Sa mga nagdaang araw ay naging abala ulit si Yani sa pagsasanay sa isang maselang undercover. Kung noong nakaraan ay marami silang isinalang dahil malaki ang event na pinuntahan nila, ngayon ay mag-isa lang siyang napili para magpanggap bilang isang entertainer. Ayon sa chief of police ng Baguio, wala pa daw sa sampu ang kanyang titiktikan sa isang secret gathering na kinabibilangan lang ng iilang miyembro ng lider ng Mafia. Gaganapin daw iyon sa isang building sa Binondo, Manila. Hindi pa nila tukoy kung para saan ang sikretong pagtitipon na iyon ngunit may kutob sila na para iyon sa bagong droga na balibalitang iaangkat ng ibang lahi dito sa Pilipinas.. “Tired?” tanong ni Patrick nang makitang paupong nakahilata sa computer chair niya si Deyanira. Nakapikit ang mga mata ng babae na

