CHAPTER 11

1923 Words
CHAPTER 11 CHERRY'S POINT OF VIEW “You know what? We can just leave if you don't like this place.” Mula pa kanina ay iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa akin. Ngunit, nakakahiyang gawin iyon dahil P.A niya lang ako tapos ako pa itong nag-iinarte. “Okay lang po, Sir. Dito na lang tayo.” Tugon ko at inabot ang tinidor na nasa tabi ng aking plato. Ramdam ko pa rin ang mata niyang nakatutok sa akin, pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Maya-maya ay narinig ko ang isang waiter, lumapit ito sa aming mesa at nagsalin ng inumin sa aking baso. Nag-angat ako ng tingin, ngunit kalaunan ay iniwas ko din iyon dahil namumukaan ko ang waiter na nasa harapan ko. Siya rin ang waiter na nagse-serve sa mesa namin noon ni Nick. Isa sa mga saksi kung ano ang nangyari sa araw na iyon. Akala ko ay matatapos na iyon, pero ilang sandali lang ay narinig ko ang bulungan ng ilang customers na nakapaligid sa mesa namin. Nagbubulungan sila at minsan ay palihim akong sinusulyapan. Napalunok ako at ang kaninang ganadong kumain na si Cherry ay unti-unting nawalan ng gana. Hindi ko magawang malunok nang maayos ang kinakain ko dahil naririnig ko ang mga boses nila at pakiramdam ko ay mabubulunan ako kapag ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. “You don't like the food? Should we replace it?” Wika ni Sir Kael. Dali-dali akong tumingin sa kanya at sunod-sunod na umiling habang pilit na ngumingiti sa kanya. “Hindi. Busog na kasi ako kaya hindi ko na maubos itong pagkain,” pagsisinungaling ko. Kahit na ang totoo ay nagugutom talaga ako pero di ko lang magawang kumain nang maayos. Tumango lang ito at sumimsim ng wine. “Di ‘ba siya iyong babaeng nakita natin dito five years ago?” “Oo siya nga. Akala ko ay hindi ko ulit ‘yan makikita rito.” “Pero tingnan mo, nandito ulit siya at ibang lalaki na ang kasama niya. Siguro ay hindi na talaga sila nagkabalikan nang asawa niya.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag dahil sa mga sinabing iyon ng dalawang customers. Bakit ba may mga ganitong klaseng tao, pilit na binabalikan ang nakaraan e hindi naman nila iyon buhay. “Baka nga totoo ang sinabi nang asawa niya. Na baka may iba talaga siyang lalaki at ang lalaking ‘yan ang tinutukoy niy—” “Excuse me,” biglang sambit ng boss ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakatingin na siya sa mga babaeng nasa kabilang lamesa. Naka-kunot ang kanyang noo at naglalabasan ang ugat sa mga kamay niya habang nakahawak sa kanyang baso. “It's not appropriate to talk about someone's private life. You should go outside and find someone else to talk about. Nakaka-istorbo kayo sa ibang customers,” seryosong sambit niya at maya-maya ay inilabas niya ang kanyang wallet. Pero agad ring nawala ang atensyon ko sa kanya ng marinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Gumalaw ako at dahan-dahang lumingon sa direksyon iyon at hindi ako nagkamali. Bumungad sa akin ang mukha ng dalawang taong sumira ng buhay ko. Si Natasha na nakahawak sa braso ni Nickolas, na ngayon ay walang emosyon akong tiningnan. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at dali-daling pinulot ang maliit kong bag para umalis sa restaurant na ito, pero hindi ko iyon nagawa kaagad dahil hinarangan ni Natasha ang dadaanan ko. “Look who's here,” mapang-uyam niyang sambit habang naka-krus ang mga braso niyang sinusuri ang kabuuan ko. Ilang saglit pa ay nilingon niya si Nickolas. “Babe, look. It’s Cherry.” Aniya na para bang inaasar ako. Naikuyom ko ang palad ko habang walang tigil sa pagkagat ng aking dila upang pigilan ang sarili kong mapaluha. “It's been a while, Sis. How are you?” muling sambit niya, pero hindi pa din ako nagsalita. Hindi ko maipaliwanag ang hiya na nararamdaman ko ngayong lalong-lalo na dahil sa mga mata ng mga taong nakatutok sa amin, animo'y nanonood sila nang isang palabas. “Oh.. I can say that you're doing great, because why not? You're with a man right now.” Dugtong niya. Bahagya akong bumaling sa direksyon ng boss ko. Nakaupo pa rin ito, ngunit ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Bakas din ang pagtataka sa mga mata niya, alam kong hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari ngayon. “Please. You can have your lunch without bugging me, Natasha.” Usal ko sabay tingin sa kanya nang diretsyo. Ang ngisi niya ay mas lalong lumawak, gumalaw ang kamay niya para abutin ang iilang hibla ng buhok ko, pero mabilis ko iyong tinabig na siyang ikinaawang ng kanyang bibig. “Wala akong panahon para makipag-laro sa ‘yo. Maghanap ka ng ibang pwede mong pagdiskitahan dahil may trabaho pa ako.” Usal ko at akmang lalampasan siya. Pero mabilis niyang hinawakan ang balikat ko, malakas niya akong hinila pabalik sa pwesto ko na siyang ikinatigil ng bagang ko. “Stop acting like I'm someone you can order around, Cherry. Don't forget that you're just a loser and a no one,” mahinang saad niya, ngunit sapat na ang lakas niyon para marinig kami ng ibang tao. Napamaang ako at malakas na inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, dahilan para muntik na siyang masubsob sa sahig. “Hindi nga. But you're acting like a pathetic loser. Sa ginagawa mo ay mas nagmumukha ka lang walang class, Natasha.” Banat ko. Her nostrils move. At sa mga sandaling iyon ay alam kong galit na siya at hindi nga ako nagkamali. Dahil maya-maya lang ay inabot niya ang basong may lamang tubig para ibuhos iyon sa akin. I closed my eyes and raise my arms to cover my face. Handa na akong mapahiya ulit at hayaang mabasa para lang tumigil na siya, pero nakalipas ang ilang segundo ay wala akong naramdaman na tubig sa katawan ko. Sa kyuryusidad ko ay dahan-dahang kong iminulat ang mga mata ko at gano'n na lamang ang panlalaki ng bumungad sa aking harapan ang malapad na likuran ni Kael. Sinalo niya ang tubig na dapat ay sa akin ibubuhos. “Fvck,” rinig kong mura niya. Maya-maya pa ay gumalaw siya upang harapin ako. Natakpan ko ang bibig ko gamit ang aking mga palad ng makita ko ang itsura niya. But what's more surprising? Is that he still smiles even after getting himself wet just because he saved me. “Are you okay?” masuyong tanong niya. Naging malikot ang kanyang kamay, tinitingnan ang bawat sulok ng mukha ko. Tumango ako na parang isang masunuring tuta at nang makita niya iyon at tumango lang din siya at muling humarap kina Natasha, na ngayon ay galit na galit habang nakatingin sa aming dalawa. “Miss.. Will you please act like the way your clothes looks?” makahulugang sambit ni Kael, habang pinupunasan ng tissue ang mukha niya. “You didn't get what I said?” muling sambit niya at inilapag sa mesa ang tissue na hawak niya. Then he took a few steps, he leaned closer to Natasha’s ear to whisper something. “Act decent,” he whispered. Nanlaki ang mga mata ni Natasha, at maya-maya pa ay may kinuha itong kuna ano para ihampas kay Kael. Humakbang ako para pigilan iyon, pero nakita kong nahawakan na nito ang papulsuhan ng kapatid ko at pabato ring binitawan kaya bumagsak sa sahig ang hawak niya at nabasag iyon. “Such a low class girl.” Aniya at binalingan si Nick, na ngayon ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Pero