CHAPTER 16

1250 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Matinding pagtataka ang naramdaman ng binatang si Kael, nang magising siya at napagtanto niyang nasa ibang kwarto siya. Napabalikwas ito nang bangon ng maamoy niya ang pamilyar na pabango ng dalaga sa kanyang unan. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid, ngunit wala siyang nakita kahit na isang tao. Pero kahit gano'n pa man ay nakahinga ito nang maluwag nang makumpirma niyang nasa kwarto siya ni Cherry. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at naging kampante ito nang makita niyang may suot siyang damit. Ilang sandali pa ay nag-angat siya ng tingin dahil sa mga yabag ng paa at papalapit iyon sa direksyon niya. Hindi nga siya nagkamali ng makita niya ang dalaga, nakasuot ito ng pajamas at may dalang baso na puno ng tubig at gamot. “May ginawa ba akong hindi maganda kagabi?” iyon ang unang tanong niya sa dalaga. Nakita niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Cherry, at kumunot ang kanyang noo roon lalong-lalo na nang hindi ito nagsalita at lumapit lamang sa kanya upang iabot ang baso at gamot. “Answer me, Cherinah,” mariing sambit ng binata. Inilapag ni Cherry, ang baso at gamot sa katabing mesa nito. Kasunod niyon ang pagbaling niya sa binata, diretsyo niya itong tiningnan sa mga mata at hindi maiwasang makaramdam ng kaba si Kael. “Walang nangyari. Kaya inumin niyo na itong gamit, Sir Kael. At para naman mawala na ang hangover niyo.” Tugon ng dalaga. Pero kahit sinabi niya iyon ay hindi nakumbinsi ang binata. Tinalikuran siya ng dalaga, pero mabilis niyang nahawakan ang kamay nito. “Just be honest with me. I'm so drunk last night and I don't remember anything,” mahinang saad ni Kael. Punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. Namumungay iyon at hinintay na bumaling sa kanya ang dalaga. Ilang sandali nga lang ay unti-unti itong humarap sa kanya. “Kung may nangyari nga sa atin, Sir Kael, nasisiguro kong hindi mo iyon makakalimutan.” Wika ni Cherry. Napabuntong-hininga na lamang ang binata at binitawan ang kamay ng dalaga at hinayaan itong lumayo sa kanya. Sandali siyang napatitig sa kanyang palad, bago bumaling sa gamot na ibinigay nito sa kanya. Hinilot niya muna ang kanyang sentido, bago umalis sa ibabaw ng kama at nilapitan ang mesa. Tahimik niyang ininom ang gamot, at pagkatapos ay nagsimulang naglakad paalis sa kwarto ng dalaga. Ilang sandali pa ay napatigil siya ng natanaw niya itong nakatayo sa tapat ng maliit na refrigerator. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalaga, bawat kilos nito ay pinapanood niya at wala siyang pinalalagpas. Hanggang sa naramdaman niyang nagsimulang uminit ang kanyang katawan at doon lamang siya nag-iwas ng tingin at walang paalam na nilisan ang silid ng dalaga. Nagtungo siya sa kanyang kwarto, dumiretsyo siya sa banyo ay binuksan ang shower. Hindi na nag-abala pang maghubad ang binata at hinayaan na lamang na mabasa ang damit na suot niya. Then he suddenly looked at the mirror, at that moment his eyes widened. Nakita niyang may kalmot sa kanyang d*bdib. Hindi iyon gano'n ka laki, pero sapat na para makumpirma niyang kalmot nga iyon ng isang babae. Gumapang ang takot at pagkalito sa isipan niya. “Did I just fvcked someone else, last night?” inis niyang bulong sa sarili. He was too, disappointed at himself. Just thinking that he might had s*x with someone else made his blood boil. Nangangamba siya na baka nakita siya ng dalaga habang nakikipagt*lik siya sa iba at ito ang dahilan kung bakit iba ang pakikitungo nito sa kanya ngayong araw. Sunod-sunod na nagbitiw ng mura ang binata, ilang oras siyang nanatili sa loob ng banyo ay nililinis nang husto ang sarili. Galit na galit siya, galit na hindi niya kayang ipaliwanag. Galit ma gusto niya na lamang mag wala sa inis. Lumipas ang mahigit dalawang oras at lumabas na siya mula sa banyo, tanging tuwalya lamang ang nakapulupot sa kanyang bewang at kaagad na umigting ang kanyang panga, dahil sa dami ng halos at marka na nasa bawat sulok ng kanyang katawan. “D*mn it!” he hissed, then reached for his phone. Kaagad niyang tinawagan ang numero ni Lanzi, para sabihing ipahanda ang piloto dahil babalik na siya sa Syudad na siya naman ipinagtaka ni Lanzi. “Wh–” “Don't fvcking asked me and just do what I said!” nang-gagalaiting asik ni Kael, at padabog na binitawan ang cellphone. Agad siyang nagbihis at inayos lahat bg gamit niya. Nang makuntento siya sa kanyang itsura at nag-message siya sa dalaga at agad rin naman itong sumang-ayon. Lumabas ang binata sa kanyang kwarto at nauna na itong nagtungo sa front desk para magbayad. ****** CHERRY'S POINT OF VIEW Nasa eroplano na kami at tahimik na bumibyahe. Nasa bandang likuran ako kaya malaya akong pagmasdan ang malapad niyang likuran. Hindi ko alam kung bakit biglaan ang desisyon niyang umuwi na kami. Napa-isip tuloy ako na baka naalala niyang may nangyari nga sa amin at nadismaya siya. Hindi siya nasiyahan dahil pinatulan niya ang personal assistant niya. “Sino ba naman ang magiging proud na naka-s*x ako e hindi naman na ako virgin,” mahinang sambit ng sarili kong boses sa aking utak. Ini-imagine ko pa lang kung gaano siya nandiri ng maalala niya ang tungkol roon ay mapakla akong napangiti. Ang bigat lang kasi sa pakiramdam, kahit naman alam kong mali ko din kasi bumigay ako kahit na lasing siya at ako hindi. Ako ang nasa tamang pag-iisip, pero nagpadala ako sa init ng katawan at hinayaan kong may mangyari sa aking dalawa. May anak na ako at hiwalay sa asawa. Baka mas lalo siyang mandiri sa akin sa oras na malalaman niyang nagkaroon ako ng anak sa ex-husband ko. “Kawawa ka talaga, Cherry.” sa isip ko, sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para sana umidlip. Pero nakakapagtaka lang na kahit sobrang antok ko ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Kung tama ang memorya ko ay muntik na kaming abutan nang madaling araw ni Sir Kael. Kung hindi pa siya bumagsak sa ibabaw ko pagkatapos niyang labasan nang tatlong beses ay hindi siguro kami matatapos at tuluyan ng nawala ang kalasingan niya. Puyat na puyat ako kasi hindi na ako nakatulog hanggang umabot nang umaga. “Hysst, sana naman ay walang magbago kapag nakabalik na kami sa syudad….” Nakatanaw ako sa bintana, tahimik na pinagmamasdan ang magandang tanawin mula dito sa itaas. Napapangiti ako habang naiisip na sobrang ganda pala talaga ng mga isla sa Pilipinas. Na sana ay hindi dumating ang panahon na magkaroon ng minahan ang bawat isla sa buong bansa. Dahil halos sir*ulo na nga lahat ng nasa mataas na posisyon ay sisirain din nila ang kalikasan. Ewan ko ba, kung saan-saan na napupunta itong isip ko. Muli akong bumuntong-hininga at bumaling sa kinaroroonan ng boss ko, at napaismid ako ng makita kong nakasuot na itong earphones. “Kung maalala mo lang kung paano mo ako winarak kagabi, baka gustuhin mo na lang din na magpakam*tay,” mahinang bulong ko habang nakatitig pa din sa kanya. Sana ay hindi niya maalala ang tungkol doon, sana ay mali ang naisip ko na may naaalala siya. Kasi kapag nangyari iyon, doon na magsisimula ang magandang simula na meron kami. Baka iyon pa ang simula na magkaroon ng lamat ang maganda naming relasyon bilang boss at persona assistant. Masakit man kung iisipin, pero mas gugustuhin ko pang tuluyang mawala sa isipan niya ang isang mainit na gabing pinagsaluhan naming dalawa. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD