nun ay ibinalik na niya ang cellphone ko sa akin.
Bumaling sa akin si Ross, "Anong sabi?!"
"Hindi na tayo makakabalik ng dorm natin."
"Ha?! Bakit?! We have to get out of here! Hindi ako pwedeng makick-out ulit!" nagpapanik na sabi ko sa kanya
"May guards na nakabantay doon." Sumilip siya muli sa gilid ng pader. "As long as we are indoors, we are safe from this bitches. Binuksan ni Skye ang tambayan namin and that's our last chance para hindi makickout sa paaralang ito. Unfortunately, to get there, we have to cross guards." sabi niya sa akin.
"What?! Hindi ba parehas ang risk na tumawid sa maraming guards at ang tumakas sa maraming guards sa dorm natin?" medyo nalito din ako sa sinabi ko pero mukhang gets naman niya
"It's risky to do that. At least kapag tumawid tayo,makokontrol natin yung mga guards." Muli siyang luminga sa paligid at tsaka hinawakan ang braso ko "Ano? Game ka na?" Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. "Trust me, walang magkakaroon ng grave offense sa atin."
Hinigit niya muli ako papunta sa isang tagong lugar at sa hindi kalayuan ay may nakita kaming guards na naglalakad papunta sa gawi namin. Sinakluban na naman ako ng takot pero nang sandaling makalampas sila sa amin ay agad kaming naglakad papunta sa isang hall.
Sa bawat dinadaanan namin ay hindi namin maiwasan ang hindi makakita ng mga guards na nagrorounds. Agad namin silang nakikita dahil sobrang tingkad ng pagkagreen ng kanilang suot.
We are technically playing hide and seek with the f*****g guards
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa isang small apartment. Binuksan niya ang pinto at kami ay nakapasok na sa loob.
Agad akong napaupo sa sofa dahil sa sobrang pagod at kaba na nararamdaman. Sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag. "Magpahinga ka muna dyan. Tatawagan ko lang ulit si Skye."
Pumunta siya saglit sa isang kwarto. Parang maliit na bahay itong pinuntahan namin. Maraming gitara, isang drum set at piano. May maliit din na dining area. Tapos yung pwesto kung nasaan ako ngayon ay isang maliit na living room na may malaking tv sa unahan ko. May mga console din at mga entertainment games.
Hindi nagtagal ay bumalik si Ross at umupo sa tabi ko. "Don't worry, si Skye na bahala sa mga CCTV if ever man na makita tayo dun. Kamusta ka? Dito muna tayo magpapalipas ng gabi, just so you know." Itinuro niya sa akin ang kwarto ko "Dun ako hihiga sa kwarto ni Skye for the mean time tapos dun ka na lang matulog sa kwarto ko. Isarado mo na lang yung pinto ha?"
I breathe slowly. "I'm fine at salamat din dahil tinulungan mo ako pero ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako lalabas after 9pm. Ayoko na ulit mangyari ito. Hindi ako pwedeng makick-out ulit sa school."
"Don't worry. Skye got us. He knew everything and he can get us out of this mess." He assured me.
"Is this tour first time being in this kind of situation? You know... The curfew thingy."
Umiling siya, "Nawp! Actually, this is already my second time. Nung una kailangan talaga akong pagtakpan ni kuya kasi namukhaan ako nung isa sa mga guards but with the help of Skye and the gang, nailipat nila yung sisi sa iba para hindi ako makickout sa school. Buti na lang at nasuspend lang yung pinaglipatan namin ng sisi."
Tiningnan niya ako sa mga mata. "Alala ko nun, halos bugbugin na ako ni Kuya dahil matigas daw ang ulo ko. Mahilig kai akong lumabas ng ganitong oras para kumain kahit alam kong pinagbabawal. Lalo pa ngayon na graduating tayo."
Wow! May #concern pala ang kapatid nito. Akala ko puro sama lang ng loob ang alam nun eh.
"I'm sure magagalit na naman sa akin yun." sabi nito tsaka nagpakawala ng buntong hininga.
Natahimik kami saglit kaya ipinikit ko ang mga mata ko pero biglang kumulo ang tiyan ko kaya napatawa si Ross. "Mukhang nagagalit na yang sawa mo sa tiyan ah!" Impit na tawa ni Ross.
"Bakit baga?! Eh kaya nga ako umalis sa kwarto ko para kumain kaso... Ito ang nangyari."
"Wag kang magalala, dito ka na kumain. You can use the kitchen."
Sinamahan ako ni Ross na magpainit ng tubig para sa noodles ko at ipainit naman sa microwave ang ready to eat meal ko. Nang matapos kami ay umupo na ako sa dining area at nagsimulang kumain.
Tangina, gutom na gutom ako eh. "Oh, hinay lang. Iyo lang iyan, hindi ako hihingi." Sabi ni Ross sa akin sabay lapag ng isang basong tubig sa tabihan ng plato ko. "Masama ang palaging nakasoftdrinks." Sabi nito sabay upo sa tapat ko. Binuksan niya ang chips niya tsaka ito kinain.
"So... What's your name?" Tanong nito sa akin na nakapagpatigil sa pagkain ko. "We have already bond and yet, I still don't know your name."
"It's Alex. Ma. Alexandra Greece Furrer." I said without looking at him. "I'm sorry if I was too harsh a while ago."
He chuckled and ate one chip. "Nah. It's fine. For a cute girl like you, being feisty is a bonus."
Tiningnan ko si Ross tsaka ko ito inirapan. "So... Ikaw pala si Ross." Pangiiba ko ng usapan. "At si kuya mo si Raven?"
"Yes" he said firmly. "My name is Ross Tylex Montellago and my brother's name is Raven Tyler Montellago."
For the record, mas bet ko pang kausap itong si Ross kaysa sa kanyang kapatid na mataray na baka pinaglihi sa sama ng loob. "Uhmm... Alex? I just want to apologise because my brother had been a d**k to you. He is always like that though. He cannot control his temper, he always grunts, he is grumpy but I am sure with one thing, he have a heart of gold."
Ahh talaga lang ha? Sinasabi mo sa akin yan ngayon kasi hindi mo alam ang ginawa niya sa akin sa mall.
"Believe me Alex. Ganun lang iyon talaga pero mabait si Kuya and that's for sure."
Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Nga pala... Have you toured yourself in the school?"
"Hindi pa." Sabi ko tsaka uminom ng tubig. "Wala kasi akong makakasama----"
"Ako!" Masayang sabi nito. "The gang had been studying here since our first year of college kaya gamay na gamay ko na ang lugar na ito. Nakapagpatayo na nga kami ng apartment, at ito iyon."
"Dito kayo nagiistay ng mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.
Himala may mga kaibigan pala si Raven na nagtiis sa kanya.
"Oo. Dito kami nagpapractice kapag may tugtog kami para sa mga school activities ganun. Tapos minsan, naglalaro din kami ng mga consoles dito lalo na kapag walang klase." Wika nito. He had been eating chips while answering my questions. "Ikaw, may ginagawa ka ba or pinagkakaabahalan sa buhay mo?"
"Music. That's all. But I never do instruments. I suck at playing them. I sing pero kapag ako lang magisa. Hindi naman kasi ako marunong tulad ng ibang mangangawit diyan. If you know what I mean."
"Don't worry, if may time tayong parehas na dalawa, I will teach you how to play piano. Drums at piano lang kasi ang kaya ko pero for the mean time, piano muna. Bagay iyon sa isang babaeng tulad mo."
"So, it's been bothering me, takot na takot ka kanina dahil makikick-out ka ulit? Did I hear that right? The word 'Ulit'? So technically, if makikickout ka sa nangyari ngayon, it wouldn't be your first time right?"
