CHERRY'S POINT OF VIEW
Tatlong-araw na ang nakalipas simula nang makabalik kami galing sa Isla. At magta-tatlong araw na din na biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ng Boss ko.
Noon ay lagi itong nakangiti habang tinitingnan ako, ngayon ay kahit sandaling sulyap man lang ay hindi na niya magawa.
Naging malamig siya at para na lamang akong isang hangin na dinadaanan niya lang. Nakikipag-usap lang siya sa akin kung tungkol sa schedule, pero isa hanggang tatlong salita lang din ay sasabihin niya pagkatapos niyon ay wala na.
“May nangyari bang hindi maganda habang nasa Isla kayo ni Sir Kael?” mabusising tanong ni Noreen.
Nasa canteen kasi ngayon dahil lunch break na.
Ang abalang si Sofhia ay napabaling rin sa gawi ko dahil sa tanong ni Noreen. Binitawan ko ang hawak kong kutsara, pilit na ginagawang seryoso ang ekspresyon para hindi sila mas lalong magduda sa magiging sagot ko.
“Wala naman. Maayos naman ang takbo ng usapan nila ng mga business partners niya.” Sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa, at pagkalito ng ilang segundo ay muli nilang ibinalik ang kanilang tingin sa akin.
“Totoo nga. Hindi ko lang alam baka tungkol sa personal life ang issue,” pagsisinungaling ko, bahagyang nakataas ang kaliwang kilay ko para mas lalo ko silang makumbinsi.
Mabuti na nga lang at hindi na sila muling nagtanong, kaya nakahinga ako nang maluwag at muling ibinalik ang aking atensyon sa kinakain ko. Ilang sandali pa ay natapos na rin kaming tatlo, pero hindi kami kaagad bumalik sa kanya-kanya naming pwesto at nakapagdesisyong lumabas na muna ng building para mag-ice cream.
“Kuha na kayo. Ako na magbabayad,” presinta ni Noreen, kaya agad na kaming kumuha ni Sofhia ng ice cream.
“Sarap talagang kumain kapag libre.. di ‘ba, Cherry?” Wika ni Sofhia sabay lingok sa akin.
Nakangiti akong tumango.
Nagsimula na kaming tumawid sa pedestrian lane, patungo sa kabilang side kung nasaan ang building. Ngunit, napahinto ako sa paglalakad ng mahagip ng aking paningin, Natasha. Kakapasok lang nito sa entrance ng building, sobrang eksi ng suot na halos makita ko na ang buong kaluluwa niya.
“Cherry, tara na!” pagtawag sa akin ni Noreen, na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Pilit akong ngumiti at mabilis na humakbang para maabutan sila. Ngunit ang isip ko ay nasa kapatid ko na nakita ko kanina papasok sa building.
Pagkapasok ko sa loob ay nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang isa sa mga empleyado ng building.
“Miss Cherry, may babae pong nagpunta rito kanina. Hinahanap ka!” saad nito.
Agad kong iginala ang aking paningin sa paligid, pero hindi ko makita si Natasha.
“Nasa opisina po siya ni Sir Kael. Pinapunta niya roon para hindi ka daw niya guluhin.” Aniya.
Dali-dali akong naglakad patungo sa elevator at sumunod naman sa akin ang dalawa kong kasama.
Nang nasa second floor na kami, at lumabas na silang dalawa at naiwan ako sa loob ng elevator dahil sa 38th floor pa ako. At habang gumagalaw pataas ang elevator ay okupado pa rin ang aking isipan.
Iniisip ko kung ano ang ginagawa niya rito gayong hindi ito ang kumpanyang pinapasukan niya at mas lalong hindi ito ang kumpanyang ni Nickolas. At kung gusto niya sana akong kausapin ay bakit kailangan niyang magtungo sa opisina ng boss ko? Bakit siya pinapunta roon ni Sir Kael, kung ako naman ang sadya niya?
Naghalo-halo na lahat sa utak ko, nagiging lutang ako na hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako dahil hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin akong tigilan!
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan, may kung akong parte sa loob ko na pumipigil sa aking magtungo sa palapag kung nasaan ang boss ko.
Natatakot ako sa kung ano ang maaari kong masaksihan sa oras na nandoon na ako.
Hindi nagtagal ay narinig ko ang tunog nang pagbukas ng elevator, nag-angat ako ng tingin at sandaling natulala habang tinitingnan ang kulay usok na pader sa aking harapan.
Malalim akong huminga, nakakuyom ang pareho kong palad at mabigat ang hakbang na ginawa palabas ng elevator.
Sobrang tahimik ng buong hallway. Wala akong narinig kahit na kaonting ingay man lang. Pakiramdam ko ay para akong naminge habang naglalakad papalapit sa pinto ng opisina nito.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nagpakawala muna ako nang isang malalim na paghinga. Hinawakan ko ang hawakanan ng pinto at handa na akong itulak iyon pabukas, pero natigilan ako nang bigla itong malakas na hinila ng kung sino mula sa loob dahilan para mahatak rin ako kasabay ng nito.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang masubsob ako sa matigas na d*bdib ni Sir Kael. Maging siya ay mukang nagulat rij dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya habang nakayuko sa akin.
Nang matauhan ako ay dali-dali akong umatras papalayo, tinalikuran ko siya at handa ng umalis sa lugar na iyon pero bumalik ako sa pinanggagalingan ko nang hinila niya ako pabalik sa kanya.
“S-Sir k-kael?” kinakabahang sambit ko, lalong-lalo na nang ipinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko at diretsyo ang kanyang tingin sa harapan.
“See? I told you my whole interest was only for her. I'm only interested with your sister.” Wika nito na siyang ikinawindag ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa harapan at unang sumalubong sa akin ang masamang tingin ng kapatid ko. Halos umusok na ang ilong nito sa galit at pulang-pula na ang buong mukha niya.
“S-Si—” hindi ko natapos ang dapat kong sabihin nang bigla siyang yumuko at walang sabi-sabing siniil ng h*lik ang labi ko.
Makalipas ang ilang segundo ay unti-unti na niyang inilayo ang kanyang labi sa akin, habang ako ay nakatingala pa din sa kanya at hindi makagalaw.
“Leave, Ms Alejandro. I want to confront your sister about something, so please leave,” he said politely.
At maya-maya ay narinig ko ang mabibigat na yabag ng paa ng kapatid ko at kasunod niyon ang pag-alingawngaw ng malakas na tunog nang pagsara ng pinto.
Naiwan kaming dalawa sa loob ng opisina, hindi ako makatingin sa kanya. Nanlalamig ang buong katawan ko sa kaba. Ilang saglit pa ay gumalaw siya at nagsimulang lumakad papalapit sa pintuan, agad na nagsitayuan ang balahibo nang marinig ko ang tunog ng lock ng pinto.
“Tayo na lang dalawa ang nandito ngayon. Shouldn't you start explaining?” wika niya na ikinakunot ng aking noo.
Doon ay nag-angat ako ng tingin sa kanya, bumukas na ang bibig ko, pero ni isang salita ay walang lumabas roon ng magtagpo ang aming mga mata.
Nagsimula siyang gumalaw papalapit sa akin. Umatras ako nang umatras hanggang sa tuluyan ng tumama ng likuran ko sa lamesa. Nakatingala ko sa kanya habang siya ay nakayuko at ang magkabilang kamay niya ay nasa bawat gilid ko upang i-corner ako.
“Ayaw mong magsalita? Should we just do it, again? Para maalala mo kung ano ang tinutukoy ko?”
TO BE CONTINUED…..