CHAPTER 13

1563 Words
CHERRY'S POINT OF VIEW “Totoo ‘yung chika? Nagkita kayo ni Natasha at Nickolas sa resto nang nakaraang linggo?!” Iyon agad ang tanong ni Almiera pagkapasok niya sa loob ng bahay. Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga laruan ni Isaac, hindi ko din inasahan na pupunta sa bahay itong si Almiera. “Lakas talaga ng pakiramdam mo basta chismis,” umiiling na asik ko sa kanya habang pinagpatuloy pa rin ang ginagawa ko. Tinalikuran ko siya at nagsimula akong naglakad patungo sa kwarto ni Isaac, para ilagay doon ang mga laruan niya. Kahit papaano ay naging panatag na ang loob ko kasi nagsimula na ulit itong maging malikot. Naglalaro na siya at nagiging pilyo na rin kaya bahagyang nabawasan ang pangamba ko para sa kalusugan niya. Pero si Almiera… Nakabuntot pa rin sa akin na parang s*ra. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi ako nagku-kwento. Kaya hirap na hirap akong magtago ng sekreto sa kanya, kasi kahit sa disyerto pa ako magtungo at susundan niya pa rin ako, malaman niya lang ang buong pangyayari. “So, ano nga?” sambit niya habang nakahalukipkip na tinitingnan ako. Napapikit ako at pinakawalan ang isang malalim na paghinga. Ginawa ko iyon para mapigilan ko ang sarili kong ihampas sa kanya itong laruan na hawak ko. Nang naimulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakaupo na siya sa sahig, handang-handa ng pakinggan kung ano man ang iku-kwento ko. Kaya wala na akong choice kundi maupo na lang din sa ibabaw ng kama ng anak ko, at simulan ng mag-kwento sa kanya. “Isinama kasi ako ng boss ko sa isang restaurant. At sumaktong sa restaurant pa talaga kung saan ako napahiya noon.” Panimula ko. Bumuntong-hininga ulit ako bago nag patuloy. “Sobrang daming customers na nagbubulong-bulungan tungkol sa ‘kin, kahit alam nilang naririnig ko lahat ng sinasabi nila ay wala silang pakialam. Hanggang sa dumating sila Natasha, aalis na sana ako para iwasan sila, pero pinigilan niya ako at inapi-api pa nang husto.” Wika ko. Naikuyom ko ang palad ko habang inaalala ang mga nangyari nang nakaraang linggo. “Ininsulto niya ako, nang gumanti ako ay nagalit siya at bubuhusan niya sana ako ng tubig, per–” “Ano?!” biglang bulalas niya dahilan para tingnan ko siya nang masama. “Pwede bang patapusin ko muna ako?!” Asik ko, ngumiti naman siya sabay nag-peace sign. Inirapan ko siya pagkatapos ay muli akong nagsimulang mag-kwento. “Bubuhusan niya sana ako ng tubig, pero nagulat ako dahil iniharang ni Sir Kael, ang sarili niya kaya siya ang nabasa imbes na ako.” Usal ko. Gano'n na lamang ang gulat ko ng maramdaman ko ang pagtakbo ni Almiera, papalapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyuyogyog ako na halos pakiramdam ko ay mahihilo na talaga ako. “OMO!!!! Knight in shining armor, lang ang peg ni Daddy Kael!” Aniya at nagtititili. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa panghuling sinabi niya. “Daddy Kael?!” bahagyang tumaas ang boses ko habang sinasabi iyon. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin, para bang inaasar niya ako pero ayaw niya lang ipahalata talaga. Pero did naman ako gano'n ka engot para hindi maintindihan itong ikinikilos niya. “Tigil-tigilan mo ako, Almiera.” Wika ko sabay alis sa ibabaw ng kama, naglakad ako palabas ng kwarto at iniwan siya sa loob. Dumiretsyo ako sa bakuran, ang kaninang malalaking hakbang ko ay unti-unting lumiit at naging mabagal nang makita ko kung ano ang ginagawa na mamita at Dada kasama ang anak kong si Isaac. Timuturuan nila itong mag-paint, at bakas ang saya sa mukha ng anak ko habang ginagawa ang bagay na iyon. Wala akong makita kahit na maliit na bakas ng pagkadisgusto sa mukha niya, hindi siya mukhang napipilitan, baskus ay mukang masayang-masaya pa siya. Lalong-lalo na kapag nakikita niya ang reaksyon ng dalawang matanda sa t'wing pinapakita niya sa kanila ang painting niya. Maya-maya lang ay lumingon sa direksyon ko si Dada. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ay kaagad siyang ngumiti at kinawayan ako. Kumaway din ako pabalik sa kanya, at nang ibalik na niya ang atensyon niya sa dalawa niyang kasama at dahan-dahan na din akong gumalaw upang talikuran sila. 10:30 am na kasi. May pupuntahan daw kami ni Sir Kael ngayon, dapat nga ay kanina pa ako nasa kumpanya, pero sabi niya ay pwedeng kahit 11 am na ako pumasok dahil wala pa din naman daw siya sa kumpanya. Pumasok Awko sa kwarto ko at inayos ang gamit ko, nagpalit na din ako ng damit at bahagyang inayusan ang sarili ko. Hindi ko naman na kailangang mag-ayos nang todo, dahik mukha naman na akong tao kahit simpleng pulbo lang ay okay na. “Alis na ako, Almiera. Pakisabi na lang kina Mamita,” bilin ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng gate. ***** “Salamat, Ysah,” nakangiting wika ko sa kanya ng inabot niya sa akin ang mga envelope na dapat ibigay kay Sir Kael. Hindi kasi sila basta-bastang makakapunta sa palapag kung nasaan ang opisina ni Sir Kael. Ako, si Lanzi at ang mga naka-assign lang sa floor na iyon ang binibigyang pahintulot na magtungo roon at wala ng iba. Kaya sa t'wing papasok ako at bago ako umuwi ay tinatanong ko ang mga staff sa iba't-ibang floors kung may kailangan silang ibigay na papeles or reports sa CEO, nang sa gano'n ay hindi na sila mahirapan ay maging maganda panang takbo ng trabaho naming lahat. “Good morning, Sir.” Bati ko habang dahan-dahang inilapag sa kanyang mesa ang mga envelope na iniabot sa akin kanina. Nakasuot siya ng salamin ilang segundo pa ay gumalaw siya at inalis niya iyon. Pagkatapos ay dahan-dahang siyang tumingala sa akin, nakapatong ang kanyang mga siko sa ibabaw ng mesa. Matiim akong tinitingnan na para bang pinag-aaralan niya ang buong mukha ko. Kalaunan ay ibinaba niya rin ang tingin niya sa envelope na inilapag ko sa kanyang mesa. Inabot niya iyon at sinimulan niyang basahin, habang ako naman ay nasa harapan niya pa rin, tahimik na nakatayo at naghihintay na baka may iuutos ito sa akin. “Cherinah,” mahinang wika niya. Sa t'wing binibigkas niya ang pangalan ay sobrang banayad ng kanyang boses. Kaya kung minsan ay hindi ko din maiwasang mailang, dahil nakakaramdam ako ng kakaibang sensasyon kasi ibang-iba ang dating sa akin niyon. Nagdudulot iyon ng kuryente sa buong sistema ko. “Yes, Sir?” Saad ko. Bahagya siyang ngumuso, gumalaw ang ulo niya paharap sa akin at kasunod niyon ang pag-angat ng kanyang tingin. “Okay lang ba sa ‘yo kung isasama kita sa isang business trip?” mahinahong sambit niya. Bahagyang naningkit ang aking mga mata, sinusubukang iproseso ang sinabi niya sa utak ko. Business trip, tapos isasama niya ako? Nakita ko ang pag-angat ng kanyang balikat, maya-maya pa ay binitawan niya ang kanyang hawak na envelope at itinuon sa akin ang buong atensyon niya. “We're not going abroad, if that's what you're worrying about,” agap niya ng mapansin niyang hindi ako sumasagot. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi matitiyak na sasama ako sa kanya kung sa ibang bansa siya tutungo. Dahil may anak ako at hindi naman pwedeng iasa ko na lang palagi kina Mamita at Almiera, ang pag-aalaga sa kanya. “So, is it a yes or a no?” pananantya niya. Nanahimik muna ko ako saglit, paulit-ulit na tinitimbang ang desisyong gagawin ko. Ayaw ko rin namang humindi dahil ang laki-laki ng pinapasahod nito sa akin at sa isang business trip lang ay hindi ko siya magawang samahan. Trabaho ko pa naman na bumuntot lagi sa kanya kasi nga person assistant niya ako. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang tumango. “Yes, Sir. Sasama po ako,” mahinang saad ko. Nakita ko ang tipid niyang ngiti, kasabay niyon ang pagbuntong-hininga niya na animo'y may kung anong tinik na naalis sa kanyang dibdib. “Then, that's it. You're coming with me to Misamis Oriental. We'll be staying there for four days. And don't worry about the expenses, I'll handle everything including your ticket and whatsoever.” Saad niya at muling ibinalik ang kanyang atensyon sa mga papeles na nasa mesa niya at pinirmahan niya iyon. Tumango ako at tinalikuran siya, nagtungo ako sa aking mesa na nasa loob lang din ng opisina niya. Nagsimula na akong gawin ang trabaho ko, inayos ko lahat ng schedules niya para sa susunod na linggo. Ginawa ko iyon sa loob ng ilang oras, at nang sumapit ang lunch break ay nagpaalam na akong tutungo na ako sa canteen at diretsyo naman siyang pumayag. ***** Huminto ang elevator sa third floor, humakbang ako palabas at tahimik na naglakad sa mahabang hallway patungo sa canteen. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa canteen ay nahagip na ng paningin ko sila Noreen at Sofhia. Nang makita nila ako ay kumaway sila sa akin, at napangiti ako roon. “Kanina pa kayo?” tanong ko sabay upo sa silya. Agad na bumaba ang tingin ko sa mga pagkaing nakahain sa mesa, hindi ko na kailangang kumuha ng pagkain dahil kumuha na rin sila ng para sa ‘kin. “Kain na!” sabay-sabay nilang sambit kung kaya ay nagsimula na rin akong kumain. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam kapag may mga ganitong tao na nakapaligid sa ‘yo. TO BE CONTINUED….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD