CHAPTER 14- CAMIGUIN ISLAND

1374 Words
CHERRY'S POINT OF VIEW “Kailan po ikaw uuwi, Mommy?” nakapuot ma tanong ni Isaac. Nasa ibabaw ito ng aking kama, nakatingin sa akin habang may hawak na laruan. Tapos na akong mag-impake ng mga gamit, may inaayos lang akong iilang papeles na gagamitin sa check-ups niya, para hindi na mahirapan si Almiera sa paghahanap. “Four days lang, Anak. After that, I'm home na.” Sambit ko. Sumampa ako sa kama at kaagad siyang niyakap. Pinatakan ko nang maraming halik ang buong mukha ng anak ko. Hindi pa nga ako umaalis, pero nami-miss ko na siya. Hindi siya nagsalita, naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking bewang habang walang tigil niyang isinisiksik ang kanyang mukha sa katawan ko. “Ayaw mong umalis si Mommy?” kalmadong tanong ko. Mabilis siyang umiling at kasunod niyon ay ang paglayo ng mukha niya sa katawan ko at tumingala siya sa ‘kin. Sa t'wing nakikita ko ang mukha niya ay labis akong nagpapasalamat sa Diyos, na hindi niya naging kamukhang-kamukha ang kanyang anak. Hindi ko kasil alam, pero sa t'wing naiisip ko na araw-araw kong makikita ang itsura ni Nickolas, sa kanya pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait. Kaya mabuti na lang talaga at halos sa akin siya nagmana. “Buy me a gift when you come home, Mommy.” Wika niya, ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok. Maya-maya pa ay napalingon ako sa may pintuan ng bumukas iyon. Bumungad sa harapan ko si Mamita, nakangiti ito habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Isaac. Ilang segundo pa ay tuluyang tumuon sa akin ang kanyang tingin. “Nandyan na ang sunod mo.” Wika nito, at nanatili pa ring nakangiti. Bumaba ang tingin ko kay Isaac, kung kanina ay mabigat ang loob kong umalis dahil sa ekspresyon na nasa mga mata niya, Ngayon ay masasabi kong pwede na talaga akong umalis dahil maaliwalas na ang mukha niya. “Don't forget what I said, okay?” paalala ko. Tumango lamang ito sabay thumbs up. Sa muling pagkakataon ay hinalikan ko ang kanyang pisnge bago tuluyang umalis sa ibabaw ng kama at nilapitan ang bahage ko. “Wag kang mag-alala, kami na muna ang bahala kay Isaac. Mag-enjoy ka rin kung minsan habang nandoon ka.” Sambit ni Mamita, nang makalapit ako sa kanya. Tipid akong ngumiti at niyakap muna ito bago ko tuluyang nilisan ang kwarto. Nagpaalam muna ako kay Dada at Almiera. Pagkatapos niyon ay dumiretsyo na ako palabas ng bahay at natanaw ko nga ang isang itim na sasakyang nakaparada sa tapat nang gate ng bahay. “Good morning, Miss Cherry.” Bati sa akin ng Driver, tumango ako at maya-maya pa ay bahagya akong mabigla ng kuhanin nito ang maleta ko at siya na ang naglagay niyon sa likuran ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan, at hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa loob ay naramdaman ko na ang tingin sa akin ni Sir Kael. “Good morning,” baritonong boses nitong saad. “Good morning, Sir.” Sagon ko naman na medyo naiilang pa. Isinuot ko ang aking seatbelt, pagkatapos niyon ay tumingin ako sa bintana ng sasakyan hanggang sa nagsimula ng umandar ang sasakyan ay nanatili lamang ang tingin ko bintana. Paminsan-minsan ay lihim kong sinusulyapan ang Boss ko, at nakita kong nakatingin lamang ito sa kanyang cellphone. Naisip ko tuloy na baka busy sa love life niya. ***** Lumipas ang mahigit kalahating oras ay nasa airport na kami. Tahimik pa din ako hanggang sa nasa loob na kami ng eroplano. Wala akong balak magsalita dahil wala naman akong dapat sabihin. Maliban na lang kung tanungin niya ako ng tungkol sa schedule ay sasagot ako. Private plane niya ang sinasakyan namin ngayon. Kaya medyo-awkward kasi maliban sa dalawang stewardess at dalawang piloto ay wala ng ibang tao. “You can sleep, if you want to,” biglang sambit ng nito kaya agad akong napatingin sa kanya. Naka-krus ang kanyang nga braso habang pinag-aaralan ang kabuuan ko. “Sleep, Cherinah. I'll wake you up when we're there.” Pangungumbinsi niya. Bumuntong-hininga ako at lumipat sa ibang pwesto kung saan hindi nito makikita ang mukha ko habang natutulog. Ang pangit ko pa naman tingnan kapag tulog ako. Isinuot ko ang jacket ko, naghanap ako ng posisyon kung saan ako magiging komportable at nang makuntento na ako ay ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok. ***** KAEL'S POINT OF VIEW “Beautiful,” mahinang sambit ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Inangat ko ang kamay ko at marahan iyong inilakbay sa bawat sulok ng kanyang mukha. I traced her features gently, so I couldn't wake her up. Her eyebrows were thick and long. The bridge of her nose isn't that high. Sakto lang na bumabagay sa magandang hugis ng kanyang mukha. Then she suddenly moved that made me freeze for a bit. Bumilis ang t***k ko sa pag-aakalang magigising siya. Pero nakahinga ako nang maluwag ng muli siyang bumalik sa pagkakatulog. Paminsan-minsan ay kumikibot ang labi niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa. “Your wine, S–” Mabilis kong sinenyasan ang stewardess, nang tingnan niya ako ay agad niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Inilapag niya lamang ang wine sa mesa ko at tahimik na umalis pabalik sa kanyang pwesto. Hindi ako umalis sa harapan ni Cherinah. Nanatili lamang ako roon at kahit isang segundo ay wala akong pinalipas. Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang mahimbing na natutulog niyang mukha. “Sir. We're going to take off in ten minutes.” Dinig kong sambit ng piloto. Naghintay pa ako ng limang minuto, at pagkatapos niyon ay hinawakan ko ang balikat ni Cherinah, at marahan siyang ginigising. “Wake up,” maingat na saad ko para hindi siya magulat. Maya-maya pa ay dahan-dahan bumukas ang mga mata niya, kitang-kita ko pa ang pagkagulat niya ng makita niya ako sa harapan niya. “We're here.” Wika ko, pagkatapos niyon ay tumayo na ako at nagtungo sa aking pwesto. Tuluyan ng lumapag ang eroplano. Bumukas na ang pinto nito at nang tumingin ako sa labas ay nakita ko na si George, isa sa mga driver ko. Nagsalin ako ng wine sa baso ko, pagkatapos ay tumayo na ako ta sandali munang binalingan si Cherinah. “Let's go.” Usal ko. Tumango lang ito at agad ring sumunod sa akin pababang eroplano. “Let me carry it for you, Si–” “Nah, I'm good. Go get her luggage,” utos ko sa kanya at itinuro si Cherinah. Tumango naman ito at agad siyang nilapitan. Nang makalapit na ako sa sasakyan ay binuksan ko ang pinto, hinintay ko siya makalapit. “Get in.” I said, when I saw her staring at me. Hindi na siya nagtanong pa, dumiretsyo na siya sa loob ng sasakyan at bahagya akong natawa dahil sa reaksyon niya. ****** “Welcome to CAMIGUIN ISLAND, Mr Dela Vega.” Bati ng nga staff. Ngumiti lamang ako sa kanila at kaagad na hiningi ang susi ng mga kwartong kinuha ko para sa aming dalawa ni Cherinah. “Thank you.” Wika ko, at agad na tumalikod para puntahan ang mga kwarto. Habang naglalakad ako ay pinapakiramdaman ko si Cherinah. Sobrang tahimik kasi nito na halos pakiramdam ko ay wala akong kasama. Huminto ako sa paglalakad ng maabot ko na ang area naming dalawa. Magkaharap lang ang mga kwarto namin at sinadya ko talaga iyon para mabantayan ko siya. Nakapamulsa akong humarap sa kanya, sandali kong tinitigan ang kanyang mukha bago inabot sa kanya ang susi ng kanyang kwarto. “This will be your room.” Usal ko at itinuro sa kanya ang pintong nasa kanyang likuran. “If you need something, you can knock on my door or call some staff. There's a telephone inside your room.” Bilin ko. Nang hindi siya nagsalita at tumalikod na rin ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Humakbang na ako papasok sa loob at marahang isinara ang pintuan ko. Nasa loob na ako ng kwarto, pero ang isipan ko ay kay Cherinah pa rin. “I should have just asked for one room we could have been together.” TO BE CONTINUED…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD