CHERRY'S POINT OF VIEW
“Talaga? Bigay ng kumpanya ang kotse na ‘yan?” gulat pa ring sambit ni Almiera.
Maging ako nga ay hindi pa rin makapaniwala, hanggang ngayon pakiramdam ko ay panaginip lang lahat ng nangyari kahapon.
Pero hindi…
Dahil pagkagising ko ay narito pa rin ang kotse sa garahe ng bahay.
“Tanungin mo nga kung kailangan pa nila ng personal assistant dahil mag-apply na rin ako.” Saad niya pa na siyang ikinatawa ko.
Ilang sandali pa ay biglang sumulpot si Mamita sa likuran niya, nginitian ko ito at inabutan ng kape. Tinanggap naman niya iyon kaagad at pumwesto sa tabi ni Almiera.
“Kailan ka magsisimula, Anak?” malumanay ang boses nitong tanong sa akin.
Bago ko iyon sinagot ay kinuha ko muna ang pagkain na ininit ko sa microwave, bumalik ako sa tabi niya na dala-dala iyon ay inilapag sa mesa.
“Ngayong araw na po, Mamita. Mamayang 8:30 po ang time in ko,” nakangiting sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa ni Almiera, matunog akong tumawa dahil sa reaksyon nilang dalawa.
“Ang sosyal mo namang personal assistant, parang time in lang ng boss ang time in mo.” Ani Almiera.
Tumahimik na ako at hindi na siya sinagot dahil king sasagutin ko siya ay mas lalo lang tatagal ang aming usapan at baka ma-late pa ako sa unang araw ko sa trabaho.
*****
“Magandang umaga, Miss Cherinah,” nakangiting bati sa akin ng staff na naka-assign sa front desk.
Medyo nagulat pa ako dahil kilala niya ako kahit kakasimula ko pa lang ngayong araw. Ngumiti na lang din ako at nagpatuloy sa aking paglalakad papasok sa elevator, papunta sa opisina ng Boss ko habang bitbit ang black coffee na ni-request nito.
Nang bumukas ang elevator ay humakbang na ako palabas, at sa bawat hakbang na ginagawa ko ay siya ring pagsalubong ng iilang empleyado sa kumpanyang ito at lagi silang nakangiti sa akin.
“Kailangan ko na atang sanayin ang sarili kong ngumiti,” mahinang bulong ko sa aking sarili.
Huminto ako sa tapat ng pintuan ng opisina ni Mr Dela Vega, inangat ko ang kamay ko upang kumatok ng tatlong beses.
“Come in.” Saad nito mula sa loob, at dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pinto at pumasok sa loob.
Dumiretsyo ako sa kanyang mesa at inilapag ang kape sa harapan niya.
“Good morning, Sir. Coffee niyo po,” mahinang sambit ko at humakbang ng dalawang beses pag-atras.
Huminto siya sa pagbabasa ng kung anong nakasulat sa nakasulat sa papel na hawak niya, inilapag niya iyon at pagkatapos ay nakita ko ang paggalaw ng braso niya upang abutin ang kape.
“Thank you, Cherinah,” saad niya gamit ang isang baritong boses.
Sa mga sandaling iyon ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Pakiramdam ko ay pamilyar ang boses niya at narinig ko na iyon sa kung saan, hindi ko lang talaga matandaan kung kailan.
“Can I discuss your schedule for today, Si–”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalubong ang aming mga mata eksaktong pag-angat ko ng tingin. Hindi ko kaagad nabawi ang tingin ko sa kanya, dahil para akong hinihigop ng kulay gintong mga mata niya.
I feel like I was hypnotized….
“What was it?” biglang sambit niya na siyang nakapagpabalik sa akin sa tamang huwisyo.
Mabilis kong ibinaba ang tingin ko at ini-scroll ang tablet na hawak ko para sabihin sa kanya ang schedules niya para sa araw na ito.
“Meeting with Aristotle’s and Chua’s at 9:00 am. Kailangan niyo rin pong um-attend sa ribbon cutting ng Sunshine’s Cafe nang 11:00 am.” Saad ko.
Bumuntong-hininga ako at muling ipinagpatuloy ang binabasa ko.
“Lunch with Kathali—”
“Cancel that.” Pagputol niya sa akin.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ang aking Boss. Nakatitig lamang ako sa kanya at naghihintay ng paliwanag, pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong natanggap kaya ay sinunod ko na lang ang sinabi niya at binura ang isang ‘yon sa kanyang schedule.
“Dinner with Dela Veg—”
“What the h*ll… Please cancel that one, too.” Sambit niya.
Tumango ako at ginawa rin iyon.
Gustong-gusto kong malaman kung bakit ika-cancel niya iyon e, sa tingin ko ay family dinner naman iyon. Pero di rin naman ako pwedeng magtanong dahil personal na iyon at baka masisante pa ako ng wala sa oras.
“Anything?” muling sambit niya sa mahinang boses.
“Nothing, Sir.” I said.
Bahagyang lumobo ang bibig niya at kasunod niyon ay ang pagpakawala niya ng isang malakas na paghinga. Pinanood ko siyang unti-unting ipinikit ang mga mata niya at marahang isinandal ang likuran niya sa sandalan ng kanyang swivel chair.
Ngayon ay mas lalo kong napagmamasdan ang istura niya. Sobrang tangos ng ilong at pwede mong gawing slide ying bridge ng ilong niya.
Maganda at pulido ang pagkakagawa ni Lord ng kilay niya, hindi gano'n ka kapal, pero di rin naman manipis. Saktong-sakto lang talaga at bagay na bagay sa hugis ng mukha niya.
He looked so manly, maybe because of his tanned skin. He has this different kind of aura around him, he's charismatic and elegant at the same time.
Hindi ko naisip na makakatagpo ako ng ganitong klase ng lalaki na pupurihin ko nang husto.
“Take a seat, Cherinah. Sasakit ang binti mo kapag mananatili kang nakatayo.” Aniya.
Bigla akong naging alerto at dali-daling naupo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. Nagbaba ako ng tingin sa sahig at tahimik na pinagmamasdan ang sahig dahil sa pagkaburyo.
Kararating ko lang rito, pero inaantok na kaagad ako. Paano ba kasi hindi aantukin e wala naman akong ibang ginagawa, dahil wala akong ibang pwedeng gawin kundi manatili lamang rito sa loob ng opisina kung nasaan siya.
Nakasulat kasi sa kontrata, na dapat ay lagi lang akong nakabuntot sa kanya, magsasabi ng schedules niya at mag-arrange. Bukod roon ay wala na.
“Baka makatulog na ako rito sa kinauupuan ko,” sa isip ko.
Maya-maya pa ay napalingon ako sa kanya ng bigla itong tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo. Kinuha niya ang kanyang coat at isinuot iyon, pagkatapos ay bumaling siya sa akin..
“We're going somewhere,” kalmadong sambit niya.
Tumango ako at kaagad na sumunod sa kanya palabas ng opisina.
Habang naglalakad kami sa mahabang hallway ay hindi ko mapigilang pansinin ang mga mata ng empleyadong nakatutok kay Mr Dela Vega. Bakas ang pagkamangha sa itsura nila habang pinagmamasdan siya.
Hindi ko din naman sila masisi, dahil bukod sa gwapo ito ay matangkad rin. Hindi naman ako gano'n ka liit, pero nagmumukha akong bata habang naglalakad pasunod sa kanya.
Nagmumukha tuloy siyang tower, dahil lahat ng nadadaanan naming empleyado ay nakatingala sa kanya habang binabati siya at bumabati rin siya pabalik.
Sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko na napansin na nasa labas na pala kaming building. Nasa likuran niya pa rin ako at tahimik na pinapanood ang bawat kilos niya.
Hindi nagtagal ay biglang huminto ang isang magarang sasakyan sa aming harapan. Muling humakbang si Mr Dela Vega, pinihit niya pabukas ang pinto nito at natigilan ako dahil humarap ito sa akin at iminuwestro ang nakabukas na sasakyan.
“Come in?” paanong niyang saad, at bahagya pang tumbinge ang kanyang ulo, animo'y tinatantya ang reaksyon ko.
Napakamot ako sa aking noo at agad ding pumasok sa loob dahil sa tingin ng ibang tao sa amin.
“Nakakahiya…..” sa utak ko na halos ay mapasigaw na rin ako.
Sunod na pumasok sa loob ng kotse ang boss ko. Naramdaman ko pa ang pagbaling nito sa akin na para bang may chine-check siya at ng mahulaan ko iyon ay ipinakita ko ang seatbelt na suot ko na.
Napamaang lang siya at kaagad na sinabihan ang driver na umabante na..
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa aking bag ko at kaagad na bumungad ang pangalan ni Isaac.
“Ahmm, excuse me, Sir,” nahihiyang sambit ko.
“Go ahead, answer the call. Baka importante ‘yan.” Aniya at kaagad na nag-iwas ng tingin sa akin.
Ilang segundo pa ay sinagot ko na ang tawag at napangiti ako ng narinig ko ang boses nito.
“Are we going to eat dinner, together Mommy?” masigla niyang saad.
I smiled as I whisper to answer him, “Yes, Baby. Sabay tayong mag-dinner mamaya.” Tugon ko.
Marami pa siyang sinabi sa akin hanggang sa nakuntento na siya at nagpaalam, pagkatapos ay ibinaba ang linya.
“Family?”
Napatingin ako sa kanya sa bigla niyang pagsalita. Nakatingin ito sa labas ng sasakyan habang nilalaro ang kanyang ibabang labi gamit ang daliri niya.
“Yes, Sir.” Sagot ko.
Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Gumuhit ang isang pilyong ngisi sa kanyang labi.
“How long?”
Kumunot naman ang noo ko, pero sinagot ko pa rin ang tanong niya. “Five years, Sir.” I said.
I saw him took a deep breath, like he was calming himself from exploding just because of something.
“You have a great family, then.” Wika niya.
“Yes, Sir. A wonder family,” pabulong kong tugon.
Pagkatapos niyon ay muling naging tahimik ang atmosphere naming dalawa. Hindi na ito muling nagsalita at nagtanong ng kung ano-ano.
At hanggang sa narating namin ang destinasyon na sinabi niya ay tahimik pa rin siya kahit na nakabalik na kami sa kumpanya at gano'n pa rin siya.
Wala naman akong nasabi na hindi maganda na maaaryong dahilan ng ikagalit niya. Inisip ko na lang na baka ito talaga ang totoo niya ugali at naninibago lang talaga ako.
TO BE CONTINUED.....