Makaraan ang ilang araw... Habol niya ang hininga habang nagkukubli sa isang madilim na eskinita ilang kanto ang pagitan mula sa kanyang opisina isang gabi. Pansin niya ay kanina pa may sumusunod sa kanyang isang lalaking nakasuot ng fitted jeans at oversize hooded jacket. Nakatago ang mukha nito kung kaya hindi niya ito makilala. Sa kabila noon ay may kutob na siya na isa iyong tauhan ni Mr. X. Sino pa nga ba ang paghihinalaan niya na gagawa sa kanya nito eh ang matanda lamang. Sa hinuha niya ay baka napag-alaman na nito na siya ang pumatay sa kaibigan nitong si Mr. Montero kaya isa na siya sa hina-hunting nito ngayon. Dumaan ang dalawang araw pagkatapos niyang kitlin ang buhay ng kaibigan nitong si Mr. Montero ay wala pa rin silang naging komunikasyon. Isang bagay na ipinagtataka

