CHAPTER 15

1321 Words
CHERINAH’S POINT OF VIEW “Taray. Nasa Camiguin highland resort kayo ngayon? Kayong dalawa lang ng boss mo?” pang-aasar ni Almiera. Kanina pa kami nag-uusap, pero gano'n pa rin ang banat niya sa akin. Paulit-ulit akong inaasar at sa t'wing may sasabihin ako ay hindi naman siya naniniwala. “Oo nga. Sa may Mambajao. At FYI, lang. Hindi kami magkasama sa iisang kwarto.” Saad ko. Kaagad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang malisyosa niyang halakhak. Kung hindi lang talaga siya ang nagbabantay sa anak ko ay aawayin ko talaga siya nang husto. “Whatever, Cherinah. Ang mahalaga ay nasa iisang lugar iyon. Sapat na dahilan na iyan para mag-loving loving kay—” “Bw*sit ka talaga!” Pagputol ko sa kanya at kaagad na ibinaba ang linya. Ilang segundo pa ay nag pop-up ang isang message galing sa kanya at lalong nalukot ang mukha ko dahil mga haha emoji's iyon. Napapikit ako at inilapag ang cellphone ko. Humarap ako sa aking laptop, at sinubukang abalahin ang sarili. Wala na rin naman kasi akong gagawin dahil tapos na ang pakikipag-usap ng boss ko sa isangbusinessman na dahilan kung bakit kami nagtungo rito. Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang orasan na nasadikit sa likod ng pintuan ng kwarto. Napahulikipkip ako ng makita ko ang oras. 9:30 pm, na. Hindi ko na namalayan, dahil kanina pa okupado ang isipan ko. Magmula pa kaninang alas kwarto y medya ng hapon ay nasa malayo ang isipan ko hanggang sa nakabalik na ako rito sa kwarto ko. Dalawang araw na kaming nandito sa isla, nabuburyo na rin ako dahil hindi ako lumalabas ng kwarto. Maliban na lamang kung kakatukin ako ni Sir Kael, dahil haharap kami sa mga business partner niya. At ngayon tapos na lahat ay wala akong ideya kung ano pa ang gagawin namin sa islang ito. Kung pwede lang na mauna na akong umuwi, pero hindi din naman. “Manahimik ka na lang, Cherry,” bulong ko sa sarili ko, ipinikit kong muli ang aking mga mata. Ngunit gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na pagkatok ng kung sino sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Tiningnan ko ang aking cellphone para malaman kung may text ba doon, mula kay Sir Kael. Pero ni isa ay wala akong makita, kaya mas lalo akong nagtataka dahil kung siya nga itong kumakatok sa labas ay magte-text muna iyon sa akin. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalong lumakas ang pagkatok nito. Kaya tumayo na ako mula sa aking pagkaka-upo para tingnan kung sino ang nasa labas. Bago ko tuluyang binuksan ang pinto ay pinakiramdaman ko muna ang paligid ko. Nang wala akong maramdamang pangamba ay unti-unting kong itinulak pabukas ang pinto, at nagulantang ako ng bumungad sa aking harapan si Sir Kael. Nakabukas ang tatlong butones ng suot ng polo, magulo ang buhok at pulang-pula ang kanyang leeg. “Sir?” mahinang sambit ko, para kunin ang kanyang atensyon. Ilang sandali pa ay halos mawalan ng balance ang katawan ko nang bigla itong humakbang papasok sa kwarto at bumagsak ang buong bigat niya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko ng naramdaman ko ang pagtama ng kanyang hininga sa aking leeg. “Sir Kael?” mahinang bigkas ko. Marahan tinatapik ang kanyang balikat, sinusubukan ko siyang gisingin pero wala talaga. At doon ko lang din napagtantong lasing ito dahil biglang umalingawngaw ang amoy ng alak mula sa kanya. “Okay lang naman sanang uminom, wag lang sanang maglasing nang husto.” Asik ko, at inakay siya patungo sa aking kama. Sobrang bigat niya kaya ng ihiga ko siya sa ibabaw ng kama ay sumama ang katawan ko at bumagsak sa ibabaw niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa posisyon naming dalawa, at gumapang ang init patungo sa aking mukha dahil nararamdaman ko ang katigasan niya sa tyan ko. Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at tumakbo patungo sa kusina at agad na naghilamos. Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin, at halos kutusan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang pula ng buong mukha ko na para bang sinampal Ako nang sampong d*monyo. “Landi mo, Cherry. Parang ganun lang ganito na kapula ang mukha mo. Alam kong five years ka ng walang b*mbeng, pero boss mo yan,” sa isip ko at paulit-ulit na tinatampal ang aking noo. Lumabas ako ng kusina, maingat na humahakbang pabalik sa kama kung nasaan si Sir Kael. Namewang ako nang makita kong suot-suot niya pa pala ang sapatos niya. Napakagat ako at padabog na lumapit sa kanya, nagsimula akong alisin ang sapatos niya. Sobrang ingat ng bawat galaw ko para hindi ko siya magising. At nakahinga ako nang maluwag ng magawa ko iyon, kasunod nito ay ang dahan-dahan kong pag-alis ng pagkaka-butones ng kanyang polo. Habang ginagawa ko iyon ay pabigat nang pabigat ang paghinga ko, pakiramdam ko ay mahihimatay ako kapag hindi ko kaagad iyon tinapos. Sa t'wing damadpo ang tingin ko sa kanyang katawan ay napapalunok ako, may kung anong matinding tensyon na lumulukob sa buong sistema ko at nag-uudyok iyon sa akin na hawakan ko ang katawan niya. Pakiramdam ko tuloy ay pinagnanasaan ko siya, at daig ko pa ang isang many*k kung gagawin ko nga ang inuutos ng katawan kong hawakan siya. Kaagad na gumaan ang pakiramdam ko nang tuluyan ko ng naalis ang pagkaka-butunes ng kanyang damit. Sandali kong tinitigan ang kanyang mukha bago ako tuluyang umalis sa tabi niya. Ngunit, napahinto ako ng malakas niyang hinawakan ang papulsuhan ko. Gumapang sa buong braso ko ang init ng kanyang haplos. Pinagdikit ko ang aking labi habang dahan-dahang gumalaw paharap sa kanya. Nanlambot ang tuhod ko ng sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Mas lalong tumingkad ang angkin niyang kagwapuhan dahil sa magulo niyang buhok. Habang nakatingin sa kanya ay hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Mabilis ko rin iyong iniwas at inilipat ang tingin ko sa kanyang mukha. “Cherinah,” he said, his voice was too deep. And it was fvcking attractive. Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin niya ako pabalik sa ibabaw ng kama. Halos pumatong na ako sa kanyang kandungan, dahil sa sobrang lapitan ko sa kanya. Diretsyo kaming nakatingin sa mga mata ng isa't-isa. Kahit naiilang ay hindi ko rin magawang alisin ang pagkakatitig ko sa kanya. Sobrang ganda ng mga mata niya.. Maging ang hugis ng kanyang labi ay nakaka-akit. Gusto ko tuloy siyang h*likan, dahil kahit iwas ko ay hinihila ako ng kanyang mga mata. “Sir K-Kael,” walang lakas kong pagtawag sa kanya. Kitang-kita ko kung papaanong nagsimulang tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Just, Kael. Please,” wika niya, kasabay niyon ang pagtaas ng kanyang kamay upang abutin ang aking pisnge. And I almost lost my breath, the moment I felt how warm his palms are. Maya-maya pa ay mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Sobrang lapit dahil amoy na amoy ko na ang alak sa kanyang hininga. “I want to k*ss you, Cherinah….” He said, as he search for my gazes. Nakatitig siya sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Sa hindi ko malamang dahilan ay kusang gumalaw ang ulo ko, kusa akong lumapit sa kanya at ako na mismo ang naunang h*malik sa kanya. Ilang segundo lamang ang nakalipas ay gumalaw siya at hinawakan niya ang batok ko at mas lalo akong idiniin sa kanya. Mula sa kanyang braso ay naglakbay ang kamay ko patungo sa kanyang balikat, hanggang sa pumulupot na iyon sa kanyang leeg. Walang kahirap-hirap niya akong inangat at ipinatong sa kanyang kandungan. Sa ginawa niyang iyon ay pareho kaming gumawa ng isang kakaibang ingay. Lumalim nang lumalim ang aming paghahalikan, hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong wala ng saplot habang siya ay nasa ibabaw ako at walang tigil na gumagalaw sa pagitan ng aking mga hita. TO BE CONTINUED….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD