CHERRY'S POINT OF VIEW
Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng maging isang Personal assistant ako ni Mr Dela Vega. Naging maayos naman ang takbo ng trabaho ko, maging ang relasyon ko sa isang mga empleyado ay maayos din. May iilang impakta lang talaga na mainit ang dugo sa akin, pero hindi ko naman na iyon pinapansin.
Kasalukuyan akong nasa canteen ngayon dito lang din sa mismong loob ng kumpanya. Maraming tao at maraming pagkain, at Ang mas maganda pa roon ay libre lahat ng nandito sa canteen.
Food and drinks… libre lahat dahil sagot iyon ng kumpanya.
“Mabuti na lang talaga at nabigyan pa rin ako ng trabaho kahit hindi ako natanggap nang nag-apply ako bilang P.A.” Sambit ni Noreen, habang abala pa rin ang bibig niya sa pagnguya ng pagkain.
Siya iyong babaeng nakasabay ko noon sa interview, ‘yong babaeng biglang kumausap sa akin. At sinong mag-aakala na magiging kasunod ko ang isang ‘to.
Ilang saglit pa ay bumaling ako sa gawi ni Sophia ng magsalita rin ito.
“Oo nga. Wala tayong ibang gastos maliban sa pamasahe at tirahan. Iyong pera igagastos sana natin sa pagkain ay maitatabi natin.” Pagsang-ayon niya kay Noreen.
Sandaling katahimikan ang naghari sa pagitan naming tatlo. Bumalik na ako sa pagkain ko dahil akala ko ay wala na silang sasabihin. Ngunit, mamaya ay napahinto rin ako sa pagnguya ko ng pareho silang bumaling sa akin.
“Bakit?” naguguluhang tanong ko.
Kinunutan ko sila ng noo nang makita ko ang nakakalokong ngiting iyon sa kanilang mga labi.
“Kumusta naman ang buhay bulang isang P.A ni Sir Dela Vega?” makahulugang sambit ni Sophia.
Sandali akong napa-isip…
Bago ko siya sinagot ay isinubo ko muna sa bibig ko ang pagkain at dahan-dahang nginuya iyon.
“Okay lang naman. Hindi naman gano'n kahirap ang trabaho ko,” mahinang wika ko. “Bakit ba ganyan ang ngiti niyong dalawa?!” asik ko dahil parang inaasar nila ako.
Sabay-sabay silang umiling dalawa at pagkatapos ay umayos ng upo at ipinagpatuloy ang kanilang pagkain.
Ilang saglit lang din ay natapos na kami, kaya bumalik na din kami sa kanya-kanyang pwesto namin. Sa second floor lang silang dalawa, at ako ay sa thirty-eight floor pa. Tahimik akong nakasakay sa loob ng elevator, may kasabay akong isang babae.
Kitang-kita ko ay repleksyon niya sa dingding ng elevator.
Maganda siya, maganda rin ang katawan. Halata sa ayos niyang may ibubuga rin ang kanyang pamilya, pero nakakapagtaka lang ay kung bakit nandito siya sa kumpanya at gaya ko ay patungo rin kami sa parehong palapag.
Nang bumukas ang elevator ay humakbang ako palabas, pero gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong binangga at muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko.
Napayuko ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin. Siya na nga itong bumangga, siya pa ang galit.
Nauna siyang naglakad habang ako ay tahimik lang na nakasunod sa kanya. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya, pero diretsyo lang talaga siya at iniisip ko na baka mali ako at liliko siya sa kabilang pinto, pero agad na nasagutan ang mga tanong ko ng pinihit niya ang pinto ng opisina ni Mr Dela Vega.
Pipigilan ko sana siya, pero hindi ko iyon magawa dahil nakapasok na siya sa loob at malakas niyang isinara ang pinto nito.
Sandali pa akong tumayo roon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung papasok ba ako o hintayin na lamang na makalabas ang babaeng ‘yon dahil baka maka-istorbo lang ako sa kanilang dalawa.
Sa bawat segundong lumilipas na nakatayo ako sa labas ng opisina ay mas lalong humihigpit ang pagkakakuyom ng palad ko. Ang nga ngipin ko ay halos bumaon na sa ibabang labi ko sa gigil na nararamdaman ko na di ko alam.
Hindi ko talaga kayang i-explain kung ano ang tumatakbo sa utak ko ngayon.
Bumuntong-hininga ako at nagsimulang gumalaw paalis sa palapag na iyon, pero napahinto ako at nang marinig ko ang malakas na kalabog sa loob.
Bigla akong kinabahan at huli na nang mapigilan ko ang aking sarili at tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ng opisina.
At sobrang akong nagulat sa nakita ko. Nakaupo siya sa swivel chair habang nasa harapan niya ‘yong babae at hawak-hawak ang magkabilang pisnge niya at hinalikan siya.
Then he slightly move and our gazes met.
He looked so shocked while looking at me like I was some sort of ghost who just entered his office.
Habang ako ay nanigas rin sa kinatatayuan ko at nakatingin lamang sa kanya habang nakadikit pa rin ang labi ng babae sa kanya.
Napalunok ako sa sariling kong laway at nagsimulang humakbang paatras.
“Stay, Cherinah.” Aniya na siyang nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.
Humigpit ang hawak ko sa pinto at kahit labag sa loob kong manatili sa loob ng opisina ay ginawa ko pa rin dahil Boss ko siya.
“Don't you ever come to my office, Kathalia. We were done a long time ago so stop bugging me.” Dinig kong saad niya at bakas ang iritasyon sa kanyang boses.
Nanatili pa rin akong nakayuko sa sahig, ilang sandali ay nakita ko ang sapatos ng babaeng si Kathalia. Sandali itong huminto sa harapan ko bago nagpatuloy sa kanyang paglalakad.
Bahagya akong napatalon ng malakas nitong isinira ang pinto at umalingawngaw ang tunog niyon sa buong opisina.
“Sorry about that,” biglang sambit ng Boss ko.
May kung ano sa loob ko na gumaan, hindi ko alam kung pakiramdam ko ba iyon o hininga ko.
Naguguluhan din kasi ako kung bakit naramdaman ko ang emosyong naramdaman ko noon nang makita kong hinalikan ni Natasha si Nick.
Para akong naiinis na nasasaktan.
“Cherinah?” bigkas nito ng pangalan ko sa nanunuyang boses.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinigilan kong napanguso ng makita kong bahagya itong nakangiti, pero naka-kunot pa rin ang kanyang noo.
“Sit here,” mahinang saad niya at itinuro ang silyang nasa kanyang harapan.
Tumango ako at kaagad na naupo doon at tahimik pa din.
“Are we good now?” Aniya.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, sinikap kong ngumiti at sinalubong ang tingin nito na parang walang nangyari.
“Yes, Sir. Bakit naman po hindi?” Sambit ko.
Naikuyom ko ang palad ko ng inilagay niya ang kanyang siko sa ibabaw ng mesa at halos pumatong na siya sa ibabaw ng lamesa para lang ilapit ang kanyang mukha sa akin.
Pinagkatitigan niya nang husto ang mga ko at halos mapugto ang hininga ko nang bigla itong ngumiti.
“Mas lalo kang gumaganda kapag sa malapitan,” nakangiting sambit niya at mabilis na inilayo sa akin ang kanyang mukha.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisnge ko. Sobrang init ng paligid kahit umaandar naman ang Aircon sa kanyang opisina.
Ilang sandali pa ay tumayo ito at nagsimulang lumakad habang nakadikit sa kanyang tenga ang cellphone niya.
“Lanzi… Starting today, Kathalia won't be allowed to enter any of our buildings. The moment you saw her entering my office or my properties, tel the securities to drag her out. You got it?” bigkas niya at puno ng kapangyarihan ang kanyang boses.
Nakatanaw lamang ako sa kanyang likuran, sa sobrang tangkad niya pakiramdam ko ay hindi ako makikita ng kung sino man ang nakatayo sa harapan niya.
“We're having lunch together, Cherinah.” Wika niya at agad na lumabas ng opisina.
Sa gulat ko ay hindi ako nakapag-react.
“S-Sir….” utal-utal kong saad at nagsimulang tumakbo para sundan ito.
Pero masyadong mabilis ang mga hakbang niya kaya sumuko na ako at tahimik na lang na sumunod sa kanya papasok sa loob ng elevator.
Pumwesto ako sa tabi ng mga botton ng elevator. Habang siya naman ay nasa kabilang direksyon, at kahit hindi ako nakatingin sa kanya at ramdam ko ang titig niya sa ‘kin.
T*ngina… Napapa-isip tuloy ako na m*nyak itong boss ko at pinagnanasaan ako.
Hindi nagtagal ay bumukas na ang elevator, pinauna ko siyang lumabas at bumuntot lang ulit ako sa kanya.
Syempre P.A ako, kaya dapat lagi lang akong nasa likuran.
Ang akala ko ay sa canteen kami didiretsyo, pero laking gulat ko nang bigla itong lumiko sa ibang direksyon at ilangs segundo ay dumiretsyo ito sa isang kotseng nakaparada.
Sa kaba ko na baka ay muli niya akong pagbuksan ng pinto ay inunahan ko an siya. Ako na ang bumukas ng pinto ng kotse at diretsyong pumasok sa loob.
Kitang-kita ko ang gulat niya sa ginawa ko, pero kalaunan ay natawa lang din ito at umikot sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan.
“Fvck,” rinig kong bulong niya.
Bumaling ako sa kanya at gaya ng kung paano ko siya unang nakita noon ay ganito rin ang ginawa niya ngayon. Nilalaro niya ang labi niya gamit ang kanyang daliri, habang nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngisi roon at nagmamaneho gamit ang isang kamay niya.
Muling uminit ang pisnge ko dahilan para agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at sinubukang abalahin sa sarili sa pagkakalikot ng cellphone.
*****
“We're here.” Anunsyo niya.
Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at halos manlamig ang buong katawan ko ng mamukhaan ko ang restaurant na ito.
“What's wrong?”
Nasa harapan kaming restaurant kung saan ako nilapagan ng divorce papers ni Nickolas, limang-taon na ang nakalipas.
“Hey, Cherinah. Is there a problem? Ayaw mo ba dito? Gusto mo sa ibang restaurant na lang tay–”
“No, Sir. Okay lang po,” wika ko sa mahinang boses.
Sandali siyang tumahimik at maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan kung kaya ay sumunod na rin ako.
Sa bawat hakbang ko papasok sa loob ng restaurant, ay nagsimulang bumalik ang mga alaala na pilit kong kinakalimutan, sinusubukan kong bumangon mula sa pagkakalugmok ko.
Paulit-ulit akong umiiwas sa mga bagay na nagpapaalala niyon sa akin, pero sa tingin ko ay hindi pwedeng gano'n na lang palagi.
Kailangan kong harapan ang mga bagay na nagbibigay takot sa akin. Kailangan kong harapan lahat ng iyon dahil alam ko na kung patuloy akong iiwas, hindi ako magiging malaya.
TO BE CONTINUED….