Madilim ang kabilang side ng kuwarto na pinasukan nila. Ngunit naaninag din naman nila agad ang isang may kulay pulang ilaw sa dulo ng hallway. Nagsimula ulit silang maglakad para sundan iyon. Nadaanan nila ang isang hagdanan papaitaas, papunta sa nakasaradong tila lagusan ulit na nasa kisame. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa mismong pintuan na may kulay copper. This time hightech na ang pagkakagawa sa pintuang iyon. Paano’y fingerprint ng hinlalaki ni Copper ang ginamit nito para mabuksan ang yari sa metal na pintuan na tila ba isang bullet proof. Halos sabay ang kanilang mga paa na humakbang papasok sa loob nang mabuksan iyon ng binata. Tsaka naman ang automatic na pagbukas ng lahat ng ilaw doon. For the second time, Deyanira's reaction was in awe when she sa

