"Uulan ba?"
Napasulyap ako sa kalangitan upang tignan kung uulan ngayong araw. Night sky dull black ang kulay nang kalangitan ngayon, tahimik ngunit nagbabanta ng ulan, wala rin akong makita na kahit anong bituin sa kalangitan. Ang sabi kasi pag-walang bituin sa kalangitan ay may possibelidad na uulan, katulad na lang ngayon na mukhang uulan nga.
"Wala kang payong, 'no?"
Naalis ang tingin ko sa kalangitan at bumaling sa tabi ko. Nakatingin siya sa'kin habang umiinom nang banana milk.
"Oh."
Nilahad niya sa harapan ko ang inumin na C2 na siya mismo ang bumili. Kinuha ko 'yon at binuksan. Nandito na naman siya at tumatambay sa pinagtatrabahuhan ko dito sa convience store.
"Malay ko ba, hindi naman kasi ako weather forecaster," sabi ko sabay inom sa binili niyang C2 para sa'kin.
"You should always be ready, Lei. Don't worry ihahatid na lang kita," sabi niya at gumagalaw pa ang kanyang kilay, habang umiinom nang banana milk.
Tumango ako dahil sanay na naman ako na hinahatid niya ako.
"Hindi ba magagalit sa'yo ang girlfriend mo?" tanong ko, "Sus, alam ko naman na pinag-iinitan ako ng girlfriend mo kaya huwag na lang at kaya ko naman maghintay hanggang sa tumila ang ulan."
Kailan ba ang huli naming pagkikita nang girlfriend niya? Ah, kahapon na magkasama silang dalawa na pumasok sa school, tapos tinarayan ba naman ako nang girlfriend niya. Attitude. Hindi ko alam kung bakit ayaw no'n sa 'kin, nung una ay pakiramdam ko lang na ayaw niya sa'kin pero na confirm ko na rin nang sabihin ni Winston, ang kaibigan ko na bigla na lang pumunta dito sa convience store. Ang lalaking mahilig sa banana milk, na ayaw sa'kin ng girlfriend niya. One time kasi nag-away sila dahil sa'kin.
"We're over, kanina lang ay nakipag-break na ako sa kaniya," sabi niya.
Napahinto ako sa pag-inom sabay gulat na tumingin sa kaniya.
"Hiwalay na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Parang kailan lang sila pa ng girlfriend niya, tapos wala na sila? Ang bilis.
"Yeah, I don't like that kind of girl."
Hindi niya gusto?
"Ayaw mo sa kaniya pero naging girlfriend mo naman, g**o mo."
Ang g**o talaga ng lalaking ito. Hindi niya gusto pero naging girlfriend naman niya.
"Sayang naman kasi ang sexy ni Clara, kaya pinatulan ko na," sabi niya.
Napangiwi ako sa sagot niya. Manyak!
"Karmahin ka sana," pagsusumpa ko sa kaniya.
Humalakhak siya. Ginawa niya lang biro ang sinabi ko sa kaniya. Ang sabi nang iba ay malupit raw ang dinaranas kapag tinamaan ka ng karma.
"She doesn't like you, Lei. Ayoko naman na humantong sa dulo na pagpiliin niya ako sa inyong dalawa na hanggang sa magiging drama na. Ayoko ng gano'n at masasaktan ko lang siya lalo dahil ikaw ang pipiliin ko. Ilang taon na rin tayong magkaibigan at magkasama, habang siya sandali ko pa lang nakilala. Ang gusto ko ay 'yung gusto ka rin at kayang-kaya pakisamahan." Sabay tingin niya sa labas.
Napangiti ako sa sinabi ni Winston. Seryoso ang kaniyang mukha habang sinasabi niya 'yon sa 'kin kahit na nakatingin pa siya sa labas. Na-touch ako sa sinabi niya.
"Iiyak na ba ako?" birong tanong ko kay Winston.
Bumaling siya sa'kin at napangiwi ang kaniyang mukha.
"Alam ko naman na nakaka-touch ang sinabi ko pero ayoko nang makita kang umiyak, Lei. Tumutulo ang sipon mo." Sabay halakhak niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Ang kapal mo! Never tumulo ang sipon ko. Palibhasa umiihi ka sa short mo nung bata ka pa," pang-aasar ko rin sa kaniya.
Akala niya ah. Hindi ko siya gagantihan. Nakita ko na napairap siya dahil sa totoo naman kasi.
"Past is past, Lei. Pero tumutulo talaga ang sipon mo tuwing iiyak ka," pagpupumulit niya sa hindi namang nangyayari sa 'kin.
"Oh? Talaga? Gawa-gawa ka kwento!"
Pinaghahampas ko siya ngayon dahil panay ang sabi niya na tumutulo ang sipon ko tuwing umiiyak ako, na hindi naman nangyayari sa'kin. Saan naman niya nakuha ang ganong bagay? Sarili ko nga hindi ko nakikitang tumulo ang sipon ko, palibhasa umiihi kasi siya noon sa short niya sinabi ni Tita Charice sa 'kin, nung pumunta ako sa bahay niya. Natigil lang ang paghahampas ko sa kaniya nang may pumasok na costumer, kaya bumalik ako sa pwesto ko kanina, bago pa man ako guluhin nang lalaking 'yon.
"Pero sana Winston, hindi sa lahat nang oras ay ako ang piliin mo. Magi-guilty ako kung palagi mo na lang sinasakripisyo ang kaligayahan mo, dahil lang sa hindi ako gusto nang mga magiging girlfriend mo. Kailangan mo rin lumigaya lalo na at mahal na mahal mo ang naging girlfriend mo, kaya ko naman mag-adjust kung kinakailangan."
We have been best friends since high school 'till now that we are now in college. Same university kami pumapasok na dalawa, kaya madalas ay nakikita ko na lang si Winston na nasa harapan nang tinitirahan ko at naghihintay sa 'kin upang sabay kaming pumasok na dalawa. Siya ang naging kaibigan ko nang lumipat kami dito sa Davao, nung una talaga ay ilag ako sa kaniya noon dahil sa marami akong naririnig na mula sa kaniya na hindi maganda, katulad ng playboy siya at malakas rin mambully pero never akong naging isa sa mga nabubully niya, bagkus nilapitan niya ako at inalok niya ako na maging kaibigan ko daw siya. Kinilala ko muna siya hanggang sa lubos ko na siyang nakilala. Hindi siya gano'n kasamang tao tulad ng sinasabi nang iba. 'Yung mga binubully lang niya ay yung mga malalakas rin manbully noon sa school, pero playboy talaga siya. Sa dami niyang naging girlfriend, gano'n daw talaga pag-gwapo maraming naghahabol, but the same time ay mabait at gentelmen si Winston, may respeto rin siya sa mga babae sadyang loko-loko lang talaga ang lalaking 'yon.
"So? Kita na lang tayo bukas, Lei," sabi ni Winston habang nakahawak siya sa pintuan nang kotse niya.
Tumango ako at nagpasalamat na ako sa kaniya sa paghahatid sa 'kin. Hinintay ko na muna na umalis si Winston bago ako pumasok sa apartment ko na inupahan ni Ate Jasmine upang dito kami tumira. Bumungad sa 'kin ang madilim na paligid, kinapa ko sa gilid ang switch nang ilaw upang mabuksan ko. Bumungad sa 'kin ang napakatahimik na paligid, 'yung tipong walang sasalubong sa'yo dahil ikaw lang ang nandito sa apartment. Wala ang Ate Jasmine ko dahil may asawa na siya sa Japan. Sa Japan na nakatira si Ate Jasmine dahil nandoon ang kaniyang asawa at doon rin siya nagtatrabaho upang may pantustos ako sa pag-aaral, kahit na nag-asawa na si Ate Jasmine ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang dahilan kung bakit niya mas pinili na magtrabaho na lamang sa Japan. Ay 'yun ang may ipantustos ako sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo.
Nakakasama ko rin naman si Ate Jasmine tuwing umuuwi sila dito sa Pilipinas, katulad na lang nung nakaraang december, nakasama ko si Ate Jasmine kasama si Kuya Shintaro, ang kanyang napangasawa doon sa Japan. Katulong si Ate Jasmine sa Japan nang pamilya ni Kuya Shintaro. Noon kasi naghahanap si Aling Persia na pwedeng ipapalit sa katulong na umalis, naisip ni Aling Persia ang Ate Jasmine ko na ipalit doon sa katulong na umalis. Sinabihan niya si Ate Jasmine kung gusto niyang makapagtrabaho sa Japan na agad namang pumayag si Ate Jasmine, dahil sabi niya ay makakatulong ito para may pantustos ako sa kolehiyo kaya pumayag agad si Ate at inayos ang mga papeles na dadalhin upang makapunta siya sa Japan katulad nang VISA pati na rin ang passport. Nung una ay pinipigilan ko pa si Ate Jasmine na huwag nang umalis, dahil sa mga naririnig at napapanood ko na sinsaktan ang mga OFW nang sarili nilang amo, at ayokong mangyari sa Ate ko 'yon dahil siya na lang ang pamilya ko at mahal na mahal ko ang Ate ko, tapos sasaktan lang ng mga walang pusong tao sa ibang bansa. Pero pinaliwanag ni Ate Jasmine na makakatulog ang pagtrabaho niya sa ibang bansa upang may pambili ako ng mga kailangan ko sa kolehiyo. Sinabi rin ni Aling Persia na hindi naman masama ang ugali nang amo niya at matagal na siya doon, kaya kilala na niya na ang magiging amo ni Ate Jasmine. Pumayag na rin ako hanggang sa umalis na si Ate Jasmine at pumunta na ng Japan upang magtrabaho.
Ang pamilya ni Kuya Shintaro ang napasukan ni Ate Jasmine bilang isang katulong dahil na rin sa tulong ni Aling Persia na doon rin nagtatrabaho. Akalain mo na magiging asawa niya si Kuya Shintaro na anak ng amo ni Ate Jasmine. Ang sabi ni Ate Jasmine ay maayos ang pakikitungo sa kaniya at hindi against ang parents ni Kuya Shintaro, kaya madali na lang para sa kanila na aminin ang relasyon nilang dalawa na hindi kalaunan ay nagpakasal rin. Bago sila na magpakasal ay nakilala ko muna si Kuya Shintaro bago ko binigay sa kaniya ang pinakamamahal na Ate ko, at nakasigurado naman ako na mahal na mahal ni Kuya Shintaro si Ate Jasmine dahil kita naman sa kilos niya at sa tuwing tumitingin siya kay Ate Jasmine.
Si Ate Jasmine na lamang ang natitira kong pamilya. Bata pa lang ako ng mamatay ang magulang namin. Si Papa na may sakit na leukemia at dahil sa mahirap ng buhay namin ay napabayad ang sakit ni Papa na humantong sa pagkamatay ni Papa dahil lumala na rin ang sakit ni Papa, habang si Mama naman ay nabaril ng pulis dahil nagkaroon nang-raid sa lugar, kung saan nagbebenta si Mama ng pinagbabawal na gamot. Ang sabi sa amin ay nanlaban si Mama kaya siya binaril. Simula no'n ay naiwan na lang kaming dalawa ni Ate Jasmine. Meron pa kaming kamag-anak si Tita Vilma, kaso malas talaga kami dahil akala namin ni Ate Jasmine ay mapapabuti na ang buhay namin kay Tita Vilma, 'yon pala ay nagbabalak si Tita na ibinenta lang kami sa pinagkautangan niya ng malaki, upang magtrabaho sa illegal na club na nagbibigay nang aliw, ngunit hindi iyon natuloy dahil na raid ang bar na 'yon. May mga menor de edad ang nagtatrabaho doon hanggang sa hindi na natuloy at hindi na rin kami bumalik sa puder ni Tita Vilma, hanggang sa malaman na lang namin na katulad nang nangyari kay Mama ay ganoon rin ang nangyari kay Tita Vilma. Nabaril rin siya dahil sa pagbebenta nang bawal na gamot.
"Bakit ang tagal mo yatang sagutin ang video call ko, Lei?" tanong ni Ate Jasmine sa 'kin.
Nilapag muna ang niluto kong pancit canton upang maging pagkain ko ngayong gabi.
"Kakauwi ko lang kanina, Ate, tapos nagluluto ako nang makakain ko."
Pinakita ko pa kay Ate Jasmine ang pagkain ko ngayong gabi, wala na kasi akong oras para makapagluto pa dahil may kailangan pa akong matapos na project kung gusto kong makapasa ngayong taon.
"Puro na lang 'yan ang kinakain mo, hindi healthy 'yan," panenermon ni Ate Jasmine.
"Hindi ko naman inaaraw-araw ang pagkain nito, Ate, kaya don't worry... Tara kain, Ate."
Sinimulan ko ng kumain habang nakatingin si Ate Jasmine sa 'kin. Tango-tango lang si Ate Jasmine at panay ang bilin niya sa'kin, about sa pag-aaral ko as if naman pinababayaan ko ang pag-aaral ko. Syempre hindi, nagpapakapagod si Ate Jasmine sa pagtatrabaho sa ibang bansa para sa pag-aaral ko, tapos ang ibabalik ko lang ay pinabayaan ko ang pag-aaral ko? Syempre hindi! Magtatapos talaga ako lalo na at gustong-gusto ko ang kurso ko.
I'm taking a bachelor of arts in photography at second year na ako sa college, kung papalarin na pumasa ngayong taon ay magiging third year na ako. I'll make sure that I will passing to third year college, and I claming it!
"May sasabihin pala ako sa'yo, Leila."
"Hmm?" Napatingin ako muli kay Ate Jasmine. "Hindi naman siguro masama 'yan, Ate, 'diba?" paninigurado ko.
Natawa naman doon si Ate. "Sira! Syempre hindi."
Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. "So? Ano nga, Ate?"
Uminom pa ako nang tubig habang nakatingin kay Ate Jasmine na bigla na lamang tumahimik. Kinabahan tuloy ako dahil sa katahimikan ni Ate Jasmine.
"May nangyari ba, Ate Jasmine?" tanong ko na may halong kaba sa boses ko.
Hindi ko kasi gusto ako pananahimik niya na kanina lang ay tumawa pa siya, tapos bigla na lamang magiging seryoso na may halo pangkinakabahan ang itsura ni Ate Jasmine.
Maya-maya lang ay gumihit ang magandang ngiti ni Ate Jasmine na nagpapahiwatig na maganda ang dala niyang balita sa'kin.
"Magkaka-anak na ako, Lei!"
Aakmang susubo pa sana ako nang pagkain nang napahinto ako at nanlaki ang mata kong bumaling kay Ate Jasmine. Tama ba ang narinig ko na mula sa kaniya?
"Magkaka-pamangkin na ako, Ate?!" gulat na saad ko.
Masayang tinango ni Ate Jasmine ang kanyang ulo habang malaki ang kaniyang ngiti.
Madadag-dagan na ang pamilya namin. Magkakaroon na ng anak si Ate,tapos magiging Tita na ako.
"Kailan mo pa nalaman, Ate?"
"Kahapon lang, nung nag-test ako upang makasigurado kami kung buntis nga ba ako. At sa awa nang d'yos, Lei. It's positive, Lei!"
Napatakip ako sa bibig ko at namilog ang dalawang mata ko nang ipakita ni Ate Jasmine ang pregnancy test na hawak-hawak niya. Dalawang pulang guhit ang nakalagay doon at ang ibig sabihin no'n ay positive! May laman na nga ang tyan ni Ate Jasmine.
"Dapat mag-ingat kana, Ate. Simula ngayon," paalala ko.
"Yeah, hindi naman ako gano'n kagalaw-gaw katulad mo."
Talagang inasar pa ako ni Ate Jasmine. Napaismid tuloy ako sa kaniya.
"Excited na ako sa pamangkin ko, Ate," ani ko na may kasamang kasiyahan sa tono ng boses ko.
"Maski si Shin excited na sa anak namin at dahil sa kaka-excite niya. Gusto niya akong huwag na magtrabaho at manatili na lang raw ako sa bahay, siya na ang bahala sa lahat."
"Kung 'yan naman ang makakabuti para hindi kayo mapahamak, Ate. Why not, 'diba?"
Tama naman si Kuya Shintaro sa sinabi niya kung alam niya naman na doon lang magiging ligtas sina Ate at ang baby na nasa tummy ni Ate. Bakit hindi, 'diba?
"Hindi ako pumayag kaya ayon, nagtampo siya. Paano ang gastusin mo dyan? Pati 'yung pambayad mo next year, kaya kung hihinto ako sa pagtatrabaho ay baka hindi ka makapag-enrol next year," sabi ni Ate Jasmine.
Inaalala talaga ni Ate ang pag-aaral ko pero iba na ngayon dahil magkaka-baby na sila.
"Ako ng bahala doon, Ate. Kaya ko naman maghanap pa nang trabaho dahil malapit na rin naman mag-vacation. Edi magtatrabaho na lang ako para maka-ipon sa babayaran ko next year. O, 'diba? Hindi mo na need na magtrabaho, Ate."
Natuto na rin kasi akong mag-ipon simula nang kami na lamang ni Ate Jasmine, at wala ng parents na aalalayan kaming dalawa ni Ate, kahit na hindi nakapag-tapos nang kolehiyo si Ate Jasmine. Kaya ang gusto ni Ate na ako makapagtapos ako nang kolehiyo at humanap nang magandang trabaho.
"Ayan ang hindi mo pwedeng gawin, Lei. Bukod sa mapapabayaan mo ang sarili mo, ay baka isipin mo na lang na magtrabaho na lang at hindi mag-aral, oras na masanay kana sa trabaho. Hindi nga ako na pumayag na magtrabaho sa convience store dahil para saan pa kung nagtatrabaho ako dito sa Japan, 'diba? Ang gusto ko ay magpokus ka sa pag-aaral mo."
Hindi agad ako nakasagot at napakamot ako sa ulo ko. Pinilit ko lang si Ate Jasmine na payagan ako na magtrabaho doon sa pinagtatrabahuhan ko, upang makatulong rin kay Ate Jasmine at hindi lang umasa kay Ate Jasmine.
"Next year pa naman, Ate, kaya makakaipon pa ako nang pambayad nang tuiton fee," sambit ko.
"Kahit na. Hindi pa naman gano'n kalaki ang tyan ko at kaya ko pa naman magtrabaho, saka ako hihinto once na mga nasa dalawang buwan na ang tyan ko," pinal na sabi niya.
"Baka naman pag-awayan niyo 'yan ni Kuya Shintaro, Ate."
Ayoko naman na ako ang pagmulan nila ng pag-aaway.
Umiling si Ate na para bang nanigurado siya. "Hindi, nasabi ko na rin kay Shin na hindi ako hihinto sa trabaho dahil hindi naman pa gano'n kalaki ang tyan ko at kaya ko pa naman. Alam mo na? Hindi niya ako matitiis pero nangako ako na mag-double ingat nga lang."
Pinal na talaga ang desisyon ni Ate at wala na akong magagawa pa doon.
"Basta mag-ingat ka, Ate, ah," paalala ko.
Tinango ni Ate Jasmine ang kanyang ulo at pinagpatuloy namin ni Ate ang kwentuhan habang kumakain ako. Ang mga in-laws niya ay natutuwa rin dahil sa buntis na si Ate Jasmine. Tuwang-tuwa raw ang mga ito at nagbigay na agad nang pangalan kahit na hindi pa alam kung anong gender nang anak nina Ate Jasmine at Kuya Shintaro, dahil maaga pa naman. Tumagal pa ang pag-uusap namin ni Ate hanggang sa magpaalam na ako na inaatok na ako, kumaway pa ako kay Ate bago ko i-end ang call. Tumayo na ako at sinama ko na rin ang pinagkainan ko at hinugasan. Pumasok na ako sa loob nang kwarto, kumuha ako nang damit na ipapalit sa suot-suot ko mula pa kanina. Naglinis ng katawan upang makaramdam ako ng presko sa katawan ko, habang natutulog. Pinatay ko na rin ang ilaw at binuksan ang lamp shade na camera style dito sa tabi ko. Inayos ang kumot sa katawan ko at saka ako unting-unti pumikit. May pasok pa ako bukas at bawal ang malate.