walang pakialam si Kael roon. Instead, he went near Nickolas and looked at him straight into his eyes, like he's giving him a warning. “You should know how to control and stop your girl. I respect women, but she's not a woman. So it means that I could beat her a*s if ever I want to.” Wika niya. Ngumisi si Kael at tinalikuran si Nickolas, pero bago siya tuluyang lumayo ay muli niya itong nilingon. “The next time I saw her walking around and harassing, Cherry like that. I'll make sure that you won't be able recognize her face, anymore.” Banta niya at nagsimula ng maglakad patungo sa direksyon ko. Nagulat ako ng abutin niya ang kamay ko at basta-basta na lamang niya akong hinila palabas ng restaurant na iyon. At hindi man lang ako nag-reklamo, hinayaan ko lamang siyang gawin iyon hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng sasakyan ay doon niya lang binitawan ang kamay ko. “You shouldn't let yourself get bullied, Cherry,” he said, he's voice was low and I can feel the frustration on it. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang tahimik na nilalaro ang aking daliri para maibsan ang bigat na nararamdaman ko. “Dapat ay hindi ka nakisali sa gulo ko,” mahinang sambit ko at naramdaman ko ang mabilis niyang paglingon sa akin. Like he couldn't believe what I just said. “It's my personal life, Sir. I'm just your P.A, and you are my Boss. Kaya sana ay hindi mo na lang isinali ang sarili mo, sana ay hinayaan mo na lang na maibuhos niya sa akin iyong tubig para hindi ka rin napahiy–” “D*mn it, Cherry. Gusto mo at manood lang ako roon habang inaapoli ka nil–” “Oo! Dahil mas magiging maganda kung gano'n ang nangyari. Kasi dahil sa ginawa mo ngayon ay mas lalo niya lang akong guguluhin. You don't know my sister, ang babaeng ‘yon ay gagawin ang lahat para lang sirain ako at ipahiya ako sa harapan ng maraming tao.” Sa mga sandaling iyon ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. “Kinuha niya lahat sa ‘kin. Ang mga magulang ko, ang mga bagay na pinaghirapan ko. Pati na ang asawa ko ay inagaw niya sa akin. Lahat ng meron ako ay nasa kanya na dahil inagaw niya!” hiyaw ko at kitang-kita ko ang pagkagulat niya. Sinubukan kong kumalma, paulit-ulit na pinapahiran ang luhang umaagos sa aking pisnge, pero muli lang din iyong nababasa dahil walang tigil sa pag-agos ang luha ko. “Hey.” Wika niya at inabot ang magkabilang pisnge ko. Hinawakan niya iyon ay dahan-dahang iniharap sa kanya. Hindi ko gaanong makita nang maayos ang mukha niya dahil nanlabo ang paningin ko sa mga luhang namumuo sa aking mga mata. “I'm sorry,” masuyong wika niya at pinunasan ang pisnge ko gamit ang kanyang hinlalaki. Bahagyang humaba ang nguso ko, dahil kahit na sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon ay hindi pa rin nagpapaawat ang puso ko na halos sumabog na dahil sa lakas ng pagtibok nito. “You're not just a P.A to me, Cherry. You are special to me, that's why I couldn't just let them harass you like that. Not on my watch, Baby.” Kaagad na nalaglag ang panga ko sa kasunod niyong ginawa. Dahan-dahan at maingat niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit. Isang yakap na kayang pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko, yakap na kaya akong patahanin kahit na iyak ako nang iyak. Yakap na kayang iparamdam sa akin na may kakampi ako at may sasandalan ako sa panahong gusto ko na lamang sumuko. And I badly needed this kind of comfort right now. At sobra akong nagpapasalamat dahil naramdaman ko na kahit papaano ay hindi pala ako nag-iisa. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD