bc

Beautiful Captured (Ongoing)

book_age12+
19
FOLLOW
1K
READ
family
arrogant
badboy
goodgirl
brave
drama
bxg
enimies to lovers
selfish
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Way back then, Leila and Jace are close to each other but in the other way. They are the same as tom and jerry, they haven't gotten along with each other since then, but they just get along on one thing and that's protecting each other.

But everything will change, Leila and her sister went moving out to the house of Jace's parents, which makes Jace mad at her for leaving him, and until they grew up apart the anger remained in Jace's heart. The two of them just noticed that a lot has changed and that their previous relationship has been cracked due to Leila's departure. Jace doesn't believe her anymore no matter what else she says until Leila realizes that Jace is far away from her and she can't reach him anymore.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Stick together and I'll count to three, then get ready." I focused my camera and click it. Napangiti ako dahil isa na namang pag-iibigan na natapos ng masaya. They promised to each other sa altar, they sharing their vows na halos lahat ng mga bisita nila ay naiiyak at minsan naman ay natatawa sila. Grabe pala ang pinagdaanan nang dalawa bago pa man nila maabot ang forever nilang dalawa. What a happly ending of them. "Best wishes, Mr and Mrs. Minatozaki," nakangiting bati ko sa bagong kasal. Nakangiting humarap sa 'kin si Mrs. Minatozaki. Kitang-kita ko sa mata niya na ang saya niya dahil sa wakas ay kinasal siya sa lalaking mahal niya. Half japanese si Mr. Minatozaki at si Mrs. Minatozaki naman ay purong pilipino. Against ang magulang ni Mr. Minatoaki dahil nga sa makaiba ang paniniwala nila at hindi rin nagmula sa mayamang angkan si Mrs. Minatozaki, pero dahil sa pagmamahalan nilang dalawa ay natuloy pa rin sila sa pagkakasal at kitang-kita naman nila na masaya silang dalawa. "Thank you, Ms. Lopez. At gustong-gusto ko lahat ng kuha mo sa kasal ko," nakangiting sabi ni Mrs. Minatozaki. Iniyuko bahagya ang ulo ko dahil sa natanggap na papauri mula sa cliente namin.  "It's our pleasure, Mrs. Minatozaki." "Maiwan na muna kita dito ah," saad niya. "Sure, Mrs. Minatozaki." Ngumiti na muna siya sa 'kin bago siya muling lumapit kay Mr. Minatozaki na abala sa mga bisita nila. Nilinga ko ang ulo ko upang hanapin ang kasama ko, bigla-bigla na lamang nawawala sa tabi ko imbes na tinutulungan niya ako, kung saan-saan nagpupunta. Naglakad na ako upang simulan na hanapin ang kasama ko dito sa kasal. Wala naman akong kilala dito at tanging photographer lang ako sa kasal nila. Sinama ko ang assistant ko dito sa kasal para hindi ako ma-out of place sa kasal, kaso bigla na lamang nawala. "Ms. Lopez!" Napalingon agad ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses niya na tinatawag ako. Nakita ko siya na tumatakbo mula sa direction ko at may hawak-hawak siyang cupcakes sa kaliwa niyang kamay. "Saan ka ba pumunta?" tanong ko dito ng makalapit siya sa 'kin. "Dyan lang sa labas, Ms. Lopez. Nagutom po kasi ako," sabi niya sabay himas sa tyan niya at kumagat sa hawak-hawak niyang cupcakes. "Kung saan-saan ka nagsusuot, muntik na kitang iwan dito," sabi ko sa kaniya. "Huwag ganyan, Ms. Lopez. Nagutom lang po talaga ako," sabi niya. "Ikaw na ang bahala dito, Ali. Kailangan ko pa kasi na sunduin ang mga pamangkin ko." Hinubad ko sa leeg ko ang camera na ginamit ko at inabot ko kay Alicia dahil alam ko naman na kaya na niya, may kasama rin naman siya at 'yon ang assistant ko. "Nasaan na ba si Leanordo? Nanlaladi na naman 'yon," sabi ni Alicia at sinuot niya sa leeg niya ang camera. "Hanapin mo na lang, aalis na ako. Kayo nang bahala dito, ah."  Tinapik ko pa ang balikat ni Alicia bago ako naglakad upang lagpasan ko na siya at makaalis na ako dito. Kinuha ko sa bag ko ang susi ng kotse ko at saka ko binuksan ang pinto sa driver seat ng kotse at doon ako pumasok. Pinaandar ko na ang kotse ko papunta sa school ng mga pamangkin ko.  Ako kasi ang magsusundo sa dalawa dahil busy ang magulang nila sa trabaho. Nakatingin lang ako sa daanan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakarating ako sa bansang ito. Limang taon na rin ako nandito, 'nung una ay hindi ako sanay at namamahay talaga ako tuwing gusto ko ng matulog... na para bang may kulang bago ako matulog. Tumitira kasi ako sa bahay nang napangasawa ni Ate Jasmine. Half japanese rin si Kuya Shintaro pero mabait naman siya sa 'kin at love niya rin ang Ate ko, kaya nga nagkaroon sila ng mga makukulit na bata. Limang taon na rin pala. Napakabilis talaga ng takbo ng oras at hindi ko namamalayan na naabot ko na rin pala ang mga pangarap ko sa buhay. Isa na akong ganap na photographer, madalas ang mga nakukuha naming cliente ay ang mga nagpe-prenup para sa kasal nila at naranasan ko na rin na ako mismo ang kumuha ng picture sa isang kilalang model. May sarili na rin akong studio na napangaralan na rin. Naabot ko ang pangarap ko kahit paano, ang pangarap na matagal ko ng gustong makamit ay nakuha ko na. "Tita Leila!" Mas lalong na kumpleto ang araw ko ng masilayan ko ang magkambal na tumatakbo ngayon sa direction ko. Claytan Mori at Mina Mori, ang mga pamangkin ko at anak ni Ate Jasmine. I widened open my arms upang salubingin ko sila ng mahigpit na yakapmula sa kanila Tita. Yumakap naman sila nang mahigpit sa 'kin ng marating nila ang pwesto ko. "Miss niyo ba si Tita?" Humalik pa ako sa pisngi nilang dalawa habang may ngiti sa labi ko. Magkasabay silang tumango sa 'kin na mas lalong nagpasaya sa puso ko. "Yes, Tita Lei. Hindi ka na po kasi madalas na dumalaw sa house," sabi ni Mina at ngumuso pa siya sa harapan ko. Pinisil ko ang chubby cheeks niya at mahinang natawa. "Busy lang si Tita Lei sa work niya, but don't worry babawi na lang si Tita sa inyong dalawa." Kinuha ko pa ang bag nilang dalawa upang ilagay sa kotse ko at hinawakan ko na ang isa nilang kamay upang maglakad na kami papunta sa kotse ko. "Tita Lei, can we go to your studio?" Claytan asked me. "Maybe next time, Cy. Kailangan ko na kayong i-uwi at baka mamaya nandoon na ang parents niyo." SInarado ko na ang pintuan sa backseat kung saan nakaupo ang magkambal. Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at sinuot ko na ang seatbelt ko sa katawan. "Fasten your seatbelt, twins," utos ko habang nakatingin sa mirror dito sa loob ng kotse. Nakita ko naman na sinisimulan na nilang suotin ang seatbelt nila at pagkatapos ay umalis na rin kami sa harapan ng school nila. Binabalingan ko naman kahit papaano ng pansin ang kambal na busy sa kaniyang-kaniya nilang ginagawa. Ten years old na ang kambal... See? Ang bilis lang talaga ng panahon, parang noon ay baby palang sila 'nung una kong nasilayan ang dalawa pero ngayon malaki na. Lumaki na rin sila dito sa japan dahil may business sila dito at kahit na dito sila lumaki ay nakakaintindi naman sila nang tagalog, madalas nga lang pala english si Claytan. Pinarada ko ang kotse ko sa paradahan dito sa bahay nina Ate Jasmine at Kuya Shintaro. Binaba ko ang kambal at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Wala pa si Ate dahil nasa trabaho pa ito at gano'n rin si Kuya Shintaro, tanging ang mga katulong lang ang nandito sa bahay nila. "Twins, akyat muna kayo sa kwarto niyo upang makapag-change ng clothes. Sama muna kayo sa nanny niyo," nakangiting utos ko sa dalawa. Binigay ko sa nanny nila ang kanilang bag at sinamahan naman sila ni Aling Rosmar, ang kanilang nanny na isang pilipino rin katulad ko at ni Ate Jasmine. Hinahabol ko na lang sila nang tingin na dalawa habang kasama si Aling Rosmar. Kailangan ko kasing tawag si Alicia kung nakapabilik na sila sa studio ngayon. Naglakad ako papunta sa swimming pool area dito sa bahayat nilabas ko ang cellphone ko sa bag ko. Dinail ko ang number ni Alicia na agad namang sumagot. "Yes, Ms. Lopez." "Nasaan na kayo? Pabalik na ba kayong dalawa ni Leonardo sa studio?" "Nandito na kami sa studio, Ms. Lopez, kakarating lang namin ni Leon." "Good. Pupunta rin naman ako dyan, hinihintay ko lang ang Ate ko bago ako umalis dito sa bahay nila." "Hinatayin ka namin, Ms. Lopez. Nag-take out rin pala ako ng pagkain doon sa kasal nina Mr. and Mrs. Minatozaki. Ang sarap ng pagakin nila, Ms. Lopez, dapat matikman niyo 'toh." Mahina akong natawa dahil halata naman na nagustuhan talaga ni Alicia ang pagkain doon sa kasal.  "Sige, huwag mo akong ubusan, ah." "Oo naman po!" "Okay, bye." Binaba ko na ang tawag at sakto naman na nakarinig ako ng busina nang kotse. Nandito na si Ate. Pumasok na muli ako sa loob ng bahay upang salubingin si Ate at tama nga ako na nandito na ang mag-asawa. "Ate," nakangiti kong tawag kay Ate Jasmine. Napatingin sa 'kin si Ate Jasmine at gulat siya ng makita niya ako sa pamamahay niya pero agad ring na palitan 'yon nang sama ng tingin. "Nandito ka pala, buti at naisipan mo pang magpakita sa 'kin," masungit na sabi ni Ate Jasmine sa 'kin. Napakamot ako sa batok ko. "Ate naman, alam mong busy ako eh," sabi ko. "Hoy! Halos ang pagpipicture na lang ang inaatupag mo sa buhay mong bata ka, hindi ka na yata nagpapahinga sa ginagawa mo." Nakaduro pa ang hintuturo ni Ate Jasmine sa 'kin. Mabilis kong iniling ang ulo. "Nope, healthy pa ako, Ate, kaya huwag kang mag-alala sa 'kin." Ngumiti pa ako sa harapan niya. "Huwag mong ilabas 'yang mga ngipin mo at baka hilahin ko 'yan."  Masungit pa rin siya at nilagpasan pa ako. Napakamot tuloy ako sa batok, ang hirap talaga kausap ni Ate Jasmine. "Intindihin mo na lang. Alam mo na, buntis," sabi ni Kuya Shintaro at tinapik pa ako sa balikat ko. Yeah, ang hirap talaga pagkausap ang buntis dahil mabilis magsungit at mainitin pa ang ulo. Ako yata ang pinaglilihian ni Ate, kaya ngayon ang init ng ulo sa 'kin. "Dito ka ba magdi-dinner, Lei?" tanong ni Kuya Shintaro sa 'kin. "Yes, Kuya," sagot ko. "Okay, magpapaluto ako ng paborito mo," nakangiting sabi ni Kuya Shintaro. "The best ka talaga, Kuya." Tinaas ko pa ang thumb finger ko pero agad ko naman 'yon binaba dahil tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext sa 'kin at si Alicia pala. From: Alicia. Ms. Lopez, punta na po kayo dito at may good news po kami sa inyo. Napataas ang isang kilay ko dahil sa text ni Alicia. Ano naman kaya 'yon? Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at muling humarap sa mag-asawa, nakatingin pala sila sa 'kin. "Kailangan ko po na pumunta po muna sa studio, Kuya at Ate," sabi ko. "So? Hindi ka magdi-dinner dito?" Nakataas ang kilay ni Ate Jasmine sa 'kin ngayon. "Magdi-dinner dito syempre! Saglit lang naman ako doon, Ate, at babalik rin agad ako, promise." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko sa harapan nilang mag-asawa. "Go, puntahan mo na Lei, baka mamaya mahalaga talaga 'yan," sabi ni Kuya Shintaro. Tumango ako at kumaway pa ako kay Ate Jasmine pero inirapan lang ako. Napahawak na lang ako sa batok ko at saka ako tumalikod upang makaalis na sa bahay nila, upang pumunta sa studio ko. Wala pang ilang oras ay nakarating na rin agad ako. Pagpasok ko sa loob ng studio ay nakita ko na agad ang mga pagkain na inuwi ni Alicia galing sa kasal. "Ms. Lopez, tara po dito!" Hinawakan ako ni Alicia sa kamay ko at hinala ako papunta kay Leonardo na nakaharap sa computer. Nagtaka agad ako kung bakit parang ang saya ni Alicia. Nagbayad ba ulit sina Mr. and Mrs. Minatozaki? Kaya masaya ngayon si Alicia. "Anong meron?" tanong ko sa dalawa. "Invited ka sa isang photo exibit na gaganapin sa pilipinas," sabi ni Leonardo. "Talaga?!"  Nanlalaki ang dalawa kong mata at napatingin ako sa computer at confirm na invited ako sa isang photo exibit at hindi lang basta-bastang exibit 'yon dahil ang exibit na 'yon ay dadaluhan rin ng mga kilalang photographer sa bansa, hindi ako makapaniwala na ininvite niya ako sa photo exibit niya. "Congrats, Ms. Lopez!"  Pumalakpak pa si Alicia na akala mo ay nanalo ako nang award. Napapakurap pa ako at binasa ko ng mabuti kung talaga ako ba ang nakalagay doon. Ako nga talaga. Napatili na lang ako dahil sa saya na naramdaman ko dahil sa wakas ay makakauwi ako nang pilipinas at na invite pa ako sa photo exibit na magaganap. "Ang swerte niyo po talaga, Ms. Lopez," sabi ni Alicia. "Hindi ako makapaniwala," sabi ko. "Maniwala kana, Ms. Lopez." "Mas maniniwala ka kung sino ang isa sa mga bigating invited dyan," sabi ni Leonardo. "Who?" "The CEO of Han company na kilalang-kilala sa buong bansa at ang fresh, gwapo at husband material na rin, Ms. Lopez. Si Mr. Jace Han!" kinikilig na sigaw ni Alicia. Biglang napawi ang ngiti ko nang marinig kong muli ang pangalan niya. Ang tagal na rin simula nang huli kong narinig ang name niya at sa balita ko pa 'yon narinig dahil sa successful nang project niya. A familiar heart beats na may kasamang excitment at the same time ay may halong kaba at takot. Hindi ko alam na mahilig na pala siyang pumunta sa mga photo exibit. Kung gaano kabilis magbago ang panahon at oras, gano'n rin kabilis magbago ang isang tao... Isa na doon si Jace Han, ang minsang sumuporta sa 'kin noon para sa pangarap ko at gano'n rin ako sa kaniya. But everything changed, went I left him without him knowing...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook