Captured 2

4185 Words
"S**t! I'm sorry If I didn't fetch you earlier. Late na akong nagising, Lei." Bigla-bigla na lang siya bumungad sa harapan ko at dahil sumulpot na lang siya bigla. Muntikan ko pa siyang mabugahan ng orange juice sa ginagawa niya at ngayon ay nagso-sorry siya sa'kin. "Kung ano-ano pa kasi ang ginagawa mo, muntikan pa akong malate sa major subject ko dahil sa'yo," sabi ko at sineryoso ko ang boses ko, upang kapani-paniwala ang galit ko sa kaniya, pero binibiro ko lang siya. Wala naman sa'kin kung hindi niya ako nasundo, hindi ko naman siya driver at hindi niya rin tungkulin 'yon. Sadyang gusto niya lang talaga akong makasabay tuiwng papasok na kami. Nakita ko naman na gumihit sa mukha niya ang guilt dahil sa sinabi ko, habang ako ay pigil ang tawa upang hindi niya mahalata na binibiroko lang siya. Kumagat pa ako sa sandwich na binili ko habang nakatingin sa kaniya. "I'm sorry, Lei, babawi na lang ako," sabi niya at sinseridad siya doon. "Talaga?" paninigurado ko. Tinago niya ang kaniyang ulo at parang bata na sumagot. "Oo, promise" At nanunumpa pa talaga siya sa harapan ko. "Paano kung sabihin kong..." Sinilip ko pa siya at talagang hinintay niya kung ano ang sasabihin ko. "...Tumalon ka sa building, tapos huwag kang mamatay. Gagawin mo?" "Ano?!" Hindi makapaniwalang wika niya. "Seryoso ka ba dyan? Lei, naman! Seryoso kasi!" Ramdam ko na nagpapadyak ang dalawa niya paa sa ilalim nang table. "Seryoso ako, tingin mo ba sa'kin ay nagbibiro? At isa pa akala ko ba ay gagawin mo ang lahat?" Napahalukipkip ako sa harapan niya. "Talk s**t ka pala." "Lei, alam mo ba kung gaano kataas ang babagsakan ko?" tanong niya. Alam ko 'yon. "Mula six floor hanggang dito ay siguradong lasuglasug ang buto ko, tapos gusto mo ay hindi ako mamatay? Okay ka lang? Maki-critikal muna ako bago mamatay." "Ang dami mong sinabi. Sabihin mo na lang na ayaw mo, tapos!" Binalik ko ang attention ko sa pagkain ko na inabala niya. Pasimple ko siyang sinilip at nakatingin ito sa'kin. Tahimik ito at mukhang nag-iisip kung ano ang gagawin niya, upang mapatawad ko siya. "Okay, fine! Gagawin ko na!" Napatingin ako sa kaniya at tumayo siya. Talagang gagawin niya 'yon? Sira talaga ang lalaking 'to! Bago pa man siya makaalis dito sa table ay humalakhak ako. Hindi ko na napigilan na humalakhak sa kaniya. Nakita ko naman na nagsalubong ang kaniyang kilay at nakatingin sa'kin na tinatawanan siya. "Umupo kana... Hahaha... Joke lang 'yon," natatawang sabi ko sa kaniya at sinenyasan ko siyang umupo na muli. Umupo rin siya ulit. "Hindi na kita hinintay nang ilang oras na wala ka pa rin." Maaga naman kasi akong nagising kanina, halos ten minutes lang akong naghintay sa kaniya katulad nga nang sinabi niya na hintayin ko siya. Sa loob ng ten minutes ay wala pa rin siya, madalas kasi na paglabas ko pa lang nang apartment na tinitirahan ko ay nandoon na agad siya kaya no'ng wala pa siya ay nagdesisyon na ako na umalis na at sumakay na lamang nang jeep upang makarating sa school. Sinandal niya ang kanyang likuran sa sandalan ng upuan at humalikipkip ang kaniyang kamay sa harapan ko. "Nagi-guilty na nga ako dito, tapos nagawa mo pang-biruin ako, Grabe kana!" malakas na sigaw niya sa'kin dahilan para mapatingin ang katulad naming student dito sa school. Naagaw niya lahat ang attention na nandito. "Ano ka ba?!" Tumayo ako bahagya at inabot ko siya, sabay palo sa balikat niya dahil gumagawa siya nang eksena dito sa cafeteria. "Nakatingin na sila ngayon sa ating dalawa dahil sa sigaw mo." Tumingin siya at nakita niya na nakatingin sa pwesto namin ang lahat ng studet na nandito, ngunit imbes na mahiya ay binalewala niya lamang at bumalik ang tingin niya sa'kin. "Don't mind them. Ilibre mo na ako na lang ako," sabi niya, na parang hari siya kung makautos sa'kin. "Ah! Ano? At bakit naman kita ililibre? Baka nakakalimutan mo ikaw ang mayaman sa 'ting dalawa, ang kuripot mo naman po." Napairap pa ako sabay inon nang orange juice. Napakagaling naman pala nang isang ito. Ako pa talaga ang manlilibre sa kaniya. Eh, siya itong mayaman sa aming dalawa. Umiiral na naman ang kakuriputan niya. "May kasalanan ka sa'kin dahil sa biniro mo ako," sabi niya at pinapamukha niya talaga sa'kin na ako ang may kasalanan. Siya nga itong hindi tumupad sa usapan. Bahagya akong natawa sa sinabi niya sabay baba nang hawak-hawak kong baso. "Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon?" Tinuro ko pa ang sarili ko. "Mas malaki ang kasalanan mo. Sino kaya sa ating dalawa ang nagsabi na hintayin ko raw siya para sabay kaming pumasok, tapos hindi naman pala tinupad ang sinabi." Pinamumukha ko talaga sa kaniya kung sino ang may kasalanan sa aming dalawa. "Fine, fine. Ang kuripot mo, Lei," sabi niya at maya-maya lang ay tumayo na siya upang bumili nang sariling pagkain niya. Napamaang ako at hindi makapaniwala sa kaniya. Ako pa talaga ang kuripot? Siya nga itong kuripot!. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko nang sandwich kesa intindihin ang ugali ng isang 'yon, pero bago pa ako makakagat ay napako ang tingin ko sa upuan. Bahagya kong binaba ang hawak kong sandwich at tsaka ko kinuha ang wallet niyang hindi niya namalayan na nahulog sa inupuan niya. "Ang lakas pumila nang walang dalang wallet." Tumingin pa ako sa harapan kung saan nandoon nakapila si Winston upang makabili nang pagkain. Nakikipagdaldalan pa siya sa mga kakilala niya, pero hindi manlang niya naisip na wala ang wallet niya sa bulsa. Burara! Palibhasa madali lang sa kaniya na palitan ang mga credit cards niya, once na mawala ang pitaka niya. Tumayo ako upang puntahan si Winston na walang kamalay-malay na wala ang wallet niya, "Oh, my gosh! I'm sorry!" Bahagya akong napalayo pero huli na dahil natapunan na ako nang Ice tea niya sa uniform ko. Napatingin ako sa uniform ko at nakita ko na nabasa ang bandang itaas ng laylayan ng uniform ko. Hindi ko napansin na may makasalubong pala ako dahil nasa pitaka ni Winston ako nakatingin. Bumaling ako sa babae at nakita ko pag-alala sa mga mata niya. Ngumiti ako at umiling. "Okay lang, kasalanan ko rin." "I'm sorry, pwede ko naman ipalaba 'yang uniform mo," sabi niya. "Hindi na, kaya ko naman." Bakit kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko? Naman, eh! "Sorry talaga," sabi niya at ngumiti lang ako. "Wait, I get you some tissue. Tumango na lang ako at hindi ko na siya pinigilan sa nais niya. Tumalikod siya sa'kin dahil nais niyang kumuha nang tissue para pampunas dito sa basa na nasa uniform ko. Tinignan kong muli ang basa sa uniform ko. Paano na? Wala pa naman akong pamalit. Ang malas mo talaga, Leila! Papasok kang basa ang uniform? Pagtatawanan ka nila. Hinawakan ko ang laylayan nang uniform ko at pinagpagan ko 'yon. Basa talaga siya, bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, Lei? Ayan tuloy, ngunit naagaw nang isang picture ang pagsisisi ko sa sarili ko dahil familiar ang mukha na nasa picture. ang paningin ko sa uniform ko nang may. Nahulog siguro no'ng babae nang hindi niya namamalayan. Yumuko ako upang kunin ang picture na nahulog. Nang makuha ko ay unting-unti ko nang nasilayan ang mukha ng tao na nasa picture. Ang kanyang maikling buhok na natural ang itim, kilay niyang hindi gano'ng kakapal. Ang kanyang mata na malalim kung tumingin dito sa picture na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao mo, pilik mata niya na hindi gano'n kahaba, natural ang pagkatangos ng kanyang ilong na namana niya mula kay Tito Gio. Napababa ang tingin ko mula sa kanyang labi na natural lang ang pagkapula. Hindi siya nakangiti dito sa school at kung hindi ako nagkakamali ay kinuha siyang model at ang tema nito ay tungkol sa sports. Nakasuot siya nang jersery na kulay green at sa kaliwang kamay niya ay may hawak-hawak siyang bola na pang-basketball, green basketball short, and white sport pair of shoes. Ang attractive niya sa picture lalo na ang mata niya. Ang kanyang mga mata na akala mo ay kinakausap ako kung makatingin. Titig na titig ako sa larawan at naramdaman ko na lang na ang bilis na pala nang t***k ng puso ko, habang nakatingin sa larawan niya. na ngpabilis ng t***k nang puso ko ngayon. Wala sa sarili kong naibulong ang pangalan niya na buong buhay kong hindi kinalimutan. "Jace..." Napangiti na lang ako sa picture niya. Hindi ko inaasahan na makikita kong muli ang itsura niya kahit na nasa picture lang. Once ko lang kasing makita si Jace na nasa balita at madalas ay narinig ko lang ang name niya sa mga tao na humanganga sa kaniya, at pati na rin sa pamilya niya. Aware naman ako na kilala nang lahat si Jace dahil sobrang attractive ang itsura niya na para bang mapapasabi ka na lang na. Tao ba siya? Gano'n! Ganoon ang naririnig ko sa iba na tinatawanan ko lang dahil sa sobra nilang hinahangaan si Jace. At isa rin ako sa mga tao na humahanga kay Jace noon pa man. "Lei! Are you okay?" rinig kong tanong ni Winston. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya dahil ang buong attention ko ay nasa picture ni Jace. "Ha?" "I'm asking you if you are okay," saad niya at bumaba ang tingin niya sa hawak ko, na sinundan ko rin. "Do know him, Lie?" Napangiti ako at napatango na lang. Kilalang-kilala ko siya. "Hala! Nahulog ko pala 'yan." Sa isang iglap ay nasa babae ng muli ang photo card ni Jace. Nakatigin ako sa ginagawa niya at maingat niya itong pinupunsan gamit ang kamay niya na para bang may dumi sa picture, hinipan niya rin ang picture upang makasiguro siya na natanggal ang dumi sa picture. Halatang-halata mo na maiingat siya sa picture ni Jace "Si Jace Han 'yan diba?" Hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa? Obvious naman na si Jace 'yon. Napabaling ang babae sa'kin at nakita ko pa nilagay niya sa bag niya ang picture ni Jace. "Yeah, kilala mo pala si Jace," magiliw na sabi niya. Tumango ako. "Lahat naman yata kilala siya." "I agree. Galing kasi siya sa pamilyang kilalang-kilala lalo na sa business world, tapos super gwapo pa niya," sabi niya habang kinikilig. "Heto na pala 'yong tissue, sorry again, ah." Kinuha ko ito at ngumiti lang sa kaniya. Tumalikod na siya at umalis na sa harapan ko dala-dala ang picture ang picture ni Jace. "Kilala mo pala si Jace," sabi ni Winston. Napabaling ako kay Winston na nakatingin sa'kin. "Oo, kilalang-kilala," sabi ko habang pinupunasan ko ang uniform ko. "Kilalang-kilala? What do you mean by that?" tanong niya. "Naalala mo ba'yong kinukwento ko sa'yo na lalaki na tuwing weekends ay nakakasama ko siya at namamasyal kami noon, bago pa kami lumipat ni Ate Jasmine dito sa Davao. Si Jace Han ang tinutukoy ko sa kwento," sambit ko. Naikwento ko na kasi sa kaniya noon na bago ko pa siya maging best friend ay may nauna na sa kaniya, at 'yon ay si Jace na nakakasama ko noon mula bata pa kaming dalawa. Tumira kasi kami ni Ate Jasmine sa bahay nila dahil si Tita Krisha. Ang Mommy ni Jace ay ang police at ang team nito ang tumulong sa amin ni Ate Jasmine, sila kasi ang nang-raid noon sa bar kung saan binenta kami ni Tita Vilma. Si Tita Krisha ang tumulong at kumupkop sa amin nang limang taon, nalaman niya kasi na wala na kaming mapupuntahan kaya nag-alok na lang si Tita Krisha na maniharan na lang kami ni Ate sa bahay nila. Hindi naman libre ang pagtira namin doon, naki-usap si Ate Jasmine na maging katulong na lang sa bahay, habang doon kami tumitira ni Ate Jasmine. Tapos nakilala ko ang panganay ni Tita Krisha na si Jace Han, ang batang pinaglihi yata sa black angry bird dahil panay ang pagsasalubong nang kilay. Hindi naging magandaa ang pakikitungo noon sa akin ni Jace, tipong ang sama-sama niyang bata at palagi niya akong pinapaiiyak noon, kaya madalas ay napapagalitan siya ni Tita Krisha dahil sa pambubully na ginagawa niya sa'kin. Pero hindi nagtagal ay naging kaibigan ko na siya. I mean, first bestfriend and first crush. Si Jace kasi minsan ang nagpo-protekta sa'kin sa school dahil madalas ay binubully ako na hindi ako nababagay sa school nila. They critisim my life for being a poor child. Puro kasi mayayaman ang nandoon, kaya ang iba ay ayaw sa akin doon. Kaya si Jace ay palagi nasa tabi ko tuwing may gustong mambully sa'kin. Pero kinailangan namin ni Ate Jasmine na bumukod na sa kanila at hindi panghabang buhay na nandoon kami. Umalis kami sa puder nina Tita Krisha at Tito Gio at pumunta nang Cebu dahil may nag-alok nang trabaho kay Ate Jasmine bilang isang sales lady, kaya doon kami umupa ng bahay. Hindi naman kami nawalan nang connection ni Jace, tuwing weekends at walang pasok ay namamasyal kami ni Jace, kasama naman namin no'n yung driver at tsaka yaya ni Jace hanggang grade 9 tumagal ang ganoong rountine namin ni Jace. Pero no'ng nag-grade 10 ako ay lumipat kami sa Davao dahil pinaalis kami kasi nalilate sa pagbayad si Ate Jasmine, nagsho-short rin kasi si Ate Jasmine sa pera. Kaya lumipat na lang kami sa Davao dahil may kaibigan si Ate Jasmine doon at inalok rin siya na magtrabaho sa isang fast food chain, hanggang sa tuluyan ng naputol ang communication namin ni Jace hanggang ngayon. Hindi ko manlang nagawang makapag-paalam sa kaniya dahil kailangan namin na lumipat na. "You mean your crush? Jace is your crush, right? Kaya madalas mong sabihin sa nagbabalak na ligawan ka ay may iba ka ng gusto, dahil ang gusto mo lang ay yung childhood best friend mo," sabi ni Winston. Tumango ako dahil naalala niya ang sinabi ko sa kaniya. "Shh... Baka may makarinig sa'yo, huwag kang masyadong malakas ang boses, Winston," sita ko sa kaniya. Nakakatakot kung may makaalam na may crush ako kay Jace at baka dumugin ako, narito pa kasi kami ni Winston sa cafeteria kung saan maraming student at baka mamaya marinig nila. Ayoko naman mapag-usap dito sa university. "Kakangiti mo dyaan, mapunit ang labi mo," sabi ni Winston, nang mapansin niya na sobra akong makangiti. Happy ako, eh. Happy ako na makita