Tumango na lang ako. "Yes, naging bestfriend na rin kasi ako ng expulsion because of the crazy things that I am doing sa every school na pinasukan ko. But that is not a story to share"
I looked at him, and he was just staring at me. I never talked to other people about why I am leaving school from time to time pero masyado sigurong magaan ang loob ko sa kanya para sabihin ang mga bagay-bagay na ito.
"Well... It's nice meeting you, Alexandra. Sana makasama ulit kita tulad ng ganito." Ngiti nito sa akin. Sabay lahad ng kamay niya sa akin para makipagkamay.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti rin pabalik. "eínai o̱raío na sas gno̱ríso̱. (It's nice to meet you too.)"
Nagkamayan kaming dalawa. "Why do you sound sexy while speaking in greek?" ngising tanong nito sa akin.
Napatawa ako sa sinabi niya "kti̱nó̱di̱s! (Ruffian!)"
I will lie kapag sinabi ko na hindi masayang kasama si Ross. He is indeed a good person at mukhang hindi siya tinablan ng katarayan ko. Nang matapos akong kumain ay akmang kukunin na ni Ross ang pinagkainan ko pero pinigilan ko siya. "Ako na."
"No. This day is tiring. So I suggest na matulog ka na dahil kailangan na maaga ang gising mo bukas. Alam mo naman, the curfew things."
I am in doubt kung hahayaan ko ba talaga siya sa pagaayos ng pinagkainan ko. "I'm fine, just go to bed already."
I found myself walking towards his room but he called me. "kali̱nychta, mo̱ró koúkla. (Goodnight, baby doll.)
Ngumiti ako sa kanya. "kali̱nychta, kti̱nó̱di̱s. (Goodnight, ruffian.)" Matapos nun ay pumasok na ako sa loob ng kwarto niya na napakabango at napakalambot na kama. This is heaven!
***
"mo̱ró koúkla, xypní̱ste! (Baby Doll, wake up!)"
Narinig ko ang paguyog sa katawan ko. "A-ano ba? Natu..tulog pa eh!" Natutulog pa ako, epal talaga!
"You need to go mo̱ró koúkla, it's already 5:30 am!"
Napabangon ako sa kama at agad na kinuha ang wallet at cellphone ko. "s**t!"
Naghilamos muna ako ng mukha bago kinuha ang tsinelas ko. Bago pa man ako makalabas ay hinarangan ako saglit ni Ross para paalalahanan "Listen mo̱ró koúkla, (Baby doll) if someone ask you, where have you been last night, tell them you did not leave your room okay?"
Tumango ako sa kanya "good. Now off you go. tha se do̱ argótera mo̱ró koúkla. (I will see you later baby doll.)" Binuksan niya yung pinto.
"Salamat ulit."
Patakbo akong lumabas ng apartment at agad na dumiretso sa dorm ko. Buti na lang wala nag guard sa entrance ng dorm. Nang makarating naman ako sa 4th floor ay wala pa ring nagigising kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at dumamba sa kama.
***
Kontik na akong malate sa first class ko dahil sa himbing ng tulog ko nang sandaling makabalik ulit ako sa dorm ko mula sa tambayan nina Ross.
Umupo ako sa pinakalikod para iwas atensyon mula sa mga tao. Sabi nga nila, prevention is better than cure. Mas mabuting umiwas na ako sa mga tao kaysa mainvolve na naman ako sa gulo.
I looked at my schedule, 4 hours akong business ethics ngayon. Medyo nastress agad ako. Jusko nakakalugaw iyon eh! Yung 2 hours pa nga lang nakakaantok na, ito pa kayang 4 hours?
Tapos dumagdag pa itong prof namin na halos bumulong na sa blackboard sa hina ng boses. Nagteacher pa siya ah?
Not to mention, the atmosphere of the room. Para kaming may sari-sariling mundo. Yung iba nagiingay lang. Yung iba may ginagawang kalokohan. Yung iba nakikipaglandian sa jowa nila and the rest were history.
This is the most boringday of the week. It's beating the s**t our of me.
Mr. Josue was in the middle of discussing when someone knocked the door and someone went in. "Sorry to interrupt your class but, the Department of Officer needed Ms. Furrer for a while." isa siyang babae na nakacorporate suit. Secretary kaya ito ng D.O?
I yanked. Ako?!
Tumingin sa akin si Mr. Josue, "Looks like you've already created a trouble, Ms. Furrer." sabi ni Mr. Josue habang nililinis ang salamin niya.
Nagbulungan ang mga kaklase ko. May kinalaman kaya ito sa curfew kagabi? Nahuli kaya kami ni Ross?
Tumayo na ako at sinundan yung babae sa labas.
Itatanong ko sana kung bakit ako pinapatawag kaso wag na lang baka kasi tarayan pa ako.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami ng office. Pagkabukas nung babae ng pinto ay bumungad agad sa akin si Ross na nakaupo sa kanang parte ng table ng department officer at nasa likod naman nito yung lalaking nagpelvic dance sa stage. Brixian ba pangalan nito?
Habang nakaupo naman sa sofa ang isang lalaking nakasalamin sa mata at isang lalaking mukhang tahimik lang dahil may nakasapak itong headphones sa kanyang tenga.
Lahat sila nakatingin sa akin. Lalong lalo na yung lalaking nasa tabing pwesto ni Brixian, si Raven. He was f*****g glaring at me again. Mukhang nagalit siya sa kapatid niya at ganun din siguro sa akin.
The secretary shut the door when I already step inside the office. "Good Morning, Ms. Furrer, have a seat."
Tumingin ako sa name plate na nakalagay sa mesa bago tuluyang umupo. 'Mr. Gerardo Dela Mar'
I sat down and I can still sense that all of their eyes are locked in my gestures. Lalong lalo na si Raven, nakakatusok yung mga tingin niya. "How was your day so far at the school, Ms. Furrer?" panimula ni Sir Dela Mar.
Napatingin muli ako sa mga lalaking nasa harapan ko na ngayon, it seems like they are waiting for my amswer. "Fine?" napangiwi ako dahil iyon lang ang nasagot ko. Kung hindi ba naman talaga ako tanga.
"Mukha nga na masaya ka..." Pinagsalop ni D.O ang kanyang mga daliri at matalim na tumingin sa akin. "Did you know that this school emphasizes safety and security of the students?"
Tumango ako sa kanya bilang sagot. "and you knew that there is a curfew every 10pm onwards everyday right?"
I nodded again. Jusko parang alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito. "and are you aware that lying is also an offense here in the school?"
Umiling ako, hindi ko naman talaga alam na hindi rin pala pwedeng magsinungaling dito. "Well... Ms. Furrer, hindi ko na ito patatagalin pa. Where were you yesterday evening?"
Naalala ko yung sinabi sa akin ni Ross na kahit sino mang nagtanong sa akin kung nasaan ako kagabi, ang isasagot ko lang ay nasa kwarto lang ako. I lied but... If this is the right thing tl do as of this moment, gagawin ko yun. Hindi na ulit ako pwedeng makick-out, not today.
"I will repeat the question---" uulitin pa sana niya ang tanong pero pinigilan ko siya. "I was in my room. Matapos nung assembly, napili ko na lang po na magpahinga sa kwarto."
"but the cashier on the convenience store told us that you were there before 10pm."
"Yes that's true but I went back as fast as I can to avoid the curfew." sabi ko sa kanya
Nagulat ako ng bigla itong tumayo, "Well... Will your mind change after the cctv review?"
Kinabahan ako at napatingin kay Ross pero he was just smiling. Not even a slightest ray of pounding of his chest was seen, or maybe his chest was not really pounding at all
Kinuha ni D.O. ang isang remote sa kanyang drawer tsaka tumingin sa akin. He pointed the remote on the monitor right next to him na nakakabit sa pader and he played the video.
9:25, I went out to go to the convenience store.
9:31, I arrived there.
9:43, I finished buying, then I saw Ross.
Sinundan niya ako palahas but we didn't talk long.
9:51, I am running towards my room.
Whut?! Paano nangyari na may clip ako na nabalik ng room, where in fact hindi naman talaga ako bumalik ng dorm nung gabing iyon? I f*****g stayed with Ross the whole night.
Nabasag ang nakatahimikan nang biglang nagsalitq yung lalaking nakasalamin. "See D.O. you are making false accusations to our friend. Just like we have said earlier, yes, Ross stayed at our tambayan but that's it. He went out and got back right before the clock strikes 10."
I was just looking at them, how can they really manage to escape this s**t?
"Well then," ani nung D.O. "Ms. Furrer, you are dismissed." nakahinga ako ng maluwag nang sabihin iyon si Sir Dela Mar sa akin. "But the boys will stay."
Nagtaka ang lahat kung bakit pa nila kailangang magstay sa office kung gayong absuwelto na sila. "I would just like to talk about the incoming projects at our school. Mas maganda na pagusapan ito lalo pa at nandito na ang V.P at PRO natin." ngumiti si D.O sa dalawang tinawag niya.
Brixian felt annoyed for staying a bit longer but Raven spoke in behalf of his friends. "Don't worry Sir, 5-10 minutes will not be so bad."
"Good. Well Ms. Furrer, you may go." hindi ko alam na pinapaalos na pala ako ni D.O. kaya wala na lang akong nagawa kung hindi ang tumayo.
Nagpaalam muli ako sa DO tsaka napatingim kay Ross na sobrang nakangiti sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik. Matapls mun ay tuluyan na akong lumabas at nagpunta ng Comfort Room para maghilamos.
I felt like washing my fave para mahimasmasan ako saglit. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at ipinunas iyon sa mukha ko.
My heart pounded like hell nang sandaling alisin ko ang panyo sa mga mata ko. Paano ba naman hindi ka aatekihin? May nakatayo na pala sa likod ko, hindi ko napansin. "Anong ginagawa mo dito? You shouldn't be here, it's a female's room." sabi ko sa kanya sabay hugas muli ng kamay.
It was Raven. But come to think of it, bakit niya ako susundan sa CR? Para titigan ng masama tulad nito? His really creeping the s**t out of me. "Well?" nakatingin ako sa kanya gamit ang salamin sa harapan ko and he was just glaring at me, not at my reflection but at me.
Hindi na ako mapakali kaya humarap na ako sa kanya. "Ano bang problema mo?!"
"it seems like, you are fond of troubles..." hay salamat nagsalita din siya.
"Well? What do you think so?" pangaasar ko sa kanya. "But you know what Raven, I don't have a f*****g time for this bullshit. I am mentally drained----" maglalakad na sana ako palabas ng cr pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinulak patungo sa wall tiles ng C.R.
My body hit on the wall at lagabag na lagabag ang katawan ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin. He pinned me on the wall "ANO BA?! NASASAKTAN AKO!"
Sinubukan kong magpumiglas pero hinawakan niya ang magkabila kong pulso at inilagay iyon sa tabiham ng ulo ko. My feet were also on he ground dahil inapakan niya iyong parehas.
Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko nang sandaling lumapit siya sa akin.
Damn! We are inches apart. At paniguradong konti na lang, we will brush our lips against each other. "Listen idiot..."
Nang sandaling bumulong siya sa akin ay naamoy ko ang mint ng chewing gum niya. His scent even lingers inside my nose. "kontik mo nang mapahamak ang kapatid ko ngayon but I promised that this will be the last time. Hindi ako makakapayag na ikaw pa ang magiging dahilan para hindi kami makagraduate sa paaralang ito. I will drag you if I have to just to save us and you will regret everything."
He let me go and stormed out of room after that, while me? M legs went wobbly. Napaupo na lang ako sa sahig at napasapo sa dibdib dahil sa kabang nararamdaman.
Is that a threat?