CHERRY'S POINT OF VIEW “Hindi ko ho alam kung anong tinutukoy niyo?” maang-maangan kong saad. Napalunok ako ng makita ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi. At halos napapikit ako ng umangat ang kamay niya at hinaplos niya ang kaliwang pisnge ko. “Why did you lie to me?” baritong boses niyang sambit. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalong bumibigat ang paghinga ko. Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa dahil sa sensasyong idinulot ng bawat haplos niya sa aking balat. “Answer me, Cherinah. Why did you lie to me?” mariing sambit niya at kasunod niyon ay naramdaman ko ang palad niya sa aking hita. He started caressing my skin, at kahit na may suot akong skirt ay tumatagos pa rin ang init ng palad niya sa balat ko. “I'm waiting…” he reminded me. I wanted to say something