ko siya kahit na sa picture lang. "May extra kang plain t-shirt? Wala kasi akong pamalit." sabi ko at iniba ko na ang topic naming dalawa. Nakalimutan ko pa na basa pala ang uniform ko dahil kakaisip kay Jace. "I have," he said. "Let's go. Hintayin mo na lang ako sa labas nang locker room." Tumango ako, kinuha ko na muna ang bag ko doon sa inuupuan ko kanina at sabay kaming dalawa na lumakad papunta sa locker room niya. Naiwan ako mag-isa sa labas dahil hindi ako pwede doon. Panlalaking locker room 'yon at baka kung ano pang makita ko doon, kaya hanggang dito lang ako. Hindi rin naman nagtagal si Winston sa loob at lumabas na rin siya. Binigay niya sa'kin ang t-shirt na meron siya. T-shirt na lang ang ipampapalit ko dito kesa uniform niya, dahil hindi pwede at may nakalagay na name sa bawat uniform namin pati na rin logo kung anong kurso mo. Mamaya pagkamalan pa akong namali ang kurso na pinasok ko. Pumunta na ako sa CR upang makapagpalit na ako at may susunod pa akong subject. Malaki sakin 'yong t-shirt ni Winston, pero okay na ito kesa naman sa basa kong uniform. "Are you out of your mind?!" Namatigil ako sa paghugas nang kamay nang madinig ko ang galit na sigaw ni Winston. Dinig na dinig ko ang boses ni Winston mula dito sa loob. May kaaway ba siya? Humila muna ako nang tissue upang ipunas sa kamay ko at tsaka ko binuksan ang pinto ng CR, upang makalabas na ako at malaman kung sino ang kaaway ni Winston. Bumungad sa'kin ang dalawang tao na nasa gilid nang CR. Nakatalikod si Winston sa'kin kaya hindi niya alam na lumabas na ako. Napabaling ako sa isang tao na nasa harapan ni Winston. Napako ang tingin ko dahil si Clara ang nasa harapan ni Winston at hindi lang siya basta nakatayo sa harapan. Umiiyak rin siya. Si Clara ang girlfriend ni Winston na ayaw sa'kin. "Kaya ba hiniwalayan mo ako dahil dyan sa babaeng 'yan, ah?!" Dinuro niya pa ako. Napahawak ako sa dibdib ko. "Bakit ako? Labas na ako dyan." Nagulat ako nang bigla niya na lang ako sinisisi sa hiwalayan nila. "Stop it, Clara! You know in the first place that I don't take a serious relationship." Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Clara na mula sa nasasaktan niyang dalawang mata. Kitang-kita ko kung papaano siya nasasaktan sa sinabi ni Winston. Matatalim na tingin ang binigay niya sa'kin na para bang pinamumukha niya sa'kin na ako talaga ang may kasalanan. "I was serious about you, Win..." Inalis niya ang tingin niya sa'kin at bumaling ito kay Winston na walang kahit anong reaction sa mukha. Lumapit pa ito at hinawakan ang kamay ni Winston. She was plea to Winston upang bumalik lang sa kaniya. Kitang-kita ko kung papaano manginig ang kaniyang labi habang sinasabi 'yon kay Winston. "Then, I'm sorry but I wasn't serious about you, please stop this nonsense, Clara." Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Clara sa isang kamay niya at tsaka humarap sa'kin. Sa harapan ni Clara ay hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko na napatingin doon si Clara. "Let's go, Lei, baka malate ka pa sa next subject mo." Hinatak niya na ako paalis doon pero sa huling pagkakataon ay nakita ko kung papaano tumulong muli ang luha niya. Naiwan siya mag-isa doon and I feel bad for her dahil nagkagusto siya dito sa lalaking ito. "Sandali nga!" Inis kong hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kumukulo ang dugo dahil sa inis sa kaniya. Kailangan niya ba talaga saktan nang gano'n si Clara? Hindi ba siya aware sa feelings ni Clara, para sa kaniya. Napahawak ako sa magkabilang bewang ko dahil hindi ko alam kung bakit ang sama niya kay Clara. "Mr. Winston Rivera, baka gusto mo naman mag-sorry sa babaeng sinaktan mo?" Tinaasan ko pa siya nang kilay. Napahawak siya sa batok niya. "Nakapag-sorry na kaya ako. Hindi mo ba narinig?" tanong niya. Napataas lalo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko naman na nag-sorry siya pero 'yong maayos naman hindi 'yong bara-bara lang na sorry. "Pag-ikaw talaga kinarma. Tatawanan kita," sabi ko. Hinihiling ko sa maykapal na sana ay dumating na ang karma ni Winston, para naman madala ang lalaking ito. "Kinakarma na ako, Lei," sabi niya. "Talaga? Bakit hindi ko naman nakita na kinarma kana?" sarkastikong tanong sa kaniya. Baka naman free trail lang ang karma na dumating sa kaniya, kaya wala lang sa kaniya 'yon. "Huwag mo nang intindihin 'yon. Halika na at baka malate ka pa." Inayos niya pa ang bag ko sa balikat ko. "Kaya kong pumunta mag-isa sa building, kaya akin na ang bag ko at ikaw naman ay bumalik ka doon at mag-sorry ka ng maayos kay Clara," sambit ko at kinuha Inirapan ko na lang siya at tumalikod na ako dahil magkaiba kami ng kurso na dalawa. Engineering siya kaya sa kabilang building siya. Nagsimula na akong lumakad papunta sa next subject ko. Nang makarating ako ay umupo ako sa upuan ko at isa-isa nang pumasok ang mga kaklase ko. Nilabas ko ang notebook dahil madalas ay nagpapa-take note ang prof namin sa subject namin ngayon. "Balita ko umiyak raw si Clara dahil hiwalay na sila ni Winston." Naagaw ang pansin ko sa mga nag-uusap ngayon sa gilid ko, lumingon ako sa kanila at nakita ko sina Cindy at ang dalawa niya pangkaibigan na nakatingin sa'kin ngayon. Tinaasan ako nang kilay ni Cindy nang magkasalubong ang aming tingin. Si Cindy, pinsan siya ni Clara. "Yeah, they broke up and guess what? Because of this difficult woman named Leila is the reason, why did broke up. Masyado kasing papansin sa relasyon nila," pagpaparinig niya sa'kin. "OMG! Dahil lang sa kaniya kaya naghiwalay ang dalawa? My god!" Kim rolled her eyes on me. "Baka naman kasi may gusto si Leila kay Winston at hindi lang kaibigan ang tingin niya kay Winston," sabi naman ni Julia. Sari-saring opion at fake news ang sinasabi nila ngayon na naririnig ngayon ng mga kaklase namin. Napatingin ako sa paligid at tama nga ako lahat sila ay nakikinig sa mga sinasabi nang tatlong 'yon. "Hindi na ako nag-eexpect na pati sa school ay may mga groupo ni Marites," nakangiting saad ko sa tatlo. "What?" tanong ni Cindy. "Well? Masyado kasi kayong lates sa mga balita, pero pati yata fake news gumagawa kayo," sambit ko sa mababang boses. Nakita ko kung papaano sumama ang itsura ni Cindy. Hindi niya yata ineexpect na sasagutin ko na sila. Kung noon ay hinahayaan ko lang sila na sabihan ako nang kung ano-ano, dahil daw baka inaakit ko si Winston kaya hindi magawang lumayo sa'kin ni Winston o di kaya ginagayuma ko raw at kung ano-ano pa. Pwes! Ngayon hindi na dahil nawiwili sila sa mga sinasabi nilang hindi naman totoo. "What are you talking about? Are you referring to yourself as a Marites," she said. Humalakhak naman ako sa sinabi niya na naging dahilan upang mas lalong sumama ang mga mukha nila. "Next time kasi h'wag puro sosyal ang mga tinitignan niyo sa social media niyo o di kaya h'wag puro pampa-arte ang tinignan niyo. Try niyo kaya ang iba para naman hindi kayo nagmumukhang tanga," saad ko. "You!" Nangangalaiti sa galit si Cindy ngayon at maski ang dalawa niyang epal na kaibigan. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at tsaka ako humalikipkip bago ko sinandal ang likuran ko sa sandalan dito sa inuupuan ko, at muli akong tumingin sa kanila nang seryoso na. "Next time bago kayo magsalita nang kung ano-ano sa akin, alamin niyo muna. Hindi 'yung bigla-bigla niyo na lang ibubuka ang bibig niyo at magsasabi kayo nang hindi tama. Think before you speak, Cindy and her company." "Why? Totoo naman, 'diba? Dahil naman sa'yo kaya naghiwalay si Clara at si Winston," sabi ni Julia na akala mo ay alam ang lahat. Tinignan ko siya at nakita ko kung paano siya umiwas nang tingin sa'kin, pero taas noo pa rin siya. "Sure ka ba?" hamon na tanong ko sa kaniya. "Bakit ang tapang mo naman?" tanong ni Cindy sa'kin dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Ikaw naman talaga ang may dahilan kung bakit ngayon umiiyak ang pinsan ko. Dahil sa'yo kaya nakipaghiwalay si Winston sa kaniya kasi nga ayaw ni Clara na lumalapit ka sa boyfriend niya." Alam ko ang bagay na 'yan. Bakit ba kasi napapasok ako sa g**o? "Akala mo kung sinong huwarang pinsan," wika ko dahilan upang maguluhan siya. "What?!" matigas niyang ingles. "Huwag kang magpanggap na para kang isang mabait at huwarang pinsan ni Clara, eh. Peke ka naman." Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase namin pagkatapos kong sabihin 'yon. Kitang-kita ko kung papano nagbago ang reaction ni Cindy, para siyang nabibilaukan at panay ang tingin sa mga kaklase namin, pero matalim pa rin ang tingin niya sa'kin. "Don't you dare to call me, peke!" sigaw niya na halos lumabas na ang mga ugat niya sa leeg. Napangisi ako sa kaniya. "Totoo naman, ah. Peke ka naman talaga. Sino bang pinsan ang todo pili, tawag, at kulit kay Winston? Diba ikaw? Ayaw na ayaw ni Clara na lumapit ako sa bestfriend ko, eh, mas okay nga na ikaw ang sabihan ni Clara niyan dahil tuwing nakatalikod si Clara inaahas mo ang boyfriend niya," sambit ko at kaunti na lang ay sasabog na si Cindy na parang bulkan. "Akala mo hindi ko alam na tumatawag ka kay Winston, sorry ka. Madalas ipahawak ni Winston ang cellphone niya sa'kin at hindi kana nahiya. Boyfriend ng pinsan mo, gusto mong may mangyari sa inyo ni Winston. Two faced b***h woman." Hindi ako gano'n ka santo at kayang-kaya kong magsalita ng mga ganong salita. Natahimik si Cindy at patingin-tingin siya sa mga kaklase namin na nagbubulungan na. Silang magkakaibigan ang nagsimula at tinapos ko lang ang gusto nilang mangyari, tutal naman kilala sila bilang mga b***h sa school at mga bully rin kahit na may iniingatang repotasyon ang tatlong 'yon, pero dahil sa ginawa nila wala na. Sira na sila lalong-lalo na si Cindy. Mainit na talaga ang dugo ni Cindy sa'kin dahil nga sa malapit kami ni Winston, hindi niya siguro alam ang salitang 'bestfriend', kaya kung ano-ano ang sinasabi niya sa'kin. Napatingin ako kay Cindy na bigla na lamang tumayo at tumakbo palabas nang room, sumunod rin sa kaniya 'yung dalawa na aso ni Cindy dahil panay ang buntot sa kaniya. Napahinga ako nang maluwag at napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nang puso ko sa nangyari. Saan ako humugot ng lakas na loob upang kalabanin ang babaeng 'yon? Siguro dahil sobra na rin siya. "It's okay, Leila. Ginawa mo 'yon para malaman niya na hindi lahat ay kaya niyang bullyhin